Watch Now

Nora Aunor, Noranians may fund-raising activities para sa typhoon victims

by PEP Troika
Nov 29, 2020
Kasama ang mga fans, naglunsad si Nora Aunor ng fund-raising activities para sa mga kababayan niya sa Bicol na biktima ng Typhoons Rolly at Ulysses.
PHOTO/S: Noel Orsal, Facebook

GORGY RULA

Patuloy na nangangalap ng donasyon si Nora Aunor at ang Noranians para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses sa Virac, Catanduanes.

Nalungkot ang original Superstar sa magkakasunod na bagyo, lalo na’t nasalanta rin ang malaki niyang palayan sa Iriga, Camarines Sur.

“Wala talaga akong napakinabangan sa palayan ko sa Iriga, dahil binaha. Balak ko sana, iyong aanihin ko doon ay ipapabigas ko at ipamimigay sa mga nangangailangan gaya ng ginawa ko po nung nakaraan.

"Nanghihinayang ako dahil kahit papaano sana ay makakadagdag yun sa mga ginagawa nating kawanggawa,” pahayag ni Nora via Messenger nung Biyernes, November 27, 2020.

Nasa taping pa siya noon ng Bilangin ang Bituin sa Langit nang sumalanta ang bagyong Rolly at Ulysses.

Nalungkot siya nang nabalitaan niyang nasira na ang palayan niya. Nalungkot siya para sa mga magsasakang walang aanihing palay, at wala na rin siyang makukunang bigas na ipapamigay sana niyang ayuda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, medyo nakakaahon na raw ang mga kababayan niya sa Bicol pero kailangan pa rin ng tulong.

Ang nakakatuwa, may effort ang fans at supporters niya dahil may ginagawa silang proyekto para makalikom ng donasyon para sa mga binagyo at binaha lalo na sa Catanduanes at Cagayan.

Aniya, “Nalulungkot ako sa mga sinapit ng aking mga kababayan pero salamat at unti-unti ay nakakabangon sila.

“Noong mapanood ko nga sa TV iyong sinapit nila ay naawa talaga ako dahil marami ang nawalan ng bahay at hanapbuhay.

"Ipinagdarasal ko araw-araw sa pagrorosaryo namin ang kanilang kaligtasan at sana, matapos na ang kanilang mga problemang kinakaharap.

"Kaya kahit sa maliit na aming makakaya ay gumagawa kami ngayon ng paraan kasama ang Noranians sa pamamagitan ng RESTORE BICOL—Fund Raising Project....

"T- shirt For A Cause para sa ating mga kababayan sa Virac, Catanduanes. Mula naman ito sa BONA (Believers Of Nora Aunor) sa pamumuno ni Emily Martin. Sa isang t-shirt na bibilhin mo po may isang pamilya kayong matutulungan. May T-shirt na kayo, nakatulong pa kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang T-shirt na binebenta nila para sa kanilang fund-raising project ay nagkakahalaga ng PHP350, kasama na riyan ang shipping.

NOEL FERRER

Hard hit talaga ang Iriga City na kinalakhan ni Ate Guy at nabisita pa mismo ng PEP Troika.

Marami pang fund-raising efforts ang dapat bunuin ng Bicol region, at kailangang-kailangan talaga nila ang tulong ng national government para sa pangmatagalang rehabilitation at rebuilding.

At siyempre, may dagdag pang pag-iipunan ang Noranians...ang panonood nila ng pelikula ni Ate Guy sa darating na Metro Manila Film Festival 2020 na Isa Pang Bahaghari, mula sa Heaven’s Best Productions under Direk Joel Lamangan.

Binibiyayaan ang mga tumutulong sa kapwa, kaya sana ay dumaloy pa ang mga biyaya sa ating Superstar Nora Aunor at sa kanyang mga kababayan!

JERRY OLEA

Noon pa man ay kilala nang super-generous si Ate Guy.

Sa panahon ng pandemya ay batid natin ang pagbabahagi niya ng ayuda sa showbiz press, kaya hindi na tayo nagtaka na gusto rin niyang tumulong sa mga kapwa Bikolano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saludo tayo sa lahat ng nagse-share ng blessings sa ano mang panahon.

Tuluy-tuloy ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF), maging ang Tulong-Tulong sa Pag-Ahon ng ABS-CBN Foundation – Sagip Kapamilya.

“Anumang panganib ang ating harapin, mula sa Bicol, NCR, hanggang sa Cagayan, hindi mapipigilan ang paghahatid natin ng tulong sa mga lubos na nangangailangan. At nagawa natin iyan sa tulong ng inyong mga donasyon,” sabi ng GMAKF Founder at Ambassador na si Mel Tiangco.

Ayon naman kay ABS-CBN Foundation managing director Susan Afan, buong puwersa ng ABS-CBN ang kasama nila sa misyong maghatid ng liwanag sa kabila ng dilim, pangamba, at kalungkutang dulot ng mga kalamidad at ng pandemya.

“Bago pa man natin inilunsad ang Tulong-Tulong sa Pag-Ahon, nakita na natin kung paano sinuportahan ng mga artista, programa, at plataporma ng ABS-CBN ang aming fund-raising efforts.

"Lubos kaming nagpapasalamat dahil sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap ng ABS-CBN dahil sa pandemya at sa non-renewal ng franchise ay nananaig pa rin ang ating malasakit at pagmamahal sa ating kapwa,” pahayag ni Susan Afan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama ang mga fans, naglunsad si Nora Aunor ng fund-raising activities para sa mga kababayan niya sa Bicol na biktima ng Typhoons Rolly at Ulysses.
PHOTO/S: Noel Orsal, Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results