Ken Chan, sumabak sa firearm training para sa bagong Kapuso teleserye

by PEP Troika
Dec 1, 2020
Ken Chan will play a man with dissociative identity disorder (DID) in the upcoming Kapuso drama series Ang Dalawang Ikaw.

JERRY OLEA

Sumabak si Ken Chan kamakailan sa firearm training bilang paghahanda sa kanyang karakter na Nelson sa upcoming Kapuso series na Ang Dalawang Ikaw.

Si Nelson kasi ay may dissociative identity disorder (DID) kaya wala siyang malay na nakakabuo siya ng alternate personalities, at isa riyan si Tyler na isang gun dealer/smuggler.

Extrovert si Tyler na malayung-malayo sa totoong personalidad ni Nelson.

Magkaka-girlfriend si Tyler ng girlfriend sa katauhan ni Beatrice (Anna Vicente), kahit pa may asawa na si Nelson, si Mia (Rita Daniela).

Kakaiba at challenging ang karakter ni Ken sa teledrama, na nagtatampok din kina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan, at Jeremy Sabido.

NOEL FERRER

Dual character ba yung role ni Ken sa teledramang Ang Dalawang Ikaw?

In fairness, magaling siya sa mga bading roles. Actually, sayang at hindi na-seize ng GMA-7 na gawan siya ng BL series kahit sa digital platform, kasi kayang-kaya niya iyan.

Continue reading below ↓

Oh well, after Destiny Rose, Ken Chan can evolve to be this generation’s Roderick Paulate—a competent (even award-winning actor) and at a certain point, a major box-office draw. We’ll see!

GORGY RULA

Ang suwerte nga ni Ken. Nabibigyan siya ng mga magagandang roles at nagswak naman sa kanya.

Samantala, hindi nakapasok sa MMFF ang launching movie ng love team nila ni Rita Daniela na Huling Ulan sa Tag-araw na iprinodyus ng Heaven’s Best Entertainment (HBE), sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Nakapasok na kasi ang entry ng HBE na Isa Pang Bahaghari, starring Nora Aunor and Phillip Salvador, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Pinag-iisipan ng HBE na hintayin na lang ang pagbubukas ng mga sinehan na, sana, sa first quarter ng 2021 ay mangyayari na ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan will play a man with dissociative identity disorder (DID) in the upcoming Kapuso drama series Ang Dalawang Ikaw.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results