ABS-CBN, tuluy-tuloy ang pasiklab kahit walang prangkisa

by PEP Troika
Dec 1, 2020
(Top) Gold Squad Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz, and Kyle Echarri star in Huwag Kang Mangamba; (bottom) JM de Guzman, Yam Concepcion, and Gerald Anderson are caught in a love triangle in Init Sa Magdamag.

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang mga pasiklab ng ABS-CBN.

Ipinakilala ang dalawa pang official housemates ng PBB Connect ngayong Disyembre 1, Martes, sa Kumu, na kapagkuwan ay tampok sa It’s Showtime at TV Patrol.

Ang mga ito ay si Kobie Brown, “Ang Charming Striker ng Parañaque,” at si Jie-Ann Armero, “Ang Kwelang Fangirl ng Sarangani.”


Continue reading below ↓

Hanggang Sabado ang pagpe-face reveal ng housemates, at sa Disyembre 6, Linggo, magbubukas muli ang Bahay ni Kuya.

Sa Disyembre 5, Sabado ng gabi, mapapanood sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ang part 2 ng life story ng medical frontliner na si Dr. Israel Bactol. Bida rito si Arjo Atayde, kasama sina Sylvia Sanchez at Jane de Leon.


Continue reading below ↓

Sa Disyembre 12, fresh episode pa rin ang MMK. Iikot ang kuwento sa mangingisdang si Layot (Nonie Buencamino) at anak na si Maro (Joshua Garcia) na magkaiba ang hangarin sa buhay. Paano nila pinagsikapang abutin ang kani-kanyang pangarap nang magkasama?

Sa Enero 2021 pa mapapanood ang fresh episode ng MMK tungkol sa single mom at OFW na si Vagelyn Tumbaga-Pacio (gagampanan ni Angel Aquino). Sundan ang istorya ng kanyang pagtatagumpay bilang tanyag na Filipino HR Director ng isang sikat na hotel sa Dubai.

Ang MMK drama anthology ay dalawampu’t siyam (29) na taon na sa ere, with Charo Santos as host.

Dalawang bagong teleserye ang ikinakasa ng ABS-CBN for next year—ang inspirational series na Huwag Kang Mangamba, at ang nakakadarang na Init sa Magdamag.

Bida sa Huwag Kang Mangamba ang The Gold Squad nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.


Continue reading below ↓

(L-R) Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz, and Kyle Echarri

Ayon sa source ng PEP Troika ay noong Nobyembre 25 nagpa-swab test ang cast, staff and crew ng production, at bukas, Disyembre 2, Miyerkules ay papunta na sila sa location.

Bida naman sa Init sa Magdamag sina Gerald Anderson, JM de Guzman, at Yam Concepcion. Nasa third cycle na sila ng lock-in taping. Mapapanood ang mga ito sa iba’t ibang platforms.


Continue reading below ↓

Sa ngayon ay nakakapili ang mga manonood kung saan at kailan nila mapapanood ang pinakahuling episodes ng mga teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Bagong Umaga, pati na ang Paano Kita Mapasasalamatan, Iba ‘Yan, at I Can See Your Voice.

Live ding nakakasama ng mga Pilipino sa kani-kanilang mga tahanan ang Magandang Buhay, It’s Showtime, at ASAP Natin ‘To.

Panoorin ang ABS-CBN shows na ito sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus.

I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin sila sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Continue reading below ↓

Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app, o website ng iWantTFC.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ang mga ito sa The Filipino Channel.

NOEL FERRER

Ngayon nga, magandang malaman kung paano na ang ratings? Ito pa rin ba ang basehan ng advertisers, o meron na rin bang ibang sukatan sa digital engagements

Sa dami ng platforms na available na na-create ng ABS-CBN, parang hindi sila tumitigil gumawa ng bagong content. Kumikita na ba sila rito?

For sure, masaya ang mga artista at viewers dito. Bukod sa tuluy-tuloy ang trabaho, patuloy pa rin ang pagpapalabas ng magagandang panoorin para sa atin.

Now, I am interested to know, how fast are the other two networks catching up and adapting to this new technology?

GORGY RULA

Swak sa A2Z channel ang inspirational stories ng MMK, maging ang bagong serye ng The Gold Squad.

Continue reading below ↓

Pero ang Init sa Magdamag, tame version kaya ang ipapalabas sa A2Z channel? Pwede kaya roon ang pa-panty ni Yam at pa-brief ni Gerald?

Iyong Pinoy BL series na Oh, Mando! nina Kokoy de Santos at Alex Diaz, may ekstra na pwetmalu sa Episode 1 na ipinalabas sa iWant TFC app and website.

Edited out ang butt exposure sa episode na in-upload sa YouTube channel ng iWant TFC.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Gold Squad Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz, and Kyle Echarri star in Huwag Kang Mangamba; (bottom) JM de Guzman, Yam Concepcion, and Gerald Anderson are caught in a love triangle in Init Sa Magdamag.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results