Nora Aunor, arangkada bilang bida sa MMFF 2020 entry at Kapuso serye

by PEP Troika
Dec 4, 2020
Isang family drama ang handog nina Superstar Nora Aunor at Direk Joel Lamangan sa MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari (left). Sisimulan naman ang rerun ng Kapuso afternoon prime series na Bilangin Ang Bituin sa Langit (right), tampok sina Mylene Dizon, Nora, at Kyline Alcantara.

JERRY OLEA

Nobyembre 5, Huwebes, nag-umpisang ipalabas ng GMA Telebabad ang bagong episodes ng teledramang Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Nobyembre 9, Lunes, nagsimulang mapanood sa Afternoon Prime block ng GMA ang Prima Donnas.

Simula sa Disyembre 7, Lunes, ay mag-uumpisa na ang rerun ng Bilangin Ang Bituin sa Langit sa Afternoon Prime pa rin ng Kapuso Network.

Sa Enero 2021 pa matutunghayan ang mga bagong episode nitong kinunan sa lock-in shoot sa San Mateo, Rizal.

Kaabang-abang kung maitutuloy nina Nolie (Mylene Dizon) at Arturo (Gabby Eigenmann) na pabagsakin sina Anselmo (Zoren Legaspi) at Margaux (Ina Feleo).

Lalambot ba ang puso ni Nolie dahil mahal pa rin niya si Anselmo? Malalaman na ba nina Maggie (Kyline Alcantara) at Jun (Yasser Marta) ang totoong pagkatao nila?


Continue reading below ↓

Nasa cast din ng teledramang ito sina Nora Aunor, Isabel Rivas, Divina Valencia, at Candy Pangilinan. Idinirek ito ni Laurice Guillen.

Speaking of Nora, hindi siya nakadalo sa press preview ng MMFF 2020 entry niyang Isa Pang Bahaghari nitong Disyembre 3, Huwebes ng hapon, sa HBE Post, Sct. Fernandez St., Quezon City.

Ayon sa malapit na kaibigan ni Nora na si Rodel Fernando, “Manonood sana si Nora sa 1:00 p.m. preview. Kaso, tumaas ang blood pressure niya.”

Sa pelikula, love triangle ang mga karakter nina Nora, Phillip Salvador, at Michael de Mesa.

Anak nina Nora at Phillip sa istorya sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, at Sanya Lopez.

Matagal na panahong nawala si Phillip, pero magbabalik siya upang mapaibig muli ang estranged wife na si Nora.

Pero dadaan sa pagsubok ang pamilya dahil sa hinanakit ng mga anak nina Nora at Phillip dagdag pa sa relasyon nina Phillip at Michael.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Wala rin si Ate Guy sa virtual mediacon ng Bilangin Ang Bituin sa Langit nitong December 3, Huwebes ng hapon.

Dumalo sa virtual mediacon sina Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Yasser Marta, Gabby Eigenmann, Ina Feleo, Joel Palencia, at Zoren Legaspi.

Halos iisa ang pahayag nila na lalo silang naging close nang ma-lock in sila nang 20 days sa location nila sa San Mateo, Rizal.

Talagang nagka-sepanx daw si Ina na hinahanap niya ang araw-araw na taping.

Mabuti na lang at nasundan ng kasal nila ng matagal na rin niyang Italian boyfriend na si Giacomo Gervasutti nitong Disyembre 1, Martes, sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

Pero todo-kantiyaw sa kanya ang co-stars niyang tila tinotohanan nito ang nangyari sa Bilangin, dahil natuloy rin daw siya sa wedding.

Nakikita kung gaano sila sa ka-close sa isa’t isa. Lalo pa't sa last taping nila, sinabi ni Ate Guy na kung sakaling mabigyan siya ng GMA-7 ng bagong drama series, ire-request daw niya na ang production staff ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit pa rin ang hahawak at ang co-stars niya rito ang makasama niya muli.

Continue reading below ↓

Proud silang walang nag-positive sa kanila sa COVID-19 noong bumalik sila sa taping hanggang sa natapos ito.

Intersado akong malaman kung ano ang magiging ending ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

May limitations daw kasi sa taping gawa ng ipinapatupad na safety protocols and guidelines kaya naging ganoon ang ending ng kuwento. Ano kaya ito?


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Suwerte si Ate Guy at tuloy ang trabaho niya kahit nasa quarantine pa rin tayo.

'Tapos, nandiyan pa ang kanyang MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari, kung saan balik-tambalan sila ni Phillip Salvador.


Ngayon pa lang, inaasahan na ng Noranians na mabuhay ang kanilang international connection para maging masigla ang pagtanggap sa projects ng nag-iisang Superstar.

Continue reading below ↓

May teleserye, may pelikula, may National Artist Award na ba sa wakas? Harinawa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang family drama ang handog nina Superstar Nora Aunor at Direk Joel Lamangan sa MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari (left). Sisimulan naman ang rerun ng Kapuso afternoon prime series na Bilangin Ang Bituin sa Langit (right), tampok sina Mylene Dizon, Nora, at Kyline Alcantara.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results