Johnvic de Guzman, gustong maging bahagi ng NCAA sa GMA-7

by PEP Troika
Nov 27, 2020
New Kapuso artist Johnvic de Guzman: "Gusto kong i-represent ang volleyball sa ibang industry para po mas makilala pa ito and at the same time, mahikayat ang mga kabataan to try volleyball."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Isa sa latest developments sa GMA-7 ay ang partnership nito sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Excited pero tila nanghinayang dito ang bagong Kapuso artist na si Johnvic de Guzman dahil tapos na siya sa paglalaro ng Volleyball sa NCAA.

Si Johnvic ang dating team captain sa Volleyball team ng St. Benilde, at siya rin ang team captain ng Philippine Men’s Volleyballn team, hanggang sa sumali sila sa SEA Games.

Sabi ni Johnvic, five years lang ang playing years sa NCAA, at graduate na siya sa St. Benilde kaya hindi na siya pwedeng maglaro.


Continue reading below ↓

Hindi pa raw sapat ang experience niya para mag-coach kaya maghihintay na lang daw siya ng tamang panahon para muling magpaka-active sa paglalaro.

Gusto pa rin daw niyang i-promote ang sports, lalo na ang paglalaro ng volleyball, sa mga kabataan.

Ngayong nasa GMA-7 na ang NCAA, gusto sana ni Johnvic na maging bahagi pa rin nito.

“I think, what I can do is to sit down on the panel as a game analyst and do sportscasting on shows and live games,” text ni Johnvic sa amin.

Isa sa adbokasiya ni Johnvic ang mapalapit ang sports sa mga kabataan, lalo na ang larong volleyball.

Isa raw ito sa mga dahilan kaya siya nag-showbiz para maengganyo niya ang mga kabataang magkahilig sa sports.

“Gusto kong i-represent ang volleyball sa ibang industry para po mas makilala pa ito and at the same time, mahikayat ang mga kabataan to try volleyball,” dagdag niyang text sa PEP Troika.

Continue reading below ↓

Ang mensahe niya sa mga kabataan: “It’s never too late to learn a sport. Para rin ‘yan sa health natin. Hindi naman kailangang laging for competition.”

Sa ngayon ay mina-manage ng GMA Artist Center ang showbiz career ni Johnvic, at bahagi siya ng bagong drama series na Owe My Love.

Ang NCAA naman ay mapapanood sa GMA News TV via online streaming sa website ng GMA Network.

Sa GMA-7 mapapanood ang Men’s Basketball Finals.

Hanggang sa centennial year celebration ng NCAA sa taong 2024 ay magiging bahagi ang Kapuso network.

JERRY OLEA

Makabubuting pagtuunan ng kabataan ang sports para sa kanilang kalusugan, at para makaiwas sa mga bisyo. Pero siyempre, andiyan dapat ang social distancing sa panahon ng pandemya.

Abangan natin ang New Normal sa larangan ng basketball at volleyball, ganoon din ang kahihinatnan ng showbiz career ni Johnvic. Marunong kumanta at sumayaw ang 27 anyos na si Johnvic, at yummylicious siya sa pictorial ng Bench.

Continue reading below ↓

Pero hindi tumatak sa akin ang performance niya sa pelikulang Seklusyon (2016). Kayo, ano ang naaalala ninyong performance ni Johnvic?

NOEL FERRER

After makasama sa MMFF 2016 movie na Seklusyon, kailangang maging mas visible si Johnvic if he wants to be in the showbiz race.

Mukha namang pursigido siya sa kanyang career kaya katulad ng lagi kong sinasabi, talent, passion, right attitude, and good personal relationships work well in our industry.

Kung sa sports man o sa showbiz or both, sa huli’t huli, makikilala si Johnvic kung saan siya talaga magaling.

Good luck at all the best din sa NCAA sa GMA-7!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapuso artist Johnvic de Guzman: "Gusto kong i-represent ang volleyball sa ibang industry para po mas makilala pa ito and at the same time, mahikayat ang mga kabataan to try volleyball."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results