Dennis Trillo asawa sina Alice, Andrea, Bianca sa Legal Wives; Gabby at Sanya, bagong teamup sa First Yaya

by PEP Troika
Dec 8, 2020
Angat ang ganda nina (L-R in left photo) Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali na gaganap bilang mga asawa ni Dennis Trillo sa Legal Wives. Gabby Concepcion at Sanya Lopez, nagkasundo agad sa taping ng First Yaya (right photo).
PHOTO/S: GMA Network Legal Wives / First Yaya

JERRY OLEA

Sa BTS (behind-the-scenes) pa lang ng Kapuso cultural series na Legal Wives, kapana-panabik na ito.

Pagkagaganda nina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali na nakasuot ng pangkasal, lalo na noong kasama nila si Dennis Trillo na gaganap bilang kanilang asawa.

Ang Legal Wives ay iikot sa karakter ni Ishmael, isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah, Diane, at Farrah dahil sa magkakaibang rason.


Continue reading below ↓

Recent Facebook post ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero (published as is):

“Ang polygyny ba ay anti babae?

“Ito ang unang tanong sa isip ko noong ginagawa namin ang kwento ng Legal Wives. Akala ko ito ay anti women dahil binibigyan ng kalayaan ang isang lalaki na mag asawa ng hanggang apat. Na para bang ang babae ay object talaga na inaari.

“Pero ito ba ay totoo?

“May isang Muslim na pinakasalan ang second wife nya to protect her kasi ang babae ay nabalo ng maaga, at may maliliit na anak. Kaibigan niyang matalik ang domiyalong o namatay na asawa ng babae kaya’t may matindi siyang pagnanais na bigyan ng alalay ang byuda. Na itinuturing niya ring kaibigan. Kaya’t inalok at pinakasalan niya. Bilang pagbibigay ng tulong, habag at proteksyon dito.

“May muslima rin akong nakilala. Siya ay edukada. May career. Hindi ko sasabihin ang pangalan pero ito ang sagot niya nung aking tinanong, kung bakit siya pumayag na maging isa sa tatlong asawa ng kanyang hubby.

Continue reading below ↓

“Ang sagot nya: ‘hindi ko kayang kasama ang husband ko sa araw araw kasi busy ako sa trabaho (doktora siya haha). Kung may iba siyang asawa, hindi ko na siya kailangang problemahin sa mga araw na nasa duty ako at busy sa career ko. Knowing na may mag aasikaso sa kanya. At kapag ako ay libre na, ang saya ko na makasama siya.’

“At dahil kasal sila kaya wala silang nagagawang kasalanan kapag magkasama sila. “Ibang perspective ano? At hindi ko nakikita na pag aari siya ninuman. Liban kay Allah.

“Minsan, blinded talaga tayo ng mga bias natin, ano?”

Mula sa direksiyon ni Zig Dulay, ang Legal Wives ay tatampukan din nina Cherie Gil, Shayne Sava, Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar de Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

KAPUSO SHOWS UPDATE

Sa mga Kapuso teledrama, Descendants of the Sun ang naunang magpalabas ng fresh episodes noong Nobyembre 5, Huwebes.

Continue reading below ↓

Tatlong linggo na lamang ang DOTS nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Magtatapos ito sa Pasko, Disyembre 25.

Nobyembre 9, Lunes, nag-umpisang umere ang fresh episodes ng Prima Donnas. Inaasam ng ibang fans na ma-extend ito at makabalik sa series ang karakter ni Sofia Pablo.

Nitong Disyembre 7, Lunes, nag-umpisa ang rerun ng Bilangin ang Bituin sa Langit. Sa Enero na eere ang bagong episodes ng teledrama nina Nora Aunor, Mylene Dizon, at Kyline Alcantara.

Ikinakasa na rin syempre ang rerun ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

FIRST YAYA

Nag-lock in taping na ang First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, maