Teejay Marquez, ini-enjoy ang pagganap sa gay roles; keber sa negative comments

by PEP Troika
Nov 26, 2020
Teejay Marquez (right on both photos) on starring opposite Jerome Ponce (left) in Ben x Jim: “Sabi ko talaga, pagdating ko dito sa set, hindi ako sa Teejay, ako si Ben. Sabi ko kay Jerome, 'Huwag kang mahiya o mailang sa akin. Yun ang gusto mong maramdaman mo na type na type kita, kasi yun talaga ang gusto mong maramdaman mo.'"
PHOTO/S: Courtesy of Regal Entertainment

JERRY OLEA

Nag-1M views na rin sa YouTube ang Episode 6 (“Dark Night of the Soul”) ng Pinoy BL series nina Teejay Marquez at Jerome Ponce na Ben x Jim.

Ngayong Nobyembre 26, Huwebes ng gabi, ang streaming ng Episode 7 (finale) ng Season 1 nito. Siguradong lalampas din ito sa 1M views.

Take note na, so far, isa pa lang ang Pinoy BL series na lampas 1M views ang lahat ng episodes nito—ang Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Sinusundan ng Ben x Jim ang mga yapak ng Hello Stranger?!

Kagaya ng Hello Stranger na streaming sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep, ang Ben x Jim ay streaming sa YouTube channel at Facebook account ng Regal Entertainment, Inc.

Kinanta ni Xavier (Tony) kay Miko (JC) ang "Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba," na theme song ng Hello Stranger.

Inawit ni Jim (Jerome) para kay Ben (Teejay) ang "Stars Align," na theme song ng Ben x Jim.

Continue reading below ↓

Naku! Baka kagaya nina Tony at JC, magtatapos ang Ben x Jim na hanggang yakapan lang sina Teejay at Jerome at walang halikan?!

Hello! Hindi pwede iyan!

Hopia, asado, at expectorant tayo na malalasap ni Ben ang glorious kiss ni Jim. Manganganib ang mental health ng mga mema kapag nabitin si Ben kay Jim.

Kinumpirma ni Direk Easy Ferrer sa socmed na may Season 2 ang Ben x Jim. Itinakda ba ng constellation na Vela na hanggang Season 3 ang Pinoy BL series na ito?

Ang siste, ipinahihiwatig ng constellations na Carina at Puppis na baka pagbigyan muna ni Teejay ang hiling ng kanyang masusugid na tagahanga sa Indonesia na gumawa ng series doon.

At sa pagkakaalam namin, bago lumaganap ang COVID-19 ay may offer na kay Teejay na gumawa ng BL series sa Thailand. Naudlot iyon dahil sa pandemya.

Alin kaya ang uunahin ni Teejay—ang Season 2 ng Ben x Jim, series sa Indonesia, o BL series sa Thailand?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Good luck sa Season 1 Finale ng Ben x Jim!

Sana, sa patuloy na pagdami ng mga manonood, tuloy rin ang pagpapaganda ng kuwento ng Ben x Jim.

Ano kaya kung isali sa Season 2 si Yves Flores, na ka-partner ni Jerome sa teleseryeng A Soldier’s Heart?

Sana rin, mas magsanay pa sa mas relaxed na acting si Teejay. Para kapag ginagawa na niya ang mga series sa Indonesia at Thailand, makikilala siya hindi lang sa popularidad kundi sa husay rin sa pagganap.

GORGY RULA

Inspired si Teejay sa Ben x Jim dahil ang daming magagandang feedback na nakarating sa kanya.

Gay role siya sa horror movie ng Star Cinema na Hellcome Home (2019), na bida si Dennis Trillo. Ganoon din sa smorgasbord movie na G! LU na hindi pa natatapos.

Pero dito sa Ben x Jim ay talagang todo ang kabadingan.

Hind na raw niya iniisip na ma-typecast siya sa mga kabadingang role. Basta, ang nasa isip niya, itodo na niya ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng Regal.

Continue reading below ↓

“Sabi ko nga, sa akin ipinagkatiwala to, itotodo ko na. This is my first project uli dito sa Pilipinas at ayokong masayang uli yung opportunity na ibinigay sa akin ng Regal.

“In-enjoy ko na lang,” pahayag ni Teejay nang nakatsikahan ko nung nakaraang linggo sa meeting ng hosts ng bagong noontime show ng PTV4 na Good Laffternoon.

Dagdag pa niyang kuwento, sobrang na-internalize niya ang role kaya pagdating sa set ay hindi na si Teejay ang nakakaharap ni Jerome Ponce kundi si Ben na in love kay Jim.

“Sabi ko talaga, pagdating ko dito sa set, hindi ako sa Teejay, ako si Ben.

"Sabi ko kay Jerome, 'Huwag kang mahiya o mailang sa akin. Yun ang gusto mong maramdaman mo na type na type kita, kasi yun talaga ang gusto mong maramdaman mo.'

“Nakaka-excite. Kaya ayokong ibigay na half-baked lang,” sabi pa niya.

Kaya kung mabibigyan man siya ng magandang project na another gay role, expect na itotodo uli ito ni Teejay, at keber na kung ano ang sasabihin ng iba.

Continue reading below ↓

Nakini-kinita ko ngang ang ganda-ganda niya siguro pag ayusan siyang girl, di ba?

Kung sakaling isapelikula o i-dramatize sa TV ang kuwento ng buhay ni Fanny Serrano, swak na swak si Teejay sa role. Kasi, ang ganda ng mukha niya.

Ano kaya kung magharap sila ni Destiny Rose? Sino kaya ang mas maganda sa kanila ni Ken Chan?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez (right on both photos) on starring opposite Jerome Ponce (left) in Ben x Jim: “Sabi ko talaga, pagdating ko dito sa set, hindi ako sa Teejay, ako si Ben. Sabi ko kay Jerome, 'Huwag kang mahiya o mailang sa akin. Yun ang gusto mong maramdaman mo na type na type kita, kasi yun talaga ang gusto mong maramdaman mo.'"
PHOTO/S: Courtesy of Regal Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results