Super galante si Premyadong Aktres; mabaho raw talaga si Hunky Aktor/Starlet

by PEP Troika
4 days ago
Blind Item
Sa lock-in taping ng isang project, pinag-aagawan ng staff ng hotel si Premyadong Aktres, habang inaayawan naman si Hunky Actor. Bakit kaya?

JERRY OLEA

Bongga ang mga pakimkim ng Premyadong Aktres sa lock-in taping ng isang teleserye.

Super-generous ang Premyadong Aktres sa pagse-share ng mga biyaya mula sa langit.

Umaani ng tagumpay ang staff sa resort hotel na nagsisilbi sa Premyadong Aktres.

Tuwing umaga bago mag-taping ay pumapasyal-pasyal ang Premyadong Aktres upang lumanghap ng sariwang hangin.

Sumasakay ang Premyadong Aktres sa golf cart. Nag-aagawan ang mga staff na mag-drive sa golf cart.

Kung mag-tip kasi ang Premyadong Aktres, hindi bababa sa one kiyaw (P1,000).

Kahit sa mga naglilinis ng kuwarto niya, nag-aagawan din ang mga staff. Assured kasi sila na may bonus na P1,000 din.

Bilangin ninyo ang clues tungkol sa Premyadong Aktres at mahuhulaan agad ninyo kung sino siya.

Samantala, ang Hunky Actor na kasama sa nasabing lock-in taping ay inaayawan naman ng staff ng resort hotel.

Totoo ba ang tsismis na mabantot ang kuwarto ng Hunky Actor?

Ang dumi-dumi raw ng kama ni Hunky Actor dahil may sauce ng adobo, menudo, pinakbet, kaldereta, at kung anu-ano pang ulam. Sa kama raw kasi ito kumakain.

Continue reading below ↓

Ang siste pa, kung saan-saan nakakalat ang underwear na hinubad ni Hunky Actor.

Regular daw itong mag-work out pero tamad-tamarang maligo?!

Eeeeww!!!

GORGY RULA

Ganoon talaga kapag naka-lock in taping.

Doon mo lalong nakikilala ang mga katrabaho kapag ilang araw kayong nagsasama sa isang taping kagaya nitong drama series na ito.

Matagal nang pinag-uusapan itong si Hunky Actor na talagang bagsak daw sa hygiene.

Pinag-uusapan na siya ng co-actors na may dala siyang kakaibang amoy pagdating niya sa set. Bihira raw kasi siyang naliligo.

Ano ba iyan?!

Ito namang si Premyadong Aktres ay talagang kilala na rin sa pagiging galante.

May iba pa akong kuwentong narinig sa taping, pero hindi pa ito napapag-usapan dahil tikom ang bibig ng ilang napagtanungan ko.

Abangan na lang natin kapag pumutok ito.

Hindi iyung putok ni Hunky Actor, ha?!

Samantala, malapit na rin palang magsimulang mag-taping ang isang drama series, pero ang narinig ko pang tsika, naghahanap sila ng ilang staff na papalit sa mga nag-positibo sa kanilang swab test.

Continue reading below ↓

Sa totoo lang, nakakasanayan na yata ng mga nasa produksyon na merong nagpa-positive at nagagawan naman kaagad ng paraan.

Ito na talaga ang bagong normal sa TV production.

NOEL FERRER

Hinahangaan natin ang Premyadong Aktres na ito and since galing siya sa hirap, marunong siyang mag-share ng blessings.

At kung siya naman ang salat, ok lang siya sa kanyang simpleng buhay.

As for the nyohong Hunky Starlet (yes, hindi naman siya nag-progress sa pagiging aktor pa talaga), medyo notorious talaga siya sa kanyang amoy.

Sabi ng ibang kakilala niya noon, baka epekto ito ng supplements na tine-take niya.

Puwede ring naturaleza na niya ito.

Oh well, parang indicative yung hygiene niya sa ayos ng buhay niya ngayon.

Kumbaga, tinimbang ngunit kulang talaga.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa lock-in taping ng isang project, pinag-aagawan ng staff ng hotel si Premyadong Aktres, habang inaayawan naman si Hunky Actor. Bakit kaya?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results