Dalawang PBB Connect housemates, ipinakilala na

by PEP Troika
Nov 30, 2020
Ipinakilala na ang dalawa sa 14 housemates ng PBB Connect: sina Justin Dizon (kaliwa) ng Pampanga at Andrea Abaya ng Parañaque.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Konektado na ba kayo sa PBB Connect?

Oktubre 19 hanggang Nobyembre 11 ang online auditions ng PBB Connect para sa mga edad 16 hanggang 35.

Labing-apat (14) ang napili mula sa mahigit 177,000 na nag-audition sa Kumu mula sa buong mundo.

Si Enchong Dee ang nag-host sa pagpapakilala ng first two official housemates nitong Nobyembre 30, Lunes ng 11:30 A.M. sa Kumu app.

Hinintay ni Enchong na lumampas sa 50 diamonds (virtual gifts) bago mag-face reveal ang "Cheerdance Sweetheart ng Parañaque."

Lumampas sa 65K ang diamonds habang kausap ni Enchong ang first housemate, na hindi binanggit ang pangalan.

Sabi ni Enchong, kailangang maka-100K diamonds bago ilantad ng second housemate ang mukha nito.

Nagkamali si Enchong. Pinatanggal ni Enchong ang takip sa mga mata ni "Courageous Cabalen ng Pampanga" kahit wala pang 77K ang diamonds na iniregalo. Akala kasi ni Enchong, 100K na.

Matagal-tagal bago umabot sa 100K ang diamonds kaya ang daming kuda ni Enchong bago tuluyang nagtanggal ng takip at nagpakilala ang 22-anyos na si Justin Dizon, na bihasa sa pagsu-zumba at passionate sa adhikain nito.

Continue reading below ↓

Na-tweet later ni Pinoy Big Brother na Andrea ang pangalan ng "Cheerdance Sweetheart ng Parañaque."

Sa Facebook page, binanggit na Andrea Abaya ang full name niya.

After Kumu face reveal, tampok sina Andrea at Justin sa It’s Showtime at TV Patrol ngayong Lunes.

Ilalantad hanggang Sabado ang mga mukha at pangalan ng iba pang PBB Connect housemates na magpapasilip sa kanilang personalidad, talento, at kuwento ng buhay.

Abangan sina “Single Momshie-kap ng Bataan,” “Striving Footballer ng Cebu,” “Ra-kweentera ng Quezon,” “Charming Striker ng Parañaque,” “Kwelang Fangirl ng Sarangani,” “Alluring Accountant ng Australia,” “Shy Biker Boy ng Butuan,” “Bunsong Boksingero ng General Santos City,” “Miss Malakas ng Misamis Oriental,” “Military Son ng Palawan,” “Makatang Marikit ng Pangasinan,” at “Dong Diskarte ng Zamboanga Del Sur.”

Pumasa sila lahat sa medical, psychological, at COVID-19 exams para maging opisyal na housemate ngayong season.

Ang kick-off ng PBB Connect ay sa Disyembre 6, Linggo.

Mapapanood ang pagbubukas ng Bahay ni Kuya sa Kumu, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Channel, at sa mga opisyal na social media account ng PBB.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Isang sakripisyo talaga sa mga kasali sa PBB ang makulong sa Bahay Ni Kuya lalo ngayong Kapaskuhan.

Pero on second thought, at least, productive ang participants dito and, I’m sure, magkaka-semblance pa rin naman of a celebration kahit nasa bahay ni Kuya. Tayo ay mga spectators na sasaluhan na rin lang sila.

Aabangan natin iyan sa bagong Season ng Pinoy Big Brother!

GORGY RULA

Marami kayang makaka-relate bilang karamihan naman ay halos siyam na buwan nang nakakulong sa kani-kanyang bahay?

Sa totoo lang, malaking challenge ito sa Kapamilya channel kung magiging kasinlakas ba ito ng mga nakaraang PBB na may franchise pa ang ABS-CBN.

Sa pagkaalala ko, hindi na gaanong malakas ang huling PBB sa ABS-CBN.

Ang kaibahan lang ngayon ay malakas ang online ng Kapamilya network. Kaya tingnan natin kung kaya itong palakasin ng KUMU at iba pang social media o online sites.

JERRY OLEA

Unang ipinakilala ang 14 PBB Connect housemates sa digital show na “PBB Kumulitan” kasama ang isa sa hosts ng PBB Connect na si Robi Domingo at ang mga dating ring housemate na sina Kiara Takahashi, Shawntel Cruz, Jem Macatuno, Lie Reposposa, at Gino Roque IV.

Continue reading below ↓

Sina Kiara, Shawntel, Jem, at Lie ang lumikha at umawit ng “Connected Na Tayo,” ang official soundtrack ng PBB Connect.

In-upload ang lyric video ng kantang ito noong Nobyembre 27, Biyernes, sa YouTube channel at Facebook page ni Pinoy Big Brother.

Nabuo nila ang kanta maski magkakahiwalay dahil sa pandemya. Nasa Baguio si Shawntel, nasa Pampanga si Jem, at magkasama sina Lie at Kiara.

Bahagi ng lyrics ng kanta: “Gumawa tayo ng isang awitin/ Mayroon akong nais sambitin/ Pangarap ay aabutin/ Kasingtaas ng bituin

“Tayo ay maglalakbay sabay-sabay/ Tara na, abutin ang pangarap/ Di papipigil sa bawa’t hakbang

“Sa saya at kalungkutan/ Di ka iiwan/ Dahil connected na tayo (Oh, Oh, Oh, Oh, Oh, Oh) “Kamtan natin ang isang mithiin/ Pag-ibig, siyang yayakap sa atin/ Mananatili sa katotohang/ Walang iwanan...”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakilala na ang dalawa sa 14 housemates ng PBB Connect: sina Justin Dizon (kaliwa) ng Pampanga at Andrea Abaya ng Parañaque.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results