John Lloyd Cruz napapanahon na para bumalik sa showbiz

by PEP Troika
Dec 7, 2020
Sa kanyang pagbabalik-showbiz, isa sa nakalinyang gawin ni John Lloyd Cruz ay ang pelikulang Servando Magdamag (kanan) na mula sa panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Lav Diaz.
PHOTO/S: John Lloyd Cruz Facebook / Black Sheep

NOEL FERRER

Natuwa ako sa bagong labas na ad ni John Lloyd Cruz para sa isang watch brand, na ang sabi ay "TIME IS WHAT YOU MAKE OF IT."

Oo nga, here’s one person who took time off. Nanahimik. Nagmuni.

And here he is, bilang na bilang ang mga araw na iyon—1,094 days of silence.

At sa kanyang 37 years of existence, fatherhood has made JLC a different person and an artist na ready na sa pagiging visible sa ating industriya muli.

Yes, it’s time to make a comeback.

Maganda ang mensahe ng commercial kahit hindi lang Pampasko.

Kasi, ang alam ko, after this ad, John Lloyd is in the process of completing his comeback fillm Servando Magdamag, na isang short story ni Ricky Lee na ginawa niyang full-length film with Lav Diaz as director.

Maliban doon, open si Direk Cathy Garcia-Molina na kung walang COVID, dapat nakatapos na siya ng pelikula with JLC and Bea.

Continue reading below ↓

And there are also talks about JLC doing a TV project with the group of Congressman Albee Benitez.

There are truly a lot of things to look forward to with JLC.

Ang isa pang ikinatuwa ko ay isa siya sa mga premyadong aktor na nag-endorse kay Ricky Lee bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist), which our dear teacher-mentor truly deserves.

Salamat, Lloydie!

GORGY RULA

Matagal na ring pinag-uusapan ang pagbabalik ni John Lloyd sa showbiz dahil gusto ng marami na magpaka-active siya ulit sa pag-aartista.

Pati ang ilang mga artista ay gusto siyang makatrabaho uli.

Sabi nga ni Phillip Salvador nang nakatsikahan namin sa press preview ng Isa Pang Bahaghari, isa sa gusto niyang makatrabaho muli ay si JLC.

Nagkasama sila sa TV pero hindi pa sila nagkasama sa isang pelikula.

Kaya sana, marami na tayong mababalitaan kay John Lloyd sa pagpasok ng 2021.

JERRY OLEA

John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Marami siyang ambag sa industriya ng TV at pelikula kaya welcome na welcome sa atin ang kanyang pagbabalik.

Hindi ko malilimutan ang pagtanaw niya ng utang na loob sa katotong Regie Picayo, na tumulong sa pagsisimula niya sa showbiz.

Lalaging may puwang si Lloydie sa industriyang ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang pagbabalik-showbiz, isa sa nakalinyang gawin ni John Lloyd Cruz ay ang pelikulang Servando Magdamag (kanan) na mula sa panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Lav Diaz.
PHOTO/S: John Lloyd Cruz Facebook / Black Sheep
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results