NOEL FERRER:
Despite the pandemic, tuluy na tuloy ang 2020 Metro Manila Film Festival at inihayag ito sa virtual presscon nitong Nobyembre 24, Martes ng hapon.
Ang MMFF ay pinamumunuan ni Metro Manila Development Authority Chairman Danny Lim.
“Hindi pwedeng mawala ang MMFF!” bulalas ni ChairmanLim.
Ang criteria para sa napiling MMFF entries ay base sa artistic excellence (40%), commercial Appeal (40%), Filipino cultural sensibility (10%), and global appeal (10%).
Ito ang mga napili ng Selection Committee headed by National Artist Bienvenido Lumbera.
1. Magikland
Cast: Bibeth Orteza, Miggs Cuaderno and Jun Urbano,
Director: Christian Acuña
2. Coming Home
Cast: Sylvia Sanchez and Jinggoy Estrada
Director: Adolf Alix Jr.
3. The Missing
Cast: Ritz Azul, Joseph Marco, and Miles Ocampo
Director: Easy Ferrer
4. Tagpuan
Cast: Iza Calzado, Alfred Vargas, and Shaina Magdayao
Director: MacArthur Alejandre
5. Isa Pang Bahaghari
Cast: Phillip Salvador and Michael de Mesa
Director: Joel Lamangan
6. Suarez: The Healing Priest
Cast: John Arcilla, Alice Dixson, and Jin Macapagal
Director: Joven Tan
7. Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim
Cast: Vhong Navarro and Barbie Imperial
Director Toppel Lee
8. Pakboys
Cast: Janno Gibbs, Andrew E, Jerald Napoles, and Dennis Padilla
Director: Al Tantay
9. The Boys Foretold By The Stars
Cast: Keann Johnson and Adrian Lindayag
Director: Dolly Dulu 10.
10. Fan Girl
Cast: Paulo Avelino and Charlie Dizon
Director: Antoinette Jadaone
Katuwang ng MMDA/MMFF ExeComm ang Globe, Upstream at GMovies sa paghahatid ng digital MMFF.
JERRY OLEA:
Sa first 4 na na-announce bilang official entries ng 46th MMFF, ang fantasy adventure na Magikland lang ang naiwan.
Noon pa natin naulinigan na hindi aabot sa deadline ang Praybeyt Benjamin 3 nina Vice Ganda at Ivana Alawi.
Nagkasakit ng COVID-19 si Alex Gonzaga, kaya ginahol din ang movie nila ni Toni Gonzaga na The Exorcism of My Siszums.
Merong senior citizen at child performer sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Suzan, na bida sina Joshua Garcia at Angie Ferro.
Entries sana sa 1st Summer MMFF (Abril 11-21) ang Isa Pang Bahaghari, Tagpuan, Coming Home, at The Missing. Buti at pasok sila sa December film fest.
Ang apat pang napili noon sa Summer MMFF ay Love The Way You Lie (ipinalabas na sa Netflix, bida sina Alex Gonzaga at Xian Lim), Love or Money (starring Coco Martin and Angelika Panganiban), A Hard Day (starring Dingdong Dantes and John Arcilla), at Ngayon Kaya (starring Paulo Avelino and Janine Gutierrez).
So, sa MMFF 2020, walang entry sina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto.
Si Ion Perez, suporta sa Mang Kepweng.
Suporta si Jaclyn Jose sa dalawang pelikula—ang Magikland at Mang Kepweng.
Si Ritz Azul bida sa The Missing, suporta sa Mang Kepweng.
Si Joseph Marco naman bida sa The Missing, suporta sa Isa Pang Bahaghari.
GORGY RULA:
Dahil online streaming ang MMFF 2020, hindi ito saklaw ng MTRCB.
Ganoon pa man, makikipag-coordinate ang MMFF Executive Committee sa MTRCB para sa classification ng sampung official entries.
May kaseksihan at kapilyuhan ang Pakboys: Takusa.
Nagbiro si Dennis Padilla sa mediacon na puro conservative silang mga bida rito.
Ang sabi ng direktor na si Al Tantay, “Hindi siya ganu’n ka-sexy. Bitin na bitin siya. Nasa utak lang ng tao. Doon lang naglalaro.”
FAN GIRL
Mapangahas at matapang ang Fan Girl.
Ayon kay Direk Antoinette Jadaone, kailangang mapanood ang Fan Girl sa kabuuan nito at walang putol.
Dagdag ni Direk Antonette, “We need to make films that question our values, our philosophies.”
Four years in the making ang Fan Girl. Natuwa si Direk Antonette kay Paulo, dahil naintindihan nito ang script ng pelikula.
