Hello Stranger, record-holder pa rin sa padamihan ng views; BrightWin, pakikiligin ang kanilang Pinoy fans

by PEP Troika
Dec 2, 2020
bl series
(Clockwise) Thai heartthrobs Win Metawin and Bright Vachirawit will have a virtual fan meeting in the Philippines; Ali King and Alec Kevin bid goodbye to Boys' Lockdown; Tony Labrusca and JC Alcantara reunite in the movie sequel of Hello Stranger.

JERRY OLEA

Naka-2M views na sa YouTube channel ng Black Sheep ang Episode 1 (“Hello, Enemy”) ng Hello Stranger, na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Sa hanay ng mga Pinoy BL series sa YouTube, ito pa lamang ang umabot sa 2M-mark.

Ang walong episodes ng Hello, Stranger ay pawang lumampas sa 1M views sa YouTube. Wala pang ibang naka-achieve nito.


Continue reading below ↓

Tony Labrusca (left) and JC Alcantara

At this writing, iyong Episode 7 (“The Final Chase”) na finale ng Ben x Jim ay naka-842K views na sa YouTube channel ng Regal Entertainment, Inc., na in-upload noong Nobyembre 26, Huwebes.

Ikinakasa na ang Season 2 ng Ben x Jim, na bida pa rin sina Teejay Marquez at Jerome Ponce.


Continue reading below ↓

Teejay Marquez (left) and Jerome Ponce

Mabilis na umabot sa 1M views ang episodes ng Ben x Jim sa YouTube. Iyong Episode 3 (“Getting Closer”) ay naka-1M views sa apat na araw.

Highly recommended ko ang Episodes 1 to 6 ng Ben x Jim, pero na-disappoint ako sa finale nito na maraming iniwang tanong sa aking diwa.

Nagtapos ang Boys’ Lockdown (6 episodes) nina Ali King at Alec Kevin noong Nobyembre 29, Linggo, sa YouTube channel ng Ticket2Me. Naaliw ako sa mga pa-cute ng KeyChen series.


Continue reading below ↓

Ali King (left) and Alec Kevin

Ayon sa direktor ng Boys’ Lockdown na si Jade Castro, matatagalan pa ang second season nito.

“Wala pang date pero baka early summer next year,” sabi ni Direk Jade nitong Nobyembre 30, Lunes ng umaga, via Messenger.

Pwetmalu si Carl Adaron sa Episode 3 (“Incarceration”) ng Why Love Why na nag-premiere noong Nobyembre 28, Sabado ng gabi, sa YouTube channel ng PhilStagers Films.

Mapapanood na kaya sa Episode 4 ang eksena ng pagtatalik nila ni Johnrey Rivas kung saan kapwa sila walang saplot?


Continue reading below ↓

Carl Adaron (left) and Johnrey Rivas

NOEL FERRER

Dahil sa dami ng naglabas ng BL series, dapat talaga ay may added value ang mga susunod na ipapalabas. Mapa-movie version or sequel man, dapat LEVEL UP edition ito.

May ilang series na medyo letdown ang finale episodes na maaaring i-improve at aayusin sa movie or Part 2 nito.

Pero dapat ang kunsiderasyon ay solid at tatayong maganda ang bawat season. Iyong hindi babawiin sa next...

JERRY OLEA

Sa lipon ng mga Pinoy BL series, itong Hello, Stranger ng XavMi (Xavier & Mico, characters nina Tony at JC respectively) ang unang isinapelikula.

Tweet ni Vivoree Esclito, last shooting day ng Hello, Stranger movie ngayong Disyembre 2, Miyerkules.

“I don’t want to think we’re separating ways tomorrow already!” sabi pa ni Vivoree, na katambal ni Patrick Quiroz sa Hello, Stranger series/movie.

Kasama rin sa sequel (movie) ng Hello Stranger sina Migs Almendras, Gillian Vicencio, at si Meann Espinosa bilang Prof. Tina Moran.

Continue reading below ↓


Meann Espinosa (center) with JC and Tony

Ang unang Pinoy BL na ipapalabas ay ang The Boy Foretold by the Stars, na isa sa sampung official entries ng MMFF 2020 na mapapanood umpisa Disyembre 25 sa Upstream.

Bida rito sina Adrian Lindayag at Keann Johnson. Ang peg nila sa pagpapakilig ay ang love team nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓


Siyanga pala, maaari pang bumili ng tickets para sa "BrightWin Manila Live: The Virtual Fan Meet" na sa Disyembre 5, Sabado ng 5:00 p.m.

Available ang regular tickets sa halagang P699 sa KTX para sa mga gustong mapanood ang Thai heartthrobs at 2gether stars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin sa inihanda nilang mga laro, song performances, at chikahan.

Continue reading below ↓

Makakasali sa mga laro ang VIP ticket holders, at ilan sa kanila ay magtatanong sa Thai stars.

Ang virtual fan meet ay eksklusibong mapapanood ng fans na nasa Pilipinas. Handog ito ng Dreamscape Entertainment, ABS-CBN Events, at Thai content company na GMMTV.

Noong Hunyo, nakasama ng Filipino fans ang nasabing Thai actors sa unang live interview nila sa Pilipinas na pinangunahan ng ABS-CBN.

Sa kasalukuyan, napapanood pa rin sa iWantTFC streaming service ng ABS-CBN ang trending series nilang 2gether The Series at ang sequel nitong Still 2gether sa Tagalized version at orihinal na Thai version.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Hindi ako na impressed sa 2gether series ng BrightWin pero ang cute nilang dalawa.

Pero hindi ko pa rin natagalan ang ilang episodes ng 2gether kaya di ko na tinapos sa Netflix.

Dahil sa kabaitan ng BrightWin, lalo na't naglikom sila ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo sa atin, puwede akong gumastos ng P699 para makasama sa Virtual Fan Meet nila.

Samantala, may mga dumadating pang BL series dahil dito natutupad ang pangarap ng ibang magdirek.

May ginagawa ngayong Run na pagtatambalan nina Keann Johnson (ng MMFF 2020 entry na The Boy Foretold by the Stars) at JR Versales (ng nag-hit sa MMFF 2016 na Seklusyon).

Tingnan natin kung may K si Mel Magno na direktor nito.

Nasusubaybayan ko ang Why Love Why ni Direk Vince Tañada, at sinusubukan din ng BL series na ito ang pasensya ko. Sana, matapos ko ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Thai heartthrobs Win Metawin and Bright Vachirawit will have a virtual fan meeting in the Philippines; Ali King and Alec Kevin bid goodbye to Boys' Lockdown; Tony Labrusca and JC Alcantara reunite in the movie sequel of Hello Stranger.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results