GMA-7 teledrama full blast na; 11 series balik-ere, lock-in taping na

by PEP Troika
Nov 28, 2020
Kabilang sa mga nagsimula nang mag-lock-in taping ay ang Legal Wives ni ALice Dixson (L) at The Lost Recipe nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Ratsada na ang mga teledrama ng GMA Network.

Napapanood na ang fresh episodes ng Descendants of the Sun at Prima Donnas.

Nagtapos na ang lock-in shooting para sa mga bagong episodes ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday at Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Ayon sa source ng PEP Troika, Nobyembre 27, 2020, Biyernes, ang pull-out ng Magkaagaw (Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Klea Pineda, Sunshine Dizon).

Sa Disyembre 1, Martes, naman ang pull-out ng Love Of My Life (Carla Abellana, Mikael Daez, Rhian Ramos, Coney Reyes).

Naka-lock in taping na ang mga bagong series ng GMA-7 na Owe My Love (Lovi Poe, Benjamin Alves), Babawiin Ko Ang Lahat (Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia, Pauline Mendoza), at First Yaya (Sanya Lopez, Gabby Concepcion), maging ang The Lost Recipe (Kelvin Miranda, Mikee Quintos) ng GMA News TV.

Kasado na rin ba ang taping ng Lolong (Ruru Madrid, Shaira Diaz)?

Continue reading below ↓

Samantala, gumawa ng ingay si Mystica nang umalis sa set ng Owe My Love. Napabalitang pinalitan siya ni Patani. Nasa cast din ng romantic comedy series sina Ai-Ai de las Alas, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Mike “Pekto” Nacua, Ryan Eigenmann, Buboy Villar, Kiray Celis, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Donita Nose, at Mahal. Sa istorya, magkukrus ang mga landas nina Sensen Guipit (Lovi) at Doc Migs Alcancia (Benjamin) dahil sa pag-ibig at pera.

Napabalita sa 24 Oras na may dalang washing machine at dryer si Carmina para sa month-long lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat sa Batangas.

Carmina Villlarroel, John Estrada

Continue reading below ↓

Nasa cast din nito sina Dave Bornea, Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa, at Liezel Lopez. May recent post si Carmina sa Instagram kung saan pinasalamatan niya ang co-star na si Kristoffer dahil sa inihandang yummy dinner sa Day 5 ng lock-in taping.

Dahil bawal magtrabaho ang mga artistang below 15 years old, pinalitan ang child actors sa First Yaya. Co-stars dito nina Sanya at Gabby ang teen stars na sina Cassy Legaspi, Clarence Delgado, at Patricia Cloma, pati sina Cai Cortez and Kakai Bautista. Iikot ang kuwento ng First Yaya kay Yaya Melody (Sanya), na magsisilbi sa pamilya ng Presidente ng Pilipinas na si Glenn (Gabby).

Young culinary professionals ang papel ng MiKel (Mikee Quintos + Kelvin Miranda) sa fantasy-romance series na The Lost Recipe, at maghahain sila rito ng masasarap na putahe. Co-stars nila rito sina Thea Tolentino, Paul Salas, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, Crystal Paras, at si Chef Anton Amoncio.

Continue reading below ↓

Nag-swab testing na ang Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero para sa lock-in taping ng Legal Wives.

Dennis Trillo Legal Wives

Pagmamalaki ni Suzette nitong Nobyembre 27, Biyernes sa Facebook, “Ang ganda ng cast ng Legal Wives: Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, Ms. Cherie Gil, Al Tantay, Bernard Palanca, Irma Adlawan, at marami pang iba. Actingan na ito!

Continue reading below ↓

“Set in Marawi, during the siege, LW is an extraordinary tale of love in which a man, through his religious custom, is permitted to have multiple wives.

“It also follows the individual lives of his wives and how these women come to live with and accept each other. Abangan!”

Inaasahang magbibigay ng maraming aral sa televiewers ang Legal Wives, lalo na sa pag-intindi sa turo ng Islam, at ang pagkilala sa mayamang kultura ng mga Maranao.

NOEL FERRER

To be fair, kailangang magsikhay ang may prangkisang GMA-7 at TV5 dahil kahit walang franchise ay malakas pa rin sa viewers ang Number 1 sa iWantTFC na Ang Sa Iyo Ay Akin at ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Meron ding following ang Walang Hanggang Paalam, at sa digital content, panalo ang mga Original Series na La Vida Lena, Loving Emily, at Oh, Mando!

Sa TV5 naman, very good ang reviews sa Paano Ang Pasko? kaya ratings is not just the name of the game now, pagandahan din ng content at kung sino ang tinatayaan ng advertisers.

Continue reading below ↓

In the end, kung magle-level up ang lahat ng mga palabas sa TV, dadami ang mga trabaho.

And in terms of quality and variety, ang audience ang panalo!

GORGY RULA

Bukod sa mga drama series na sinimulan ng Entertainment TV ng GMA-7, at ariba rin ang GMA News and Public Affairs, may mga game shows din na malapit na ring simulan. Sa pagkakaalam ko, meron nang sisimulan na game shows early of 2021.

May bagong game show na ihu-host nina Andre Paras at Sef Cadayona. Abangan na lang natin kung anong klaseng game show ito.

May isa pang ihu-host ng isang Dabarkad ng Eat Bulaga!, pero wala pa kaming nakuhang ibang detalye kaugnay rito.

Sa totoo lang, magaganda ang mga game shows ng GMA-7 na dapat lalo pang palakasin.

Ang galing ng Celebrity Bluff na niri-replay pa rin hanggang ngayon, at mataas pa rin ang ratings nito dahil nakakaaliw pa ring panoorin.

Continue reading below ↓

Dapat nga, ibalik na lang nila ito dahil bukod sa mga comedy shows, itong klaseng game shows ang dapat na patuloy pa ring subaybayan ng mga televiewers.

JERRY OLEA

Maging ang iba pang programa ng Kapuso Network ay may mga bagong episodes.

Nitong Nobyembre 28, Sabado, ng 8:15 pm, ay maigting ang Episode 411 ng Magpakailanman na bida sina Andrea Torres at Juancho Triviño.

Kaugnay ito sa isang mister na bugbog-sarado ng kanyang misis.

Magpapatuloy naman ang adventure ng little witch na si Lily (Kate Valdez) at ng ampon na si Jasmine (Mikee Quintos) sa "Witch is Which" ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Nobyembre 29, Linggo, ng 7:05 p.m. Sino kina Jasmine at Lily ang makakakuha ng powerful elemental pieces na magiging susi para makapunta sa witch world?

Isisiwalat ni Super Tekla ang kanyang mga sentimento sa kinasangkutang isyu sa special episode ng The Boobay and Tekla Show bukas, Linggo, 10:30 pm, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Continue reading below ↓

Kasama ni Super Tekla sa interview ang BFF na si Donita Nose, na ibabahagi ang ilan sa mga plano ng kaibigan sa muling pagbangon at pagsisimula sa panibagong yugto ng buhay. Ang interview ay pangungunahan ng TBATS co-host ni Super Tekla na si Boobay, kasama ang The Mema Squad na magbabato ng maiinit na katanungan.

Siyanga pala, magpupugay ang GMA Network kay Andres Bonifacio sa pagpapalabas ng biographical film na Supremo sa Kapuso Movie Festival block sa Nobyembre 30, Lunes, pagkatapos ng Mars Pa More.

Sa ika-157 na birth anniversary ni Bonifacio, sariwain natin ang kanyang revolutionary journey. Binigyang-buhay ni Alfred Vargas ang kanyang mga sakripisyo at paglilingkod sa bansa. Kasama rin sa pelikulang Supremo sina Mon Confiado, Hermie Concepcion, Nicco Manalo, Alex Vincent Medina, Nica Naval, at Manu Respall.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga nagsimula nang mag-lock-in taping ay ang Legal Wives ni ALice Dixson (L) at The Lost Recipe nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results