Rowell Santiago, ibabahagi ang kanyang COVID journey; Yeng Constantino, may realizations ngayong pandemic

by PEP Troika
Dec 3, 2020
Lingid sa kaalaman ng marami, tinamaan pala ng COVID-19 ang actor-director na si Rowell Santiago (kaliwa); ang singer namang si Yeng Constantino (kanan) ay maramo raw realizations ngayong may pandemya.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

For the first time, Direk Rowell Santiago will tell his COVID story sa ating Level Up program sa Radyo Katipunan 87.9FM at sa FB page nito bukas, December 4.

Naging napakaingat ni Rowell sa kanyang pinagdaanan para hindi makahawa. Kahit noong mismong birthday niya noong November 11, naging Zoom celebration lang ito kasama ng kanyang pamilya.

Maging sa shooting ng FPJ’s Ang Probinsyano ay ingat na ingat sila.

Isa si Rowell sa nagpapaalala sa mga tao roon na mag-ingat at pataasin ang kanilang immune syatem, at alagaan ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pagyo-yoga before taping and during their taping breaks.

Makakasama ni Direk Rowell sa aming radio program ang mga kilala at iginagalang na komedyanteng sina Carmi Martin at Michael V, na may mga interesante ring COVID journeys.

Makakasama nila sa diskusyon ang medical expert at dating COVID adviser na si Dr. Tony Leachon.

Continue reading below ↓

Napapanahon ito dahil sa tinatayang surge ng COVID cases, na kailangang iwasan dahil sa pagre-relax ng quarantine restrictions ngayong Kapaskuhan at ang pagbubukas ng komersiyo ngayong holidays.

Nabalitaan niyo naman ang pagsasara ng night market sa Baguio, di ba, Tito Jerry at Tito Gorgy?

Katulad ba kayo ng iba na nakakaranas ng quarantine fatigue?

GORGY RULA

Curious ako kung paano na-handle ni Rowell Santiago ang COVID-19.

Nakapanayam namin noon sina Carmi at Bitoy, at nakakatuwang naharap nila ito nang maayos dala ang matibay na pananalig sa Diyos.

Noong ikinukuwento ni Carmi kung gaano kaayos ang lugar kung saan siya naka-quarantine sa Makati, nakakabawas ito ng kaba sakaling mahawa ka ng COVID-19, dahil merong magandang quarantine area na pwedeng tuluyan.

Si Bitoy naman ay naging creative noong naka-quarantine siya. Pero hindi rin niya maiwasang makaramdam ng matinding kalungkutan kapag naririnig ang boses ng asawa at mga anak, sa labas ng kanyang kuwarto, na matagal-tagal ding hindi niya nakasama.

Continue reading below ↓

Kaya patuloy ang panalanging hindi natin ito maranasan dahil sobra-sobra na ang quarantine fatigue na nararanasan natin. Sa patuloy lang na pagdarasal, nalalagpasan naman at naha-handle nang maayos.

Sabi nga ni Yeng Constantino, nang nakatsikahan namin sa mediacon ng online show niyang Grateful Tuesdays kasama ang chemist na si Pinky Tobiano, nakapag-reflect daw siya nang mabuti sa loob ng ilang buwang naka-quarantine kasama ang asawa niyang si Yan Asuncion.

“Nakapag-self-reflect po ako. Because of this pandemic, na-stuck po kaming mag-asawa sa bahay.

“Ilang taon na po ako sa industry, naisip ko kung ano pa ba ang dream ko talaga. May mga ganoon po akong realizations.

"Now, I’m in the process of finding out what I want to do next.

“It’s okay to take a pause at tingnan mo ang buhay mo na nasa labas ka ng bubble, at isipin mo kung ano pa kaya ang mga bagay na pwede kong i-improve sa life ko na makapagpasaya sa akin,” pahayag ni Yeng.

Continue reading below ↓

Mabuti at dumating daw itong programa nilang Grateful Tuesdays, na napapanood sa Facebook ng Cornerstone TV tuwing Martes ng 7:00 p.m.

Ang pakiramdam daw niya ay napakalaking achievement sa kanya itong programa na nag-aabot ng tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya.

JERRY OLEA

Kota Kinabalu (as in “quota”) na tayo sa ilang cycles ng quarantine, at hindi pa natin nababanaag ang pagwawakas nito. Ibayong ingat pa rin dapat tayo upang makaiwas sa "veerus."

Siyempre, naapektuhan ang istorya ng FPJ’s Ang Probinsyano nang magka-COVID si Rowell Santiago.

Meron pa bang ibang nagka-COVID sa set ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin?

Marami pang ibang taga-showbiz na nakumpirma nating nagka-COVID, ngunit minabuting manahimik na muna.

Hindi natin sila pinapangunahan, at hinahayaan na umamin sila sa tamang panahon. Inuunawa natin ang takot nila sa stigma na maaaring idulot sa paglalahad ng kanilang pinagdaanan.

May kakilala akong non-showbiz na asymptomatic, nawalan ng panlasa, at takot magpa-swab test. Nag-isolate siya sa tulong ng mga kapamilya at kaibigan, at nalagpasan niya ang pagsubok.

Continue reading below ↓

GCQ pa rin sa Metro Manila kaya online ang ongoing filmfests na PPP4 at QCinema 2020, maging ang nalalapit na 46th MMFF.

Sa ilalim ng QCinema filmfest ay ipinalabas sa isang open-air venue ang pelikulang Death of Nintendo noong Nobyembre 28, Sabado.

Pitongh daan (700) ang normal capacity ng venue, pero dahil sa social distancing, 30% lang ang allowed doon. Ibig sabihin, 210 katao lang ang pwede. Isinaalang-alang ng organizers ang safety protocols.

Ayon sa source ng PEP Troika, wala pang 100 ang imbitado sa nasabing pagtitipon.

Kaya sa mga producer na nagbabalak na magpa-premiere night o advanced screening ng kani-kanyang pelikula ngayong Disyembre, abang-abang tayo sa mga kaganapan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lingid sa kaalaman ng marami, tinamaan pala ng COVID-19 ang actor-director na si Rowell Santiago (kaliwa); ang singer namang si Yeng Constantino (kanan) ay maramo raw realizations ngayong may pandemya.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results