“After three days, in-accept na ni Paulo iyong role. Ang question lang niya, kung may frontal nudity. Charot!” pagbibiro ni Direk Antonette.
“Hindi. Ang tanong niya, kung sino ang gaganap na fan girl. At the time, wala pa kaming napili.”
Sa Fan Girl, ang karakter ni Paulo ay artista na ka-loveteam ni Bea Alonzo.
The Boy Foretold By The Stars
Sa pelikulang The Boy Foretold By The Stars, ang peg ng mga bidang sina Keann Johnson at Adrian Lindayag sa mga pakilig at intimate scenes ay sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Ayon sa direktor na si Dolly Dulu, kayang-kaya iyon nina Keann Johnson.
Bulalas pa ni Direk Dolly, win na win ang mga bakla sa MMFF 2020. Hindi raw sila nakikipagkumpetensya sa Isa Pang Bahaghari.
Itong The Boy Foretold By The Stars ang unang BL movie na ipapalabas.
Isa Pang Bahaghari
Iyong Isa Pang Bahaghari ay hindi BL, manapa’y kuwento ng pamilya.
Isinumite ang Isa Pang Bahaghari sa MMFF 2019, pero hindi ito nakapasa.
Nakapasok ito sa 1st Summer MMFF, kaso, nagkapandemya kaya naudlot ang filmfest noong Abril.
Foretold by the stars ba na sa December MMFF itong movie na bida sina Nora Aunor at Phillip Salvador?
Pagdidiin ng direktor na si Joel Lamangan, “Si Nora, kailanman ay hindi siya naluluma. Lagi siyang may bago. Para siyang wine na habang tumatatagal ay lalong sumasarap. Habang tumatanda si Nora, lalo siyang humuhusay.”
Coming Home
Sa Coming Home, madarama rin ang importansya ng pamilya. Na-challenge si Senator Jinggoy Estrada sa kanyang comeback movie na hitik sa dramatic highlights.
Ang sabi ng co-star niya na si EA Guzman, masaya ang kanilang pagtatrabaho at lahat sila ay nag-enjoy sa set.
Magikland
Ang Magikland ay isang children empowerment movie, at isa ring Christmas story.
Ayon kay Direk Christian Acuña, may magandang mensahe ito para sa mga bata.
Maging kasintagumpay kaya ito ng Magic Temple na humakot ng awards at topgrosser sa MMFF 1996?
JERRY OLEA:
Pinaghalo ni Direk Easy Ferrer ang Japan horror at Pinoy horror sa The Missing.
May sangkap pa ito ng pulitika at kasaysayan. “It’s a new flavor of horror na hindi pa nagagawa!” bulalas ni Direk Easy.
Medyo challenging ito kay Joseph Marco dahil marami siyang Japanese lines.
Sabi naman ni Ritz Azul, “Nakapag-prepare po ako nang maayos sa character ko rito na merong depression, dahil ganoon po ang nanay ko.
“Pinag-aralan ko po ang nanay ko kung paano ba mabuhay nang may depression.”
TAGPUAN
Ang Tagpuan ay nag-shoot sa Hong Kong at New York na parehong melting pot ng iba’t ibang lahi.
“The movie tackles the diaspora of OFWs in Hong Kong, and migrants in New York,” sabi ni Direk Mac.
Adult love story ito. Kuwento ng mga taong nasaktan na sa pag-ibig.
Dagdag ni Direk Mac, “Love does not exist in a vacuum. It is shaped by socio-economic and political factors.”
Inaasam ni Direk Mac na tatangkilikin ng “streaming audience” ang Tagpuan.
Suarez: The Healing Priest
Nananalig naman si Direk Joven Tan na ang religious film niyang Suarez: The Healing Priest ay napapanahon.
Sabi ni Direk Joven, “Kailangan ang paniniwala sa kabila ng pandemya at trahedya. Iyan lang ang magsasalba sa atin, ang ating paniniwala.”
Pahayag ng bidang si John Arcilla, “Napakaraming Filipino worldwide ang naghihintay sa pagdating ng pelikulang Suarez.
“Sa panahon ng pandemya, hindi lang saya ang hinahanap natin. Gusto rin nating i-validate ang ating faith.”
Mang Kepweng
Mas maaksyon ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandang Itim kumpara sa Mang Kepweng Returns (2017). Level-up dito ang set design at CG (computer-generated) effects.
Sabi ni Direk Toppel Lee, “Vhong (Navarro) is very talented. Ang dami niyang ideas. Ang dami niyang in-inject na nuances.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika