Ang Daigdig Ko'y Ikaw, makikipagtapatan sa Magpakailanman at MMK

by PEP Troika
Nov 26, 2020
Saturday night dramas: (clockwise) Ynna Asistio and Gabby Eigenmann top-bill Net 25's Ang Daigdig Ko'y Ikaw; Arjo Atayde leads the cast of MMK episode; and Juancho Trivino and Andrea Torres headline this week's Magpakailanman episode.

JERRY OLEA

Bagong episode na naman ang mapapanood sa Magpakailanman sa Nobyembre 28, Sabado, ng 8:15 PM.

“Mister, Bugbog Kay Misis” ang episode na ito, kung saan bida sina Juancho Triviño at Andrea Torres.

Makikipagbugbugan ito sa pilot episode (“Welcome to Olvida”) ng unang romantic-drama series ng Net 25 na pinagbibidahan nina Geoff Eigenmann at Ynna Asistio.

Sa Sabado ng 8:00 p.m. ipapalabas sa Net 25 ang una sa 13 episodes ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw, kung saan kasama sa cast sina Elizabeth Oropesa, Richard Quan, AJ Muhlach, at Tanya Gomez.

Sa Sabado ng gabi ay may bagong episode na rin ang Maalaala Mo Kaya, ang longest-running drama anthology in Asia.

Masasaksihan ang Part 1 ng istorya ng pagsusumikap at serbisyo para sa bayan ni Dr. Israel Bactol.

“Kapag tinawag ka ng tungkulin, walang panganib ang di susuungin,” sabi sa teaser ng two-part special, kung saan tampok sina Arjo Atayde, Sylvia Sanchez, Jane de Leon, Rommel Padilla, at Aldrin Angeles.

Continue reading below ↓

Ang timeslots nito ay 8:45 p.m. sa A2Z Channel 11; 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWant TFC.

Sa TV5, palabas naman sa Sabado night ang Bangon Talentadong Pinoy (8:00 p.m.) at Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes (9:00 p.m.).

Vilmanian for All Seasons si Luchi, kaya special ang episode sa Sabado kung saan katsikahan niya si Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sana, mapaangat naman ng MMK ang rating ng A2Z. Hindi pa rin kasi pumapalo ang ratings ng weekend programs nila.

Tingin ko naman, marami ang curious sa MPK episode ni Andrea Torres pagkatapos ng isyu nila ni Derek Ramsay. Matutuloy pa kaya ang Sanggang Dikit nilang dalawa?

Gusto ko ring silipin itong Ang Daigdig Ko'y Ikaw dahil si Eduardo Roy Jr. (Fuccbois) ang direktor.

Tingin ko, ibang-iba ito sa ibang mga programa ng Net 25.

NOEL FERRER

Sa nangyayaring ito, hindi na nga lang TV ratings ang sukatan, kundi pati na ang online views. At hindi katulad noon na aabangan mo talaga ang timeslot sa TV kundi hahabulin mo na lang ito sa online at your own convenience.

Nag-iiba na ang lahat. Ang hindi nag-iiba ay ang demand for excellence kahit nasaang platform pa man ito.a

Kasali na rito ang pag-observe ng proper protocols kapag itine-tape ang mga programang ito—nang sana’y walang shortcut at pagmemenos.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saturday night dramas: (clockwise) Ynna Asistio and Gabby Eigenmann top-bill Net 25's Ang Daigdig Ko'y Ikaw; Arjo Atayde leads the cast of MMK episode; and Juancho Trivino and Andrea Torres headline this week's Magpakailanman episode.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results