Pamunuan ng Owe My Love, isa-isang sinagot ang mga rant ni Mystica

by PEP Troika
Nov 24, 2020
Owe My Love, mariing pinabulaanang ang reklamo ni Mystica na diumano'y pambabalewala sa kanya ng staff ng Kapuso series. Inihayag din ng Owe My Love ang "breach of protocol" at "demands" ni Mystica.
PHOTO/S: Mystica Youtube / Owe My Love statement

GORGY RULA:

Wala raw balak si Mystica na mag-ingay tungkol sa isyu niya sa bagong drama series ng GMA-7 na Owe My Love, dahil naayos daw ito ng mga staff bago siya umalis.

Nagulat na lang daw siya nang lumabas ito at pinag-usapan na sa social media.

Lalo raw kumulo ang dugo niya dahil wala raw siyang kinuwentuhan nito at gusto na lang daw sana niyang manahimik.

Since lumabas na ang isyu, kailangan na raw niyang magsalita at ilabas ang buong pangyayari sa kanyang vlog.

Kaya nagsalita na rin ang kontrobersyal na singer-actress sa radio program namin sa DZRH noong Lunes, November 23 ng gabi.

Ang talagang ikinagalit daw niya nang husto ay isang linggo na raw siya roon sa lock-in taping ng Owe My Love, hindi pa rin daw masabi sa kanya kung hanggang kailan daw siya roon.

Ang una raw kasing sinabi sa kanya ay isang araw lang siya, kaya pang-isang araw din daw ang dala niyang damit at gamit.

Continue reading below ↓

Lahad ni Mystica: “Walang sinabi sa akin na tuluy-tuloy na. Akala ko, one day lang. Kung tuluy-tuloy pala, nakapaghanda sana ako ng damit ko.

“Ang dala ko lang ay good for one day shooting lang.

“I had no choice, nandoon na rin lang ako. Wala naman akong ginagawa sa bahay. I might as well magtrabaho na lang ko.

Ang unang sinabi raw sa kanya ay may taping o wala, assured daw siya ng limang araw na talent fee.

Pero binago raw at sinabing may bayad siya kapag kasali sa taping.

Sa loob ng isang linggo, dalawang beses pa lang daw siya nakunan at hindi na raw siya umangal sa role na pam-bit player ang ibinigay sa kanya.

Kaya nangulit na raw siya sa staff kung hanggang kailan siya gagamitin, dahil tingin daw niya, talo siya kung matetengga siya nang halos isang buwan at ilang araw lang daw siya gagamitin.

“So, naisip ko, is it really worth it? Iniwan ko ang family ko sa bahay, ako lang ang inaasahan doon.

Continue reading below ↓

“Nag-stay ako doon ng ilang days, at kung kailan nila ako isasalang, iyun lang ang may pay.

“Ang tanong, ilang shooting ako per week, at hanggang kailan ako mag-stay dito na ma-lock in?

“Sabi nila, ibibigay nila ang answer as soon as possible. Pero wala naman,” bulalas ni Mystica.

Totoong ayaw raw niyang makasama sa kuwarto si Kiray Celis.

Nagtataka lang daw siya kasi, bakit ang ibang artista ay may sariling kuwarto, pagkatapos siya ay may kasama.

Sana ay tratuhin daw siya bilang isang artistang si Mystica, hindi sa kalagayan niya ngayon.

Patuloy na himutok ni Mystica: “Sabi ko, 'I don’t like Kiray.' Pero ang privacy ko talaga, importante sa buong buhay ko ang privacy ko.

“Sa buong buhay ko, never ako nagkaroon ng roommate. Kahit sa bahay ko, sa mansion ko, kahit maraming tao, may sarili akong kuwarto.

“Ito pa kaya, Kiray na hindi ko alam kung ano ang category niya?

Continue reading below ↓

“Iba ang schedule ko, iba ang schedule niya.

“So ngayon, ang every kilos ko, napapabalikwas siya. In every apak ako, naaano siya.

"So, sabi ko, 'Okay, we have to be very considerate this time.' So, ako na iyung nag-give way, lumabas ako, bumaba ako para makatulog siya.

“Pero iniisip ko, do I have to suffer para makatulog siya?”

Inilipat daw siya ng kuwarto malapit sa mga staff na wala raw maayos na comfort room at may nakita raw siyang nag-iinumang staff.

Pero ayon din kay Mystica, natugunan daw ng staff ang mga reklamo niya bago siya umalis.

Pinalagpas na raw niya ang pagkukulang ng ilang staff na hindi siya nabigyan ng breakfast, at pinadiretso na lang siya sa taping.

Hanggang sa natapos daw ang take ay wala raw dumating na pagkain sa kanya. Mabuti na lang daw at may baon siyang pagkain.

Since napabalita ang kanyang karanasan sa Owe My Love taping, gusto lang daw niyang iparating sa GMA-7 ang ganoong pangyayari.

Continue reading below ↓

Sabi niya: “Ang importante na lang na makarating ito mismo sa GMA, kasi, nagbabayad sila ng mga tao na hindi ginagampanan kung ano ang dapat nilang trabaho. Iyun lang!

“I was hired to do a job well para gampanan kung ano ang trabaho ko.

"So sila, they were hired para gampanan din kung ano ang trabaho nila,” saad ni Mystica.

JERRY OLEA:

Pahayag pa ni Mystica, hindi na niya iniisip kung mabibigyan pa ba siya ng trabaho dahil sa insidenteng ito.

Pero diin niya, hindi niya bread and butter ngayon ang pag-aartista.

“This is no longer my bread and butter. Kasi, wala namang pera dito, e.

“Kaya ko tinatanggap ang ganito, at least makita nila na isang Mystica na hindi lang nagyayakyak sa social media. At least, nakikita nila na nandiyan pa rin sa TV.

"I am not having this showbiz para mapagkakitaan. Hindi po ako gutom tulad ng sinasabi nila.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP Troika ang executive producer ng Owe My Love, pero tumanggi itong magbigay ng pahayag.

Mas naka-focus daw muna sila ngayon sa taping ng programa.

Sina Lovi Poe at Benjamin Alves ang mga bida sa Owe My Love.

Kasama sa cast nito sina Winwyn Marquez, Ai Ai de las Alas, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Mike “Pekto” Nacua, at Ryan Eigenmann.

Kasama rin sina Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Donita Nose, at Mahal.

NOEL FERRER:

Kung hindi ito ang bread and butter ni Mystica, ano na kaya?

Parang sa huling tinuran ni Mystica, ang baba naman ng tingin niya sa showbiz.

Bakit kaya kailangan pa niyang sabihin na hindi siya gutom?

Ano kaya ang tingin ni Mystica sa industriya kung saan siya at least sumagi sa kamalayan ng mga tao?

Bakit, Mystica, bakit?

Jerry Olea

Ngayong Martes ng gabi, November 24, naglabas ng official statement ang pamunuan ng Owe My Love kaugnay ng mga alegasyon ni Mystica.

Continue reading below ↓

Dito ay mariing pinabulaanan ng Owe My Love ang alegasyong pambabalewala umano ng staff kay Mystica.

Iginiit din ng Owe My Love na hindi totoong hindi ipinaalam kay Mystica ang schedule at room assignment niya para sa teleserye.

Nag-adjust din daw ang production staff para masunod ang biglaang "demands" ni Mystica na mailipat siya sa solo niyang kwarto at mabigyan ng breakfast meals sa kanyang hotel.

Narito ang kabuuang pahayag ng Owe My Love (published as is):

“Owe My Love would like to clarify the allegations made by Mystica with regard to how she was treated during the program’s on-going lock-in taping.

“There is absolutely no truth to Mystica’s claim that she did not know that she will be staying in a resort for the duration of the lock-in taping.

"Prior to the scheduled lock-in taping, all artists were already informed about the set-up as well as their room arrangements – to which Mystica did not bring up any concerns. She entered the lock-in taping on November 16.

Continue reading below ↓

“With regard to her sharing the room with Kiray, this was communicated to her in advance as well. The door of their room was clearly labeled with the name of the assigned occupants—Kiray and Mystica.

“Kiray entered the lock-in taping on November 19, three days after Mystica. But that same night at 11pm, Mystica complained and demanded that she be given her own room.

"Due to the lateness of the hour, production could not accommodate this immediately. But the following morning (November 20), she was transferred to her own room.

"There is also no truth to Mystica’s claim that she was ‘taken for granted.’

"As part of the house rules, food is usually brought to the assigned area where artists are on standby. But upon request, this can also be delivered to the artist.

“Mystica was informed on Saturday that breakfast will be at the Artists’ tent in the shoot location, not at the hotel where she was billeted. She was also informed that her breakfast was for pick up from one of the standby tents.

Continue reading below ↓

"She complained about this set-up so the next day, two production staff were assigned to bring the meals to her.

“In addition, Mystica violated the program’s safety protocols last November 22 when she told the guard at the resort to allow her son to drive inside the premises. He got out of the vehicle and personally handed Mystica some groceries. This was done without the program’s permission.

“As a result of this serious breach of protocol, the program decided to ask Mystica to leave the lock-in taping on November 23. But when the show’s Executive Producer met with her that morning, she was already packed and ready to leave.

"The production assisted her until she left at around 8:30 am.

"Owe My Love is doing its best to help make all artists comfortable but it also continues to strictly adhere to the protocols set by GMA Network as well as the concerned government agencies to ensure the safety and well-being of all its artists and production staff.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Owe My Love, mariing pinabulaanang ang reklamo ni Mystica na diumano'y pambabalewala sa kanya ng staff ng Kapuso series. Inihayag din ng Owe My Love ang "breach of protocol" at "demands" ni Mystica.
PHOTO/S: Mystica Youtube / Owe My Love statement
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results