Sino ang tatlong aktor na pinagdududahang gay ni Ruru Madrid?

by PEP Troika
6 days ago
Inilista ng aktor na si Ruru Madrid ang tatlong male celebrities na pinagdududahan niyang gays: ang isa ay kapwa niya Kapuso, ang isa ay taga-ibang istasyon, at ang isa ay isang freelancer.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Ang daming nagtatanong sa amin kung sino ang tatlong pangalang isinulat ni Ruru Madrid na pinagdududahan niyang bading sa showbiz pero okay lang sa kanya.

Ang dami kasing naintriga sa guesting niyang iyon sa The Boobay And Tekla Show (TBATS) noong nakaraang Linggo, Nobyembre 15.

Sa segment na "Fill In The Blank," sinagot ni Ruru ang blangko sa tanong na ibinato sa kanya.

Ang isang linyang sinagot niya ay hinding-hindi niya malilimutan nang mabasted siya ng aktres na ito.

Isinulat ni Ruru ang sagot, pero sina Boobay at Super Tekla lamang ang nakakita nito.

Base sa clues na nakuha namin, obvious na si Barbie Forteza ang tinutukoy niya.

Nagkasama kasi sila sa afternoon drama series na Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa (2022). Doon pala naganap ang ligawan, pero hindi siya umubra kay Barbie.

Ang isa pang nakakaintrigang linyang kailangang sagutin ni Ruru ay kung sinu-sino ang pinagdudahan niyang bading pero okay lang sa kanya.

Continue reading below ↓

Tatlong pangalan ang sagot doon ni Ruru na hindi siyempre nai-reveal.

Kahit anong kulit namin sa mga TBATS, wala kaming nakuhang sagot.

Pero base uli sa clues na nakalap namin, isang kasamahan ni Ruru sa trabaho ang isa sa mga isinulat niya; ang isa ay napapanood sa ibang istasyon; at ang isa ay naggi-guest minsan sa ilang programa ng GMA-7.

Sabi naman ni Ruru, hindi isyu sa kanya kung bading, at mataas ang paggalang niya sa mga ito.

Sanay raw siya sa mga bading dahil bata pa lang ay marami na siyang nakakasalamuhang bading na mga kaibigan ng mommy niya. Mabait daw sa kanya at alaga siya ng mga bading na ito.

Medyo nagtaka lang kami, bakit hindi niya isinulat ang isang aktor na nanilip sa kanya minsan habang umiihi siya?

Mas kumbinsido ba talaga siyang bading itong nakatrabaho niyang aktor na mabait naman at napakasipag?

Mataas din pala ang rating ng nakaraang TBATS, na nakakuha ng 6.1%, ayon sa AGB NUTAM.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

May “K” kumilatis si Ruru, huh?! Malakas ang gaydar niya.

Napakabait ng kapwa Kapuso na eme-emeng pinagdududahan pa niya.

Iyong pangalawa, wala na sa closet, out and proud na sa sexual preference nito.

At iyong pangatlo, mukhang lumulunok ng glutha. Nakakasilaw ang kakisigan, at mabait din.

Maligaya si Ruru kay Bianca Umali. Walang pag-aalinlangang hinalikan ni Ruru Madrid ang litrato ni Bianca matapos itong hilingin ni Boobay sa TBATS.

Si Barbie, masaya kay Jak Roberto. Merong endorsement together sina Jak at Barbie, na K-inspired.

Post ni Jak sa Instagram, isa itong milestone para sa kanilang dalawa ni Barbie kaya ipinasilip nila ang ilang kuha mula sa kanilang shoot sa vlog niya.

"Working with Barbie on teleseryes is one thing but having our very first endorsement together is such a fulfillment for both of us,” lahad ni Jak noong Nobyembre 16, Lunes, sa kanyang eponymous channel sa YouTube.

“The whole shoot went smoothly and we all had fun. Barbie and I didn't even get to sleep the night before the shoot because of excitement. We hope you like this vlog!”

Continue reading below ↓

Siyanga pala, abangan ang Kapuso hunks na sina Addy Raj, Nikki Co, at Dave Bornea sa "Ginoong Pa-delight" ng TBATS (Episode 91). Hindi lang sila basta yummy... funny pa!

NOEL FERRER

Alam kong wala namang kaso kay Ruru ang kasarian ng isang tao at okey ang pakitungo niya rito.

Hindi ba’t may kasamahan tayo sa panulat ang naging ka-close niya talaga at mainam naman at napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan?

Kaso pa ba ngayon kung bading ka o hindi? Weno naman, di ba?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilista ng aktor na si Ruru Madrid ang tatlong male celebrities na pinagdududahan niyang gays: ang isa ay kapwa niya Kapuso, ang isa ay taga-ibang istasyon, at ang isa ay isang freelancer.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results