Ang kuwento sa likod ng unclaimed prizes ni Jay-R Siaboc sa Pinoy Dream Academy

by PEP Troika
Nov 29, 2020
Matapos ang 14 years mula noong manalong runner-up si Jay R Siaboc sa Pinoy Dream Academy, hindi pa raw nito nakukuha ang kanyang prizes na condo unit at waffle franchise.
PHOTO/S: Screen Grab from Jay R Siaboc official on YouTube

JERRY OLEA

Naghimutok si Jay-R Siaboc noong Nobyembre 27, 2020, Biyernes, ng hapon sa Facebook.

Ayon sa Cebuano singer, hindi niya natanggap ang premyong condominium unit at waffle franchise nang tanghalin siyang first runner-up ni Yeng Constantino sa Season 1 ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN noong 2006.

Hindi raw niya alam kung makukuha pa niya ang mga iyon.

Aminado si Jay-R na wala siyang trabaho ngayon dahil sa pandemya, kaya naalala niya ang mga bagay na sa paniniwala niya ay dapat napasakanya.

Makalipas ang ilang oras ay nag-post uli ang 33-year-old singer sa Facebook.

Hindi raw niya intensiyong makasakit ng damdamin. Hindi rin niya binigyan ng konteksto ang nauna niyang post.

Aniya, “Gusto q lng po klarohin yung post q kanina, WLA po akong intension na mkasakit or mka offend ng kahit sino, simple lng po gusto q Nagbabakasakali lng po aq. Dun sa mga nag salita/react ng hindi maganda dun sa post q pakiusap lng po mag research muna kayo bago po kayo manghusga, wag tau magsalita kung WLA tau masyado alam. Salamat Po.”

Continue reading below ↓

Nitong Nobyembre 28, Sabado, ipinadala sa amin ng isang concerned Kapamilya ang link ng isang online article na sinulat ni Throy Catan, at lumabas noong 2018 sa Showbiz News Intrigues (SNI).

Nakausap ng SNI si Jay-R nang mag-guest ito noong Abril 6, 2018 sa Kadujawan Festival 2018 ng Agusan del Sur.

Isiniwalat doon ni Jay-R na kinamkam daw ng dating manager niya na nagngangalang Mario ang nasabing condo unit, maging ang naipon niyang pera sa bangko.

Ayon pa sa artikulo ng SNI, hindi raw alam ni Jay-R na joint iyong account sa bangko na nalimas daw ang laman.

Pinagharap sila noon ng Star Magic at nangako raw si Mario na makikipag-ayos kay Jay-R, pero pagkatapos noon ay nawalan na raw sila ng komunikasyon.

GORGY RULA

Di kaya pinapahaba na lang ni Jay-R ang isyu? Sana, iyon na mismo ang ipinost niya, at wala nang paduda na pagkukulang ito ng ABS-CBN 2.

Continue reading below ↓

Binubuhay na lang ang lumang isyu. Nag-promote ng lumang kanta.

Sana, mabigyan na lang si Jay-R ng isa pang tsansang makabalik sa music industry.

Magaling naman siya, at para na rin mapatunayang may lugar pa siya sa industriyang ito.

NOEL FERRER

Tama ka, Tito Gorgy, napakaluma nang isyung ito na dapat ay naresolusyunan na before pa.

Ang dapat inaatupag ni Jay-R ay gumawa ng paraan para magamit pa niya at mapagkakitaan pa ang kanyang pag-awit.

Mas ok iyan at mas totoo kaysa sa masuong na naman siya sa kontrobersya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang 14 years mula noong manalong runner-up si Jay R Siaboc sa Pinoy Dream Academy, hindi pa raw nito nakukuha ang kanyang prizes na condo unit at waffle franchise.
PHOTO/S: Screen Grab from Jay R Siaboc official on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results