Singer na si Ray-An Fuentes at kanyang misis, naospital dahil sa COVID

by PEP Troika
Dec 4, 2020
Ray-An Santos posts this touching message for his wife who is battling COVID: “IF you feel that you don’t want to fight this thing anymore, just ‘whisper’ in my spirit and we can both go home together. Without you, my life is meaningless."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Nakakapraning ang mga chikang-COVID sa local showbiz industry.

Bulung-bulungan na dalawampu’t pito (27) umano ang nagka-COVID sa isang pelikula na nag-shooting sa tatlong lalawigan.

Takot na takot ang premyadong aktres at beteranong aktor dahil nilalagnat ang direktor habang nagsu-shooting sila.

Na-lockdown naman ang isang produksiyon dahil animnapu (60) daw ang nagpositibo sa coronavirus.

Kaya ibayong ingat ang mga pagtitipon sa showbiz nang personalan.

Noong Nobyembre 28, Sabado ng gabi, ipinalabas ng QCinema filmfest ang pelikulang Death of Nintendo sa isang open air venue sa Visayas Avenue, Quezon City.

“Pang-700 daw yung venue under normal circumstances. But because of social distancing, 30% lang niyon ang max. We didn’t go beyond 100 daw sa screening,” kuwento ng katotong Allan Diones na dumalo sa nasabing pagtitipon.

Mahigpit ang safety protocols sa press preview ng MMFF 2020 entry na Isa Pang Bahaghari nitong Disyembre 3, Huwebes ng hapon, sa HBE Post, Sct. Fernandez St., Quezon City.

Continue reading below ↓

Strictly implemented na naka-face mask at face shield ang mga imbitadong taga-media. May thermal scanner pagpasok.

Dalawang batch ang preview—1:00 p.m. at 3:30 p.m. Tatlo ang preview rooms. Doon sa VIP room, sa second batch ay lima lang ang nanood.

Dumalo sa screenings ang direktor na si Joel Lamangan, at ang bidang lalaki na si Phillip Salvador.

Dadalo sana sa 1:00 p.m. ang lead actress na si Nora Aunor, kaso, tumaas daw ang blood pressure nito.

NOEL FERRER

Ibayong pag-iingat talaga ang kailangan ngayon. Tinatayang on the rise ang COVID incidents lalo na ngayong Kapaskuhan kaya ingat-ingat talaga.

It’s coming close to home. As in the UP Diliman community where I live, may 33 active cases kahapon, December 3.

'Tapos, lubos talaga akong nabagbag sa pahayag ng kasamahan natin sa industriya na si Ray-An Fuentes, na ngayon ay nasa special care unit sa U.S. dahil sa COVID.

Sila ng asawa niya ay nag-positive at hinihiling ang panalangin ng mga taga-industriya para sa kanila.

Continue reading below ↓

Lumuluha ako habang binabasa ang post ni Sir Ray-An:

“Dear LORD, please don’t let this be the saddest Christmas for the Fuentes family.

“COVID STATUS: Both Mei-ling and I have been admitted in the hospital with Mei-ling being the hardest hit. She has difficulty breathing and had to be intubated at the ICU.

“I am sending this note to my wife. I don’t know if she can read or respond: Sweetie, I know how difficult this must be for you. You definitely are the anchor of the family. But the virus has taken life from us.

“IF you feel that you don’t want to fight this thing anymore, just ‘whisper’ in my spirit and we can both go home together. Without you, my life is meaningless.

“We’ve lived a full life -- 42 years of God’s amazing grace. My only regret is I didn’t treat you much better than you deserve. That’s on me. But through the years one thing became increasingly clear: You are definitely God’s gift to me.”

Continue reading below ↓

Sa kanyang pinaka-latest update, sinabi ni Ray-An na inilipat na siya sa critical unit na may oxygen tank.

Continue reading below ↓

Si Ray-An ay dating miyembro ng mga bandang New Minstrels at the Circus Banda. Sila ni Tillie Moreno ang nagpasikat ng awiting "Umagang Kay Ganda."

GORGY RULA

Sa totoo lang, kung hindi lang talaga maaapektuhan ang ating kabuhayan, mas okay sanang naka-quarantine pa rin tayo sa ating mga tahanan.

Pero hindi tayo kayang buhayin ng ating gobyerno kaya ibayong pag-iingat lang talaga kapag nasa labas tayo para magtrabaho.

Heto ang latest na balita: pinayagan na raw ng IATF na magkaroon ng seminars at workshops sa hotels o restaurants.

So, ngayong abala ang lahat sa pagpu-promote ng sampung pelikulang kalahok sa 46th Metro Manila Film Festival, pwede na bang magpa-presscon sa malalaking function room ng hotels o restaurants?

Ang dami pa rin kasi talagang nahihirapan sa Zoom o virtual mediacon, kaya asahan nating meron nang face-to-face presscon basta limitado lang ang papasok sa isang venue at sumunod pa rin sa safety procotols.

Continue reading below ↓

Sa press preview ng Isa Pang Bahaghari kahapon, dumating si Phillip Salvador.

Sinabi niya sa aming kaka-swab test lang niya, pero wala pang resulta. Pero sure na sure daw siyang negative siya, kaya masaya siyang nakipagtsikahan sa amin.

Basta maingat daw siya dahil sa dami ng mga taong nakakasalamuha niya.

Sa mga taping at shooting naman, naging normal na rin sa atin kapag nakakabalita tayo ng may mga nag-positive sa taping at shooting, pero huwag sanang napakarami. Yung naku-control pa rin sana ng produksiyon.

Kaya sobrang natutuwa ang mga artista at production staff ng Bilangin ang Bituin sa Langit, dahil noong nagpa-swab test sila, walang nag-positive kahit isa sa kanila. Hanggang sa natapos ang taping, negative pa rin lahat na nakauwi sa kani-kanyang tahanan.

Kung ganoon lang daw sana, okay talaga ang lock-in taping dahil mas naka-focus sila sa kanilang trabaho at nagkakaroon silang lahat ng magandang bonding.

Bukod pa riyan, nakikita raw na magaan ang trabaho na sa partikular na show lang naka-focus at mas napapangalagaan ang kalusugan ng lahat.

Continue reading below ↓

Kaya kung tanungin mo ang mga artista, halos lahat sila ay gusto na ang ganitong set-up dahil mas nakaka-concentrate sa isang trabaho.

Sabi nga ni Mylene Dizon ng Bilangin ang Bituin sa Langit, “Napag-usapan namin lahat na ito yata yung pinaka-ideal because every day, you’re in character. You’re in tune with the story every day.

"You’re in one location with everybody, you’re able to grow as a team, not an individual lang.

"It is ideal but we tend to miss our families. That’s the only drawback for me.

"Siguro, sanayan din lang."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ray-An Santos posts this touching message for his wife who is battling COVID: “IF you feel that you don’t want to fight this thing anymore, just ‘whisper’ in my spirit and we can both go home together. Without you, my life is meaningless."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results