Fans ni Teejay Marquez sa Indonesia, tanggap ang pagbibida niya sa BL series

by PEP Troika
6 days ago
Teejay Marquez (left) on BL series with Jerome Ponce (right): "Sabi ko nga, gagawin ko naman ito, itotodo ko na. Kasi, this is my first project sa Pilipinas at ayokong masayang ang opportunity na ibinigay ng Regal."
PHOTO/S: Courtesy of Regal Entertainment

GORGY RULA

Hindi sukat-akalain ni Teejay Marquez na tatangkilikin nang bonggang-bongga ang BL series nila ni Jerome Ponce na Ben x Jim.

Matatapos na ito sa susunod na linggo at, ayon sa source ng PEP Troika, ikinakasa na ang Season 2 nito.

Hindi pa ito alam ni Teejay nang nakatsikahan namin siya sa meeting ng bagong noontime show niya sa PTV4 na Good Laffternoon noong Martes, November 17.

Basta, masaya siya dahil maganda ang response at milyun-milyong views nito.

Pero ang isa sa ikinatuwa niya nang husto ay tinanggap ito ng fans niya sa Indonesia.

Di ba, sumikat si Teejay sa Indonesia nang magbida siya roon sa ilang series na nagawa niya?

Hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang supporters niya sa Indonesia at suportado itong BL series niya.

Alam nating medyo conservative at Muslim country ang Indonesia, kaya hindi raw niya inaasahang magugustuhan nila ito.

“Natakot akong mag-post ako tungkol dito sa BL na ito, kasi siyempre strict yung country nila. Baka mamaya, hindi nila matanggap.

Continue reading below ↓

“Nagulat ako na excited na excited sila… sila pa yung nagsasabing they can’t wait… hanggang ngayon, isa sa may pinakamalaking support sa BL namin sa Indonesia.

“Talagang open sila sa ganung story na hindi man sila ganun ka-open sa bansa nila, may mga tao talagang nanonood,” masayang pahayag ni Teejay.

Kaya nagpapasalamat siyang sa kanya ibinigay ng Regal ang role, at maganda ang resulta ng first project niya sa Pilipinas na siya ang bida.

“Sabi ko nga, gagawin ko naman ito, itotodo ko na. Kasi, this is my first project sa Pilipinas at ayokong masayang ang opportunity na ibinigay ng Regal.

“Kaya sabi ko kay Direk, ‘Tara, Direk, gagawin ko naman to, e, kaya itotodo ko na. So, in-enjoy ko na lang,” sabi pa ni Teejay.

JERRY OLEA

“Di ba ang daming problema? Feeling niyo ba masasagot lahat yun sa last episode. Kailangan ng Season 2 noh?”

Tweet iyan ni Direk Easy Ferrer (direktor ng Ben x Jim) nitong Nobyembre 19, Huwebes ng gabi, matapos ipalabas ang Episode 6.

Continue reading below ↓

Pahiwatig iyan na malamang sa alamang na may second season ang BL series nina Teejay at Jerome.

Ang unang limang episodes ng Ben X Jim ay pawang naka-1M views agad sa YouTube channel ng Regal Entertainment, Inc.

Sa dinami-dami ng Pinoy BL series, ang Episode 3 ng Ben x Jim ang pinakamabilis na naka-1M sa YouTube—four days.

Kinabog nito ang record ng Episode 8.4 ng My Day, na sa ikalimang araw lumampas sa 1M views.

Take note na sa Episode 8.4 ng My Day ay umaatikabo ang laplapan at landian nina Iñaki Torres at Miko Gallardo, samantalang sina Teejay at Jerome ay hindi pa naghahalikan.

Nag-aalala nga ang ibang marupok (o marupokpok?) na fans na baka matulad si Teejay kay JC Alcantara na hindi natikman ang glorious kiss ni Tony Labrusca sa Hello Stranger.

Nabalitaan nating nag-umpisa na ang shooting ng sequel (movie version) ng Hello, Stranger. Hopia, asado at expectorant tayo na maglalapat na rito ang mga labi nina Tony at JC.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

May nakausap akong hooked sa Ben x Jim BL series nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

Sabi nila, okey ang progression ng story until yung pag-itsapwera kay Yana (Sarah Edwards) na girlfriend ni Jim, at ang patuloy na pagpapabebe ni Ben.

We’ll see how the story will maneuver na maging pro-Boys Love pero hindi pinu-put down or necessary kalaban ang babae.

Sa proliferation ng BL, dapat talagang puliduhin ang istorya para may bagong insight na may kagat sa panahon ngayon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez (left) on BL series with Jerome Ponce (right): "Sabi ko nga, gagawin ko naman ito, itotodo ko na. Kasi, this is my first project sa Pilipinas at ayokong masayang ang opportunity na ibinigay ng Regal."
PHOTO/S: Courtesy of Regal Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results