Jay-R Siaboc, di raw nakuha ang premyong condo at food franchise sa Pinoy Dream Academy

by PEP Troika
Nov 27, 2020
Hinirang na first runner-up si Jay-R Siaboc sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN noong 2006. Pero ayon sa singer, hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap ang premyong condo unit at franchise ng Belgian Waffle.

JERRY OLEA

Naka-25M views na sa YouTube channel ng Wish 107.5 ang pag-awit ni Jay-R Siaboc ng "Hiling," na in-upload noong Oktubre 2017.

Ang nasabing mellow song ay unang napakinggan sa ere noong 2007 bilang title track ng kanyang album.

“Salamat po sa walang sawa ninyong pag supporta,” komento ni Jay-R nitong Nobyembre 26, Huwebes, sa kanyang official Facebook page kaugnay sa artcard kung saan kino-congratulate siya sa 25M views.


Continue reading below ↓

Nitong Nobyembre 27, Biyernes ng hapon, ibinahagi ng 33 anyos na Cebuano singer ang nasabing post sa kanyang FB account.

Ang sabi niya, “Mas maganda Sana Kung may kasama cheque hehe, para nman ma experience q din kumita sa kanta q. Salamat sa patuloy na supporta!!!”

May follow-up post si Jay-R sa FB para mas malinaw ang kanyang himutok:

“Nung Nag 1st runner up aq sa PDA (Pinoy Dream Academy) kasama Sana sa premyo q ay Condominium at franchise ng Belgian Waffle, pro sad to say both di q natanggap Ang mga to, di q alam kung makukuha q pa ba to, pro sana at ngayon nman sa mga kanta q WLA na nman aq natanggap.

“Sa panahon ngayon na WLA tayo trabaho di maiwasan maalala ang mga bagay na sa tingin moy dapat sana ay sa iyo,. Well Panginuon nlang cguro Ang bahala at nkakaalam.., God Bless & Be safe sa lahat!!!”

Continue reading below ↓

jay-r siaboc post

First runner-up si Jay-R kay Yeng Constantino sa Season 1 ng Pinoy Dream Academy noong Agosto-Disyembre 2006.

Ang second runner-up ay si Ronnie Liang.

NOEL FERRER

Marami nang sinuong na pagsubok at hamon si Jay-R Siaboc, na minsan ding nakatikim ng katanyagan at naging bida sa ilang serye nang nasa ABS-CBN pa siya.

Continue reading below ↓

Hindi ba’t napabalita ring nagda-drive siya sa Cebu noon bilang panustos sa kanyang mga kailangan sa buhay?

Nasaan kaya ang mga tumulong kay Jay-R noon, hindi kaya siya madamayan muli—for old times sake?

GORGY RULA

Nagtataka lang ako, bakit hindi niya inayos yung mga naipangakong prizes noong kanyang kainitanat mas napapakinggan ang boses niya?

Ang tibay pa ng sinasandalan niya noon, lalo na't na-involve pa raw siya minsan sa isang maimpluwensya at makapangyarihang executive.

Mabuti na lang at unti-unti na siyang nakakabalik. Sana, mas marami pa siyang hit songs dahil magaling naman siya.

HOT STORIES

sa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hinirang na first runner-up si Jay-R Siaboc sa Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN noong 2006. Pero ayon sa singer, hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap ang premyong condo unit at franchise ng Belgian Waffle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results