Raymart Santiago, idinemanda ni Claudine Barretto dahil hindi umano tinutupad ang sustento sa mga anak

by PEP Troika
Nov 19, 2020
Kampo ni Claudine Barretto (left), sinabing PHP100,000 kada buwan ang dating napagkasunduang sustento na ibibigay ni Raymart Santiago (right) sa dalawang anak.
PHOTO/S: @claubarretto / @raymartsantiago Instagram

GORGY RULA

Sa darating na December 10 ay posibleng magkita ang estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Prosecutor’s Office ng Marikina City.

Kaugnay ito ng reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at alegasyong economic abuse na isinampa ni Claudine laban kay Raymart.

Ayon sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi umano tinutupad ni Raymart ang dating napagkasunduang "PHP100,000" kada buwan na sustento para sa dalawang anak.

Ito raw ang mitsa ng desisyon ni Claudine na sampahan na lamang ng reklamo si Raymart.

"Hindi nagbibigay ng sustento si Raymart. Ang tagal na!

"Nagbibigay siguro, 14 thousand a month, ganun. 'Tapos, wala na," sabi ni Atty. Topacio sa amin.

Nasa prosecution pa lang ang legal complaint na inihain ni Claudine laban kay Raymart, at inaasahang magsusumite si Raymart ng kanyang counter-affidavit.

Dalawang beses ikinasal sina Raymart at Claudine—noong May 2004 at March 2006.

Continue reading below ↓

Pero naghiwalay ang couple noong 2013, at noon ding panahong iyon ay nasangkot sila sa sanga-sangang legal battle.

Dagdag na kuwento ni Atty. Topacio, nung nagkakasuhan pa ang dating mag-asawa, nagkasundo na raw sila sa korte kung magkano ang ibibigay na sustento ng aktor.

Pero hindi raw nasusunod iyon.

Ayon sa abogado ni Claudine: "Before in court, meron na silang pinirmahan na 100 thousand a month—na pwede-pwede na rin, although insufficient pa rin.

"But even that, hindi natutupad, kaya we have to file a case against him."

Inaasahan daw ni Atty. Topacio na magkaayos sina Claudine at Raymart, basta sundin lang ni Raymart ang napagkasunduang sustento para sa kanilang anak.

Ano kaya ang sagot diyan ni Raymart, Sir Noel?

JERRY OLEA

Naikuwento rin ni Atty. Topacio na alam ni Claudine ang tungkol sa relasyon nina Raymart at Jodi Sta. Maria.

Si Raymart ay cast member ng ABS-CBN teleserye na FPJ's Ang Probinsyano, habang si Jodi ay isa sa mga bida ng Kapamilya teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Continue reading below ↓

Bago pa raw pumutok ang balitang sila Raymart at Jodi na, tumawag daw si Jodi kay Claudine para magpasintabi.

Sinasabing wala raw kaso iyon kay Claudine, pero malaman ang sumunod na mga kataga ng abogado.

Ayon kay Atty. Topacio, pinag-aaralan ng kampo ni Claudine ang posibilidad na ireklamo si Jodi dahil sa pakikipagrelasyon kay Raymart.

"Pinag-aaralan pa namin ang iba't ibang anggulo," hirit ni Atty. Topacio.

Juice colored! Nakaka-Lucrezia Borgia sakaling isakdal ni Claudine si Jodi, as if ang hanash, “Ang sa iyo ay akin!”

NOEL FERRER

Nasa taping ngayon ng ABS-CBN teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano si Raymart Santiago.

Kung may kasagutan si Raymart sa anumang isyu, malamang na idadaan niya sa tamang forum at hindi sa media.

Kung ang layon ay maayos ito, may tamang forum, o pwedeng mag-usap ang parties concerned.

At kasabay ng pagpapa-media ng kampo ni Claudine ng usapang Jodi Sta. Maria at ang posibilidad na idemanda ni Claudine si Jodi, maaaring ibalik ito sa sinabi ng Banal Na Kasulatan, “Let those who have not sinned cast the first stone.”

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag na nais ipahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kampo ni Claudine Barretto (left), sinabing PHP100,000 kada buwan ang dating napagkasunduang sustento na ibibigay ni Raymart Santiago (right) sa dalawang anak.
PHOTO/S: @claubarretto / @raymartsantiago Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results