ABS-CBN Christmas station ID lyric video naka-5.5M views sa Facebook in 18 hours

by PEP Troika
Nov 28, 2020
Pinangunahan nina Martin Nievera (2nd from L), Ogie at Regine Alcasid (3rd from L), Lea Salonga (3rd from R) at Gary Valenciano (2nd from R) ang 20 singers na piniling kumanta para sa Christmas station ID ng ABS-CBN na pinamagatang Ikaw Ang Liwanag at Ligaya.
PHOTO/S: Screen Grab from ABS-CBN lyric video

JERRY OLEA

Wala pang isang araw ay umabot na agad ng one million views sa Facebook page ng GMA Network ang 2020 Christmas station ID na Isang Puso Ngayong Pasko.

Napasama ito sa Top 5 trending videos sa YouTube Philippines.

Trending din ito sa Twitter Philippines noong Nobyembre 16, Lunes, nang ipinalabas ito sa 24 Oras.

At press time ay naka-1.3M views na ito sa Facebook. Sa YouTube channel ng GMA Network ay naka-727K views na ito.

Nag-premiere naman ang lyric video ng 2020 Christmas station ID ng ABS-CBN na Ikaw Ang Liwanag at Ligaya nitong Nobyembre 27, Biyernes ng tanghali, sa iWant TFC.

Makalipas ang ilang oras ay ipinalabas ito sa TV Patrol, at in-upload sa Facebook at YouTube.

Sa loob ng labingwalong oras, naka-5.5M views ito sa Facebook page ng ABS-CBN at 1.2M views sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Ang mismong music video ay mapapanood sa Disyembre 1, Martes, pagkatapos ng TV Patrol.

Continue reading below ↓

Mensahe ng awitin ang kahalagahan ng panalangin na nagdadala ng liwanag at ligaya sa buhay sa kabila ng madidilim na bahagi ng ating mga kuwento ngayong taon:

"Sa isang iglap, mga ngiti’y natakpan/ Mahigpit na yakap, kailangang pakawalan

"Dumaan ang dilim, napuno ng bituin/ sa iyong lilim... pag-ibig, mas nagningning

"Hinahanap ang kahapon, sa panibagong ngayon/ Marami ang nagbago nguni’t di ang pagmamahal Mo."

Binigyang-diin sa refrain ang pag-ibig na ibinabahagi sa kapwa na nagmumula sa Panginoong Diyos:

“Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo/ Sa pag-ibig Mo’y may himala, may panibagong simula

"Ngayong Pasko, babalik ang saya/ Dahil Ikaw ang Liwanag at Ligaya

"Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang Liwanag at Ligaya/ Ikaw lang, Ikaw lang, Ikaw ang Liwanag at Ligaya..."

Tampok sa lyric video ang pagsalin ng mga salitang “liwanag” at “ligaya” sa iba’t ibang lenggwahe sa bansa at sa ibayong dagat. May Waray, Kapampangan, Maguindanao, Italian, Korean, Arabic, at iba pa:

Continue reading below ↓

“Liwanag, Ligaya! Light, Joy! Claridad, Alegria! Kasanag, Kasadya!

"Lamrag, Kalipay! Sahaya, Kakuyagan! Kahayag, Kalipay! Raniag, Ragsak! “Liwawa, Liket! Sigay, Lilini! Liwanag, Kaogmahan! Sulu at ing tula!

"Kibou, Yorokobi! Illumina, Gioia! YangGuang, XiYue! Lumiere, Joie!

"Bit, Jeulgeoum! Adwaa, Farah! ‘Or,’ Osher! Luz, Alegria!”

Ang dalawampung Kapamilya artists na umawit tungkol sa kislap ng pag-ibig at pag-asa ay sina Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Morissette Amon, Bamboo, Janine Berdin, Darren Espanto, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Jona, Moira, Martin Nievera, Elha Nympha, Zsa Zsa Padilla, Iñigo Pascual, Angeline Quinto, Lea Salonga, Erik Santos, KZ Tandingan, at Gary Valenciano.

NOEL FERRER

Remember, I told you na iyong kanta namin ni Louie Ocampo ang napiling Christmas Station ID Theme Song ng TV5, at ang simpleng mensahe niyon ay Tuloy Pa Rin Ang Pasko.

Doon sa inilabas na lyric video demo two weeks ago, may linya roong “Tayo ang Liwanag Ng Pasko,” kaya aligned ang Kapamilya at Kapatid networks sa pagpapalaganap ng liwanag at ligaya ng Pasko.

Continue reading below ↓

Sa TV5, ang umawit ng kanta na tiyak akong ma-e-LSS ang lahat ay sina Billy Crawford, Darryl Ong, Katrina Velarde, at si Lyca Gairanod.

Basta, sure ako, hindi man kasinglaki ng mga bitiun ang kumanta, maipagmamalaki naming ito ay makakanta ng kahit sino na unang beses ay maririnig ito... sa kasimplehan at pagiging tagos sa puso.

No complicated lines and melody, tatayo ang kantang ito kahit sinuman ang umawit!

In the end, katulad ng pagtulong sa kapwa, hindi naman contest ang pagpaparamdam ng Pasko. Kailangang mas ipalaganap ang diwa nito!

GORGY RULA

Ang ganda ng title na Ikaw ang Liwanag at Ligaya.

Sa bigat ng mga pinagdaanan ng Kapamilya channel, na-inspire sila tiyak na gumawa ng ganitong magandang material para sa Pasko.

Sabi nga ni Vhong Navarro noong nakapanayam namin kamakailan sa DZRH, ramdam na raw nilang unti-unti na silang nakakabalik.

Umaasa silang next year ay maaayos na lahat at maibabalik na ang dating sigla ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Basta, wala lang daw sanang bumitaw. Kumakapit daw sila sa pananalig nila sa Diyos na malalagpasan nila ang unos.

Sana nga, sa 2022, sa pagbaba ng nagpasara sa kanilang istasyon ay darating na ang totoong liwanag at magbibigay-ligaya sa ating mga kapamilya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinangunahan nina Martin Nievera (2nd from L), Ogie at Regine Alcasid (3rd from L), Lea Salonga (3rd from R) at Gary Valenciano (2nd from R) ang 20 singers na piniling kumanta para sa Christmas station ID ng ABS-CBN na pinamagatang Ikaw Ang Liwanag at Ligaya.
PHOTO/S: Screen Grab from ABS-CBN lyric video
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results