Pinoy BL series Gameboys, mapapanood na sa Netflix simula December 30

by PEP Troika
Nov 23, 2020
Kokoy de Santos (left) and Elijah Canlas announce on Netflix Philippines' Twitter account that their BL series Gameboys will begin streaming on December 30.

JERRY OLEA

“The rumors are true! Ahh!! Caimazing and Angel2000 are finally headed to Netflix. Gameboys Level-Up Edition drops on December 30.”

Tweet iyan ng Netflix Philippines nitong Nobyembre 23, Lunes ng tanghali.

Agad iyang ni-repost ng The IdeaFirst Company, producer ng Gameboys, sa Twitter at Facebook.

Ang Caimazing at Angel2000 ay username, respectively, nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos) sa Pinoy BL series na Gameboys.

Continue reading below ↓

Sabi ni Elijah, “At siyempre, dahil Gameboys Level-Up Edition, ibang klaseng Gameboys ang mapapanood ninyo!”

Sambot ni Kokoy, may mga eksena sa buhay nina Cairo at Gavreel na mapapanood sa unang pagkakataon sa bersyong ito.

So, ii-incorporate ang deleted scenes? Ito ba ang definitive edition?

Ang Gameboys na pinagbidahan nina Elijah at Kokoy ang unang Pinoy BL series.

Nag-umpisa ang streaming ng CaiReel bromance noong Mayo 22, Biyernes, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Noon pa man ay wish natin na mag-streaming ito sa Netflix. Noon pa natin sinabi na ito ang pinakamagandang Pinoy BL series sa balat ng lupa.

“Hiwalay” na muna ang EliKoy/CaiReel.

Noong Nobyembre 5 nag-umpisang mag-streaming sa iWant TFC ang BL series ni Kokoy with Alex Diaz, ang Oh, Mando!

Nitong Nobyembre 21, Sabado ng 10:00 p.m., ipinalabas sa Virtual Cinematheque Manila ng FDCP Channel ang pelikulang He Who Is Without Sin, kung saan co-star ni Elijah si Enzo Pineda (na takaw-pansin ang pa-Bolivia).

Continue reading below ↓

Ang He Who Is Without Sin ay isa sa 89 feature-length films ng ongoing 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP4) na tatagal hanggang Disyembre 13.

Ngayong Nobyembre 23, Lunes ng 9:00 p.m., mag-uumpisang ipalabas sa TV5 ang Xmaseryeng Paano Ang Pasko?, kung saan isa si Elijah sa mga bida.

Bukas, Nobyembre 24, Martes ng 9:30 p.m., magsisimulang ipalabas sa TV5 ang series na Stay-In Love, kung saan si Kokoy ang leading man ni Maris Racal.

Ang tanong... ang Season 2 ba ng Gameboys ay ipapalabas din sa YouTube, o mauuna sa Netflix? At iyong movie version ng Gameboys, pang-Netflix din kaya?

NOEL FERRER

Wow! These are really good news for the BL and Gameboys followers, and this solidifies Gameboys moniker as the Breakthrough Project of the Year, and Elijah and Kokoy as the People of the Year, and EliKoy/CaiReel as the Loveteam of the Year!

Icon building din ang moves nila tulad ng pagkakaroon ng merchandise at libro, at nakakahanga ang paggamit ng kanilang fandom para makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad.

Continue reading below ↓

Ito ang positibong paggamit ng celebrity status at popularidad para maging maganda at mabuting impluwensiya sa lipunan.

GORGY RULA

Kaya kahit sabihin ng iba na pinakamaganda ang kanilang BL series, hindi pa sila mapapanood sa Netflix.

Mahihirapan silang abutin ang inabot ng Gameboys, na nagwaging Best Web Series kamakailan sa Seoul Indie Short Awards.

Ang Ayudang Gameboys noong Nobyembre 18, Miyerkules, 8:00-10:25 PM, mahigit P250K ang nalikom para sa mga nasalanta ng bagyo.

The original is still the best, 'ikanga.

Sa dami ng mga BL series ngayon, mas mabuting huwag na lang munang mag-second season ang CaiReel.

Nagsisimula na rin kasing umalagwa ang career nina Kokoy at Elijah. Maaaring mag-suffer pa in comparison sa season one.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kokoy de Santos (left) and Elijah Canlas announce on Netflix Philippines' Twitter account that their BL series Gameboys will begin streaming on December 30.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results