Jason Abalos, naglunsad ng clean water project; MYX Philippines, may benefit concert para sa typhoon victims

by PEP Troika
5 days ago
Kapuso actor Jason Abalos, nagsagawa ng clean drinking water drive para sa mga residente sa Cagayan at Isabela na sinalanta ng sunud-sunod na bagyo. MYX PH, may gagawing benefit concert, habang ang Pinoy Big Bother ex-housemates at Rise artists ay tumulong sa Sagip Kapamilya.
PHOTO/S: Jason Abalos Instagram / ABS-CBN

JERRY OLEA

Isinusulong ni Jason Abalos ang "The Clean Water Project" para sa mga residente ng Cagayan at Isabela na tinamaan ng bagyong Ulysses.

Layunin nitong magbigay ng malinis na tubig para sa mga nasabing probinsya.

Post ni Jason noong Nobyembre 18, Miyerkules sa Instagram at Facebook,

"Maigsing kuwento lang. Kahapon kausap ko pinsan ko na nasa Isabela, sabi ko bili tayo water containers para pwede pa magamit ulit, at sana may mga refilling station sa Cagayan at Isabela na magbigay muna ng libreng refill ng tubig..."

Taga-Pantabangan, Nueva Ecija ang Kapuso actor, na ang pinsan namang si Mitch Abalos ay nasa Isabela.

Pagpapatuloy ni Jason, "Nakapagbigay po kami ng ilan. Pero madami pa rin po ang nangangailangan ng malinis na tubig na maiinom.

"Hindi ako nagse-celebrate ng birthday pero magsisimula ako ngayon at magpapainom tayo ng malinis na tubig. DM n'yo na lang po 'yong regalo n'yo na donasyon at bibili tayo ng water containers para sa pamilyang nasalanta ng bagyo. Maraming salamat po."

Continue reading below ↓

Marami ang agad tumugon sa panawagan ni Jason.

As of Thursday, November 19, 8:00 p.m ay nakaipon na ng clean drinking water para sa 400 families ang proyekto.

Sabi pa ng pinsan ni Jason na si Mitch sa Facebook, "Let‘s continue giving more gallons of Water to every family in need in the affected areas of Isabela & Cagayan because EVERY DROP MATTERS."

Continue reading below ↓

abs-cbn artists collab with SAGIP KAPAMILYA

Mula Bagyong Quinta hanggang Bagyong Ulysses, puspusan ang pagresponde ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation at ng ABS-CBN News Public Service Team sa mga lugar na malubhang nalubog sa baha.


Narito ang impormasyon para sa mga nais magbigay ng donasyon via Sagip Kapamilya:

Continue reading below ↓

Bukod sa kani-kanyang personal na pag-aambag, nagsagawa ng mga fund-raising show ang iba’t ibang Kapamilya para makalikom pa ng pondong pambili ng mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.


Kabilang dito ang “PBB Kumunect sa Pagtulong” ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother"; ang “RISE here, Right Now” #SagipKapamilyaUlysses Fundraiser ng RISE Artists Studio sa Kumu; at ang Star Hunt #SagipKapamilyaUlysses Fundraising event sa ABS-CBN Star Hunt Facebook Page.

Continue reading below ↓


Tweet ni MJ Felipe nitong Nobyembre 20, Biyernes ng gabi, “Joining forces and lending their time, talent and influence, StarHunt artists were able to raise more than 213 thousand pesos from their #SagipKapamilyaUlysses online fundraising event last Nov 16. All donations will go to Sagip Kapamilya."


Continue reading below ↓

MYX20 FUNDRAISER

Magsasanib-pwersa ang OPM bands na 6cyclemind, Callalily, Gracenote, Hilera, I Belong To The Zoo, Itchyworms, Mayonnaise, Moonstar88, Paraluman, Sponge Cola, at The Juans sa 20th-anniversary benefit show ng MYX sa Nobyembre 21, Sabado ng 7:00 p.m. sa Facebook, Twitter, at YouTube channel ng MYX Philippines.

Pinamagatang #MYX20 Fundraiser, tampok din dito sina Barbie Almalbis, Bea Lorenzo, Clara Benin, Darren Espanto, Iñigo Pascual, Janine Teñoso, Keiko Necesario, Leanne & Naara, Syd Hartha, at Zach Tabudlo.

Lahat ng malilikom na donasyon ay mapupunta sa Sagip Kapamilya program ng ABS-CBN Foundation, Inc. (AFI).


Continue reading below ↓

Matutunghayan din ang #MYX20 Fundraiser via TFC Asia Pacific (APAC) sa Linggo (Nobyembre 22) 12 noon sa Hong Kong and Singapore, 1 p.m. sa Japan, 2 p.m. sa Guam, 3 p.m. sa Sydney, at 5 p.m. sa New Zealand.

Ipapalabas din ito sa TFC Europe, Middle East, and Africa (EMEA) sa Linggo, 10:30 p.m. sa Saudi Arabia, 11:30 p.m. sa Dubai, 8:30 p.m. sa Rome, 7:30 p.m. sa London, at 1:30 pm Pacific Standard Time (PST) sa Linggo sa TFC NOLA.

Puwede ring tumutok sa Linggo 10 a.m. PST sa MYX TV U.S. o sa MYX TV Europe, Middle East at Africa, 1 p.m. Central European Time, at 4 p.m. sa United Arab Emirates.

NOEL FERRER

Ngayong Nobyembre 20, Biyernes ang simula ng "Christmas Bayanihan Musikahan Fund Raising" for the typhoon victims.

Pangungunahan ito ng ating National Artist Ryan Cayabyab, with guest performers sa pilot airing na The Company, Ima Castro, Tim Pavino, at Jamie Rivera.

Continue reading below ↓

Ang schedule nito ay kada Biyernes ng 8:00 p.m. sa FB Page ng Bayanihan Musikahan.Org.


Narito ang impormasyon para sa mga nais magbigay ng donasyon via Bayanihan Musikahan:


Continue reading below ↓

Meron din ganitong fundraising sa gagawing "The Third Noel: Light Up The World" sa December 11 at 7:30 p.m. sa Radyo Katipunan ng Jesuit Communications at Arete ng Ateneo.

Makakasama roon ang generous artists na sina Jose Mari Chan, Joey Albert, at Ebe Dancel. Gayundin ang The Company, sina Mark Bautista, Jed Madela, Bituin Escalante, Jim Paredes, Bayang Barrios, Arman Ferrer, at marami pang iba.

Mayroon ding special blessing dito si Cardinal Chito Tagle mula Roma.

Hangga’t may nangangailangang kababayan, may tutulong at tutulong dito. At hindi ito contest. Welcome ang lahat na tumulong! Iyan ang spirit ng Bayanihan!

GORGY RULA

Ni-retweet ni Vice Ganda ang TRANSPARENCY REPORT ng Team Vice: “As of 11:00 AM, November 19, 2020, nakalikom na ng PHP 1,233,820.87 ang FUNDkabogable Donation Drive.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga nag-donate! Malaking tulong po ito para sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Ulysses.”

Continue reading below ↓

By 12:00 midnight ng Huwebes, November 19, ay isinara na ni Vice ang nasabing donation drive.

Transparent din ang nalikom na karagdagang pondo ng Little Ponies and Friends.

Kaya yung mga walang ambag kundi negatrons, ingat kayo sa hagupit ng digital Karma.

WILLIE REVILLAME

Patuloy ang serbisyo publiko ni Willie Revillame para sa mga kababayan natin sa Catanduanes na nasalanta ng bagyong Rolly.

Continue reading below ↓

Nitong Lunes (November 16) at Martes (November 17), ipinasilip ni Willie ang kanyang relief efforts para sa mga residente ng Catanduanes.

Ayon kay Willie, ito ang kanyang tugon matapos mapanood ang panawagan ng isang lola para makatanggap ng ayuda.

Ayon sa Wowowin host, “Si nanay napanood ko sa 24 Oras. Sabi ko, hindi naman pupuwedeng matutulog lang ako nang may makikiusap na tulungan kayo.”

Mismong si Willie ang nagpalipad ng kanyang helicopter nang siya ay bumiyahe patungong Catanduanes noong November 8, kasama ang dalawa pang helicopters na dala ang kanyang mga donasyon tulad ng jackets, gamot, banig, at kumot.

Bukod pa rito, nagpaabot siya ng financial assistance na PHP5M.

PAOLO GUMABAO

Bago sumabak si Paolo Gumabao (Paul S. Chen sa totoong buhay) sa lock-in shoot ng Kapamilya teleseryeng Huwag Kang Mangamba, inilunsad niya sa Facebook ang donation drive na Tindog Catanduanes para sa mga taga-Catanduanes na sinalanta ng bagyong Rolly.

Continue reading below ↓

"Catanduanes is an island in the Bicol region that have not yet fully recovered due to shortage of supplies," ani Paolo, na tubong-Virac, Catanduanes.

Half-brother nina Marco at Michelle Gumabao si Paolo.

Dagdag ni Paolo, "Your cash donation will be used to buy food packs and supplies to be distributed to the families affected.

"Any amount will do. Please share to spread the word. Thank you!"

Narito ang bank details ni Paolo, aka Paul Chen, para sa mga nais tumulong sa Tindog Catanduanes:

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Jason Abalos, nagsagawa ng clean drinking water drive para sa mga residente sa Cagayan at Isabela na sinalanta ng sunud-sunod na bagyo. MYX PH, may gagawing benefit concert, habang ang Pinoy Big Bother ex-housemates at Rise artists ay tumulong sa Sagip Kapamilya.
PHOTO/S: Jason Abalos Instagram / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results