43rd Gawad Urian voting: Janine Gutrierrez, runaway winner; Elijah Canlas, isang boto lang ang lamang kay Gold Azeron

by PEP Troika
5 days ago
Si Janine Gutierrez (leftmost) ang nagwaging Best Actress para sa 43rd Gawad Urian. Nominado naman sina Nadine Lustre, Alessandra de Rossi, at Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: @janinegutierrez / Noel Orsal for PEP.ph / Jayson Villafuerte for PEP.ph / @bernardokath

NOEL FERRER

Noong bata pa ako, lagi kong inaabangan ang mga post-mortem ng Gawad Urian.

Nababasa ko kay Tito Mario Bautista, na kasapi noon sa Manunuri, ang minutes ng kanilang deliberations at ang explanation ng kanilang boto. Pero nawala yun.

Medyo nakipagsabayan ang mga Manunuri sa mga bonggang Star Awards, Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS), at Film Academy of the Philippines (FAP); at hindi na napagtuunan ng pansin ang pagpapaliwanag ng kanilang votes.

Noong panahong iyon sinimulan ang Young Critics Circle na nagpuno ng ganoong film education component, hanggang sa ibinalik itong muli ng Urian nang may iba nang namahala ng kanilang mga gawad.

Noong November 10, unang inanunsiyo ang winners para sa iba't ibang kategorya ng 43rd Gawad Urian.

Ngayong taon, bilang pagpapatuloy ng tradisyon, nagkaroon ng forum na pinangunahan ng president ng Manunuri na si Gary Devilles kasama ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang kategorya.

Continue reading below ↓

Dito ay napag-usapan ang mga mahihigpit na nakalaban ng bawat isa sa botohan.

Sa Best Picture na Babae at Baril, ang naging runner up ay ang Cleaners. Parang vindication ito sa producers ng Babae At Baril dahil sa QCinema, tinalo ng Cleaners ang pelikula nina Bianca Balbuena-Liew at Iana Bernardez.

Sa Best Director, wagi si Rae Red sa Babae at Baril, at ang naging mahigpit niyang katunggali ay si Jun Lana ng Kalel, 15. Maganda rito, kasama si Jun sa tumulong sa grupo ng Babae at Baril noong nagsisimula pa lamang itong buuin.

Si Jun Lana ang unanimous choice for best screenplay for Kalel, 15, habang ang runner-up ay sina John Bedia, Thop Nazareno, at Denise O’Hara ng Edward.

Interesting ang major acting awards.

Sa Best Actor, isang boto lang ang lamang ni Elijah Canlas (Kalel, 15) kay Gold Azeron (Metamorphosis).

Sa Best Actress, runaway winner si Janine Gutierrez (Babae at Baril) with 7 votes, may 2 votes si Alessandra de Rossi (Lucid), at 1 vote si Ruby Ruiz (Iska).

Continue reading below ↓

Sa Best Supporting Actor, runaway winner ang yumao nang si Kristoffer King, habang may 2 votes si Topper Fabregas (Sila-Sila) at 1 vote si Dido dela Paz (Edward).

At sa Best Supporting Actress, runaway winner din si Yayo Aguila (Metamorphosis) habang may 2 votes si Perla Bautista (Ulan), at 1 vote si Meryll Soriano (John Denver Trending).

Maganda iyong ganitong nagiging transparent at open ang mga award-giving bodies sa pagdi-discuss ng kanilang desisyon.

At least, nagkakaroon ng diskurso kung paano pa nila gagalingan sa susunod na mga pelikula.

JERRY OLEA

Nominado pero hindi ibinoto sina Kathryn Bernardo, Alden Richards, at Maricel Laxa na tampok sa Hello, Love, Goodbye—ang highest grossing na pelikulang Pilipino sa kasaysayan.

Bokya rin sa 43rd Gawad Urian sina Nadine Lustre, Cherie Gil, at Joel Lamangan na acting winners ng mga Manunuri noong nakaraang taon.

Bilib na bilib ako sa pagganap ni Ricky Davao sa Fuccbois, pero kagaya ng co-star niyang si Royce Cabrera ay Z-Rowena (as in zero) siya sa botohan.

Continue reading below ↓

Si Judy Ann Santos na may international award para sa Mindanao, hindi man lang umabot sa short list ang kanyang pelikula.

GORGY RULA

Sayang at walang awards night na inaabangan pa rin ng mga mahilig sa showbiz.

Base sa mga napiling winners ng mga Manunuri, mas gusto na nila ang mga batang filmmakers, bagong istilo at pinapansin ang pananaw ng mga kabataan.

Deserved ni Elijah Canlas ang Best Actor award. Talagang dedikado si Elijah sa kanyang propesyon bilang actor.

Samantala, ang pelikulang Cleaners ay kasama pala sa Premium Selection ng Pista ng Pelikulang Pilipino na nagsisimula na ngayon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Janine Gutierrez (leftmost) ang nagwaging Best Actress para sa 43rd Gawad Urian. Nominado naman sina Nadine Lustre, Alessandra de Rossi, at Kathryn Bernardo.
PHOTO/S: @janinegutierrez / Noel Orsal for PEP.ph / Jayson Villafuerte for PEP.ph / @bernardokath
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results