Kahit walang broadcast franchise, tuloy ang laban ng Kapamilya channel sa digital platforms

by PEP Troika
Nov 22, 2020
Boyette and The House Arrest of Us posters
Ang Boyette, Not A Girl Yet (starring Maris Racal, Inigo Pascual, at Zaijian Jaranilla) at The House Arrest of Us (starring Kathryn Benardo and Daniel Padilla) ang ilan sa mga livestreaming series na handog ng iWant TFC.
PHOTO/S: iWant TFC PR

JERRY OLEA

Pinapalakas ng ABS-CBN ang streaming platform na iWant TFC, na kung tagurian ay “Home of Filipino Stories.”

Dito unang mapapanood ng subscribers sa loob at labas ng bansa ang bagong episodes ng mga Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Bagong Umaga—48 oras bago sila umere sa kahit anong platform o channel.

Eksklusibong napapanood sa buong mundo ang bagong Kapamilya teleseryeng La Vida Lena nina Erich Gonzales, Carlo Aquino, Kit Thompson, at JC de Vera.

Inilunsad ito noong Nobyembre 14, Sabado. Streaming ang Episode 2 nito umpisa Nobyembre 21, Sabado ng 6:00 p.m.

Sa iWant TFC nag-premiere noong Nobyembre 5 ang BL series na Oh, Mando! nina Kokoy de Santos, Alex Diaz, at Barbie Imperial.

Ipinalabas din ang Episode 1 ng Oh, Mando! sa Facebook page at YouTube channel ng iWant TFC noong Nobyembe 11.

Streaming na pati Episode 2 and 3 ng nakaka-shookt na Oh, Mando! sa iWant TFC app and website, pero waley pa sa FB at YT.

Continue reading below ↓

Magkasunod na ipinalabas sa iWant TFC ang dalawang project ni Jameson Blake—ang BL movie na My Lockdown Romance with Joao Constancia, at ang Episode 1 ng Loving Emily with Iza Calzado.

May butt exposure si Jameson sa pakikipaglampungan kay Iza, huh?!

Bago magwakas ang 2020, ipapalabas ang iWant TFC Originals na Bawal Lumabas (Kim Chiu, Kyle Echarri at Franchine Diaz), Hoy! Love You (pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa), I Can Wait Forever (Loisa Andalio at Ronnie Alonte), He’s Into Her (Donny Pangilinan at Belle Mariano), at Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz (Beauty Gonzalez at Kiko Estrada).

Streaming na ang Episode 5 ng The House Arrest of Us (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) umpisa Nobyembre 21, Sabado ng 9:00 PM.

Sa Nobyembre 27, Biyernes mag-uumpisa ang streaming ng pelikulang Boyette, Not A Girl Yet (Zaijian Jaranilla, Iñigo Pascual, at Maris Racal).

Ang tiket ay P150 (Pilipinas) o US$2.99 (sa labas ng Pilipinas).

Continue reading below ↓

Malapit na ring mapanood sa iWant TFC ang Four Sisters Before the Wedding, na prequel ng Four Sisters and A Wedding (2013) nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Angeline Quinto, at Coney Reyes.

GORGY RULA

Kayang-kaya nilang palakasin ito sa digital. Hindi pa rin kasi pumapalo ang ratings nila sa A2Z.

Ang rating ng mga weekend programs nila ay hindi man lang sumampa ng 1%. Kaya okey ring palakasin nila online.

Makakakuha sila ng commercial load doon pero hindi kasindami ng nasa free TV.

Hindi ko lang sure kung yung commercial load ba nila ay nababawi na sa laki ng production cost ng mga na-produce nilang programa.

Kahit anong tipid mo pa kasi ngayon, magastos pa rin dahil sa lock-in taping na may binabayaran kang hotel accomodation, pagkain, at swab testing ng mga artista at production staff.

Pero tuloy pa rin ang laban ng Kapamilya channel. Sila pa rin ang may pinakamaraming sikat na artista.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kung transition to digital ang pag-uusapan, talagang may headstart na ang ABS-CBN at dito sila nag-i-invest heavily ngayon.

Kahit walang broadcast franchise, tuluy-tuloy sila sa pagpo-produce ng content sa iba’t ibang platforms, na talagang edgy rin ang content at patuloy na tinatangkilik ng ating mga kababayan.

Napag-usapan na rin natin dito na pati livestreaming phone app na Kumu ay pinasok nila, at may tie-up din sa bosses ng ABS-CBN kaya marami silang show roon.

Magsusunuran kaya ang ibang networks sa galawang digital?

Bakit kaya tila naghihinay-hinay pa ang ibang media networks?

Let’s wait and see.

JERRY OLEA

Sa bagong iWant TFC, mayroong offline viewing ng mga piling pelikula at show sa app.

Ang subscriber ay puwedeng mag-download ng palabas at panoorin ito kahit walang internet.

Mas pinaganda ang panonood ng iWant TFC sa mas malaking screen. Available na ito sa mga piling TV brands, pati na sa Roku at Telstra TV.

Continue reading below ↓

Para ma-enjoy ang mga ito, kailangan lang mag-download ng iWant TFC app sa Google Play o Apple App Store, o gumawa ng bagong account sa website ng iWant TFC.

Tatlong subscription plans ang mapagpipilian—free, standard, at premium.

Para sa mga gustong tuluy-tuloy ang panonood nang walang ads, pwedeng mag-subscribe sa PREMIUM plan na P119 kada buwan.

Sa STANDARD plan na P59 kada buwan, mapapanood ang lahat ng palabas at pelikula na may ads.

Parehong mae-enjoy ng premium at standard subscribers ang higit sa 1,000 pelikula, full access sa live channels gaya ng Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, CineMo, at Knowledge Channel, lahat ng bagong ABS-CBN shows, Kapamilya classics, newscasts, lifestyle shows, Asianovelas, lahat ng iWant TFC originals, at iba pang digital content.

Para sa iWant TFC users sa labas ng Pilipinas, iba-iba ang presyo ng subscription plans depende sa bansa.

Sa FREE plan, may ads at limitado ang ibibigay na access nito sa 300 pelikula, tatlong live channels, piling episodes ng shows, at full access sa sampung teleserye kada buwan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Boyette, Not A Girl Yet (starring Maris Racal, Inigo Pascual, at Zaijian Jaranilla) at The House Arrest of Us (starring Kathryn Benardo and Daniel Padilla) ang ilan sa mga livestreaming series na handog ng iWant TFC.
PHOTO/S: iWant TFC PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results