Maureen Wroblewitz, may malaking lesson na natutunan pagkatapos ma-survive ang COVID-19

by PEP Troika
Nov 25, 2020
maureen wroblewitz make up
Maureen Wroblewitz: "I'm still very angry with some people and very disappointed as well. What I learned as well na, because of this pandemic, you really see the true colors of some people. Even friends… you really see their true colors."
PHOTO/S: YouTube (Maureen Wroblewitz)

GORGY RULA

Katatapos lang ng 15-day quarantine ni Maureen Wroblewitz matapos niyang magpositibo sa COVID-19. Pero naka-isolate pa rin siya ngayon dahil kailangan niyang magpagaling nang husto.

Hindi raw niyang maiwasang magkaroon ng stress at anxiety habang naka-quarantine ahil nag-o-overthink siya.

Isa raw sa napagtanto niya ay huwag magtiwala kahit sa malalapit na kaibigan.

Ayaw lang niyang ibigay ang buong detalye, pero tila may mga pinatatamaan siyang mga kaibigan na maaaring nakahawa sa kanya ng nakamamatay na virus.

“Na-realize ko na you really cannot trust even your friends. Because you really have to expect na not everyone is gonna think like you. Not everyone wants to protect other people,” sabi ni Maureen.

Siya raw kasi, magmula nang nalaman niyang positibo siya sa COVID-19 ay in-isolate niya ang sarili.

Hanggang ngayon ay mag-isa lang siya sa kanyang condo unit, kasama ang kanyang aso at pusa, dahil kailangan niyang matiyak na hindi siya makahawa ng ibang tao.

Continue reading below ↓

“You really have to be careful in a pandemic like this, you cannot trust everyone talaga.

"Kasi, they’re gonna be those people na they don’t care if they get other people sick. And they don’t care to infect other people or their parents, grandparents… they really just care about themselves,” dagdag niyang pahayag.

Dahil dito, napag-isipan niyang magbawas ng kaibigan.

“Yun ang na-realize ko and I’m still dealing with it, to be honest. I’m still very angry with some people and very disappointed as well.

“What I learned as well na, because of this pandemic, you really see the true colors of some people. Even friends… you really see their true colors.

“For now, I’m just with my family. Kasi, I know naman na I can really trust them,” sabi pa ni Maureen nang nakatsikahan namin sa Showbiz Talk Ganern ng DZRH noong Martes, November 24.

Siyempre, malaking bagay rin ang suporta sa kanya ng boyfriend na si JK Labajo, na araw-araw raw niyang nakaka-chat.

Continue reading below ↓

Inamin din ni Maureen sa aming bukod sa sikat na awiting "Buwan," na ginawa ni JK para sa kanya, meron daw mga bagong composition ang kasintahan at para raw sa kanya yun lahat.

“Meron namanp, ero for now, secret. Sa akin lang muna. Actually, yun na ang favorite song ko,” napangiti niyang pahayag.

Hindi pa raw kasi naisapubliko ni JK, kaya sa kanya na lang muna.

Samantala, ilu-launch na sa Upstream ang launching movie ni Maureen na Runaway kasama si Kit Thompson. Hindi na raw nila hihintayin ang pagbubukas ng mga sinehan, kaya sa Upstream ito mapapanood early next year.

NOEL FERRER

At least, kinakaya ni Maureen ang pinagdadaanan niya na hindi madali, ha.

Dahil sa pagluluwag ng restrictions, asahan pa natin ang pagdami ng COVID cases.

Compassion, kindness and solidarity—ilan lamang ang mga iyan sa mga naituro sa atin ng pandemya.

Sana ay maiparamdam natin ito sa ating kapwa nang higit pa, tulad na lang kay Maureen.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

May kani-kanyang pagsubok sina JK at Maureen, pero hindi sila bumibitaw sa isa’t isa. Young love at its finest!

Andiyan ang kasong isinampa ni Darren Espanto kay JK, at ito ngang pagpositibo ni Maureen sa COVID.

Hinihiling natin sa dilaw na buwan ang basbas upang lalong tumibay ang kanilang pag-iibigan!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maureen Wroblewitz: "I'm still very angry with some people and very disappointed as well. What I learned as well na, because of this pandemic, you really see the true colors of some people. Even friends… you really see their true colors."
PHOTO/S: YouTube (Maureen Wroblewitz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results