Hanggang Saan ng ABS-CBN, ni-remake sa Turkey

by PEP Troika
Nov 21, 2020
Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, A Mother's Guilt
Kasama ng ABS-CBN ang isa sa mga nangungunang production company sa Turkey, ang Limon Yapim, sa pag-produce ng Turkish adaptation ng Hanggang Saan na pinagbidahan nina Sylvia Sanchez at anak na si Arjo Atayde.
PHOTO/S: ABS-CBN (main photo), Kanal D (inset)

JERRY OLEA

Sasabak na sa primetime TV sa Turkey ang teleseryeng A Mother’s Guilt, kung saan bida sina Özge Özberk (bilang ina na si Suna) at Mert Yazicioglu (bilang anak naman na si Yusuf).

Adaptation ito ng Kapamilya teleseryeng Hanggang Saan (Nobyembre 2017-Abril 2018), na pinagbidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, kasama sina Sue Ramirez, Maris Racal, Yves Flores, Teresa Loyzaga, at Ariel Rivera.

Ito ang kauna-unahang Pinoy TV series na nagkaroon ng adaptation sa Turkey.

Ipapalabas ito sa TV channel na Kanal D tuwing Sabado simula Nobyembre 21.

Kasama ng ABS-CBN ang isa sa mga nangungunang production company sa Turkey, ang Limon Yapim, sa pag-produce ng A Mother’s Guilt.

Ngayong 2020, labing-anim sa mga serye ng ABS-CBN ang nagsimulang ipalabas sa Africa, Asia, at Latin America.

Sa mga nagdaang taon, nakapagdala na ang ABS-CBN ng mga programa nito sa 50 bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng ABS-CBN International Distribution.

Continue reading below ↓

Siyanga pala, kasama si Sylvia sa inspirational drama series na Huwag Kang Mangamba, na pagbibidahan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz, at Kyle Echarri.

Nasa cast din nito sina Eula Valdes, Mylene Dizon, Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Nonie Buencamino, Matet de Leon, Dominic Ochoa, Soliman Cruz, RK Bagatsing, at Paolo Gumabao.

GORGY RULA

Nakakatuwa at nandiyan pa rin ang mga magagaling na writers ng ABS-CBN 2 kaya tuloy pa rin sila sa paggawa ng magagandang kuwento para sa Kapamilya channel.

At least, hindi man ito kagaya ng mga sinusubaybayan na mga K-drama, nagustuhan naman sa ibang bansa.

Sa GMA-7 naman ay ang dami ring naka-line up na drama series na ipinu-produce ng GMA News and Public Affairs.

Dito ilulunsad si Kelvin Miranda, pati ang loveteam nila ni Mikee Quintos sa bago nilang seryeng The Lost Recipe, na naka-lock-in taping na.


Continue reading below ↓

Nasa cast din nito sina Thea Tolentino, Paul Salas, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, Crystal Paras, at Chef Anton Amoncio.

Kinukulang lang ang GMA ng magagaling na veteran stars para sa major support sa mga batang artista.

Nasa Kapamilya pa rin kasi ang ibang magagaling na veteran actors kagaya nina Christopher de Leon, Ronaldo Valdez, Tonton Gutierrez, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, Sylvia Sanchez, at marami pa.

Ang narinig ko, merong gagawin si Albert Martinez sa GMA-7.

Matagal ding nasa ABS-CBN 2 si Albert, at kung matutuloy ito, balik-Kapuso siya ulit.

NOEL FERRER

Maliban sa mga teleserye, tuluy-tuloy ang pagpo-produce ng ABS-CBN para sa IWantTFC.

Magaganda ang istorya at karamihan ay kuwentong out-of-the-box—at nasasakyan ng general na manonood.

Marami rin dito ang pinangko-crossover sa freeTV.

Iyan na talaga ang kunsiderasyon ngayon—ang palawakin ang market, hindi lang sa FreeTV kundi pati na (o lalo pa) sa digital platform.

Pero heto ang pasabog!!!

Continue reading below ↓

One of these days, malalaman na lang natin na TULOY ANG PAGLIPAD NI DARNA!

Hindi man pampelikula, malamang na pang-series siya!!!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama ng ABS-CBN ang isa sa mga nangungunang production company sa Turkey, ang Limon Yapim, sa pag-produce ng Turkish adaptation ng Hanggang Saan na pinagbidahan nina Sylvia Sanchez at anak na si Arjo Atayde.
PHOTO/S: ABS-CBN (main photo), Kanal D (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results