Pasko na sa All-Out Sundays, may beauty queens sa ASAP, at ang SNL, "SNT" muna—"Sunday Noontime Taped"

by PEP Troika
Nov 21, 2020
ASAP Natin 'To, All-Out Sundays, Sunday Noontime Live
Guests sa ASAP Natin 'To bukas sina (kaliwa) Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang MUP runners up na Pauline Amelinckx, Billie Hackenson, at Ysabela Ysmael; simula na ng Pasko sa All-Out Sunday (gitna); habang taped naman ang ipalalabas bukas sa Sunday Noontime Live (kanan) dahil sa technical problems.
PHOTO/S: Instagram: @asapofficial, @alloutsundays7, @sundaynoontimelive

GORGY RULA

Paskong-pasko na sa All Out Sundays simula bukas, November 22.

"Winter Wonderland" ang opening number na pangungunahan ng regular performers na sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Paolo Contis, Christian Bautista, at Mark Bautista.

Bahagi sa kanilang Christmas celebration, magkakaroon ng baby shower para kay Aicelle Santos na malapit nang iluwal ang baby girl nila ni Mark Zambrano.

Work from home si Aicelle kaya kakaiba ang kanilang baby shower na AOS-style kasama sina Mark, Christian, Julie Anne, Paolo, Glaiza de Castro, at ang special guest nilang si Isay Alvarez na nakasama ni Aicelle sa Rak of Aegis.

Hindi pa raw alam kung rest na ba muna si Aicelle pagkatapos nito dahil gusto pa rin sana niyang kumanta nang kumanta kahit nasa bahay lang siya.

Dito na rin pala ilu-launch ang latest singles ng The Clash champions na sina Golden Cañedo na "Walang Hanggang Sandali" at "Titulo" ni Jeremiah Tiangco.

Continue reading below ↓

Ilulunsad na rin ang music video ng kantang "Umulan Man o Umaraw" para sa launching film nina Rita Daniela at Ken Chan na Huling Ulan sa Tag-araw.

Hahataw rin ng kakaibang sayaw nina DJ Loonyo, Mannex, Eunice, at Daphne sa remix version ng "Little Drummer Boy."

Abangan din ang "Pasa Mode" segment nina Paolo Contis at Gabbi Garcia kung saan haharap sa challenge dito ang mga taga-Starstruck na sina Migo Adecer, Kim de Leon, Shayne Sava, at Lexi Gonzales.

NOEL FERRER

Parang pam-Pasko na halos lahat ng tema ng mga Sunday show upang kahit papaano—pagkatapos ng bagyo—medyo gumaan at sumaya ang pakiramdam ng naghihirap nating mga kababayan.

Napansin ko pa ang pagbaba-bye ng mga tao sa pansamantalang pagbabakasyon ni Piolo Pascual habang si Catriona Gray ay nag-judge sa isang pageant sa Colombia.

Kaya malamang, taped na lahat ng mga Sunday noontime shows na mapapanood natin bukas.

Dahil sa pandemya, nakaka-miss din makapanood ng live programs na bihira na ngayon, at yung energy ng live audience na wala na muna talaga.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Bakit hindi kasali sa mga taga-Starstruck na nasa All Out Sundays si Allen Ansay?

Kasi, minor pa siya.

Totoo bang nagbawas na ang AOS ng comedy sketches?

Nakakaburyong kasi ang karamihan ng paandar nila. Hindi nakakatawa, kaya bina-bash ng netizens.

Noong nakaraang linggo, ang SNL (Sunday Noontime Live) ng TV5 ay naging "SNR (Sunday Noontime Replay)."

Nagkaroon ng technical problem kaya hindi sila nakapag-live.

Nag-taping na lang sila. Kaya ang SNL bukas ay "SNT(Sunday Noontime Taped)".

Sa ASAP Natin ‘To, pagpupugayan ang ganda ng Pilipina kasama ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo, at ang mga runner-up na sina Ysabella Ysmael, Pauline Amelinckx, at Billie Hakenson.

Huwag na ninyong hanapin si Michele Gumabao, utang na loob!

Magpapayanig sa dance floor sina Kim Chiu, Loisa Andalio, at Ronnie Alonte.

Manghaharana ang heartthrobs na sina Iñigo Pascual, Sam Concepcion, at Kyle Echarri.

Magpapakilig sina Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Joao Constancia, Lance Carr, Tan Roncal, at StarHunt Academy Trainees.

Continue reading below ↓

Triple treat ang showdown nina Erik Santos, Iñigo, Nyoy Volante, iDolls, Jona, Klarisse, at Kyla.

K-drama kantahan ang hatid hatid nina Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Nina, at Jason Dy.

Handog ng Queen of Hugot na si Moira dela Torre ang bago niyang awitin na "Paubaya."

Nasa ASAP pa rin ang world-class performances mula kina Angeline Quinto, Elha Nympha, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Regine Velasquez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Guests sa ASAP Natin 'To bukas sina (kaliwa) Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang MUP runners up na Pauline Amelinckx, Billie Hackenson, at Ysabela Ysmael; simula na ng Pasko sa All-Out Sunday (gitna); habang taped naman ang ipalalabas bukas sa Sunday Noontime Live (kanan) dahil sa technical problems.
PHOTO/S: Instagram: @asapofficial, @alloutsundays7, @sundaynoontimelive
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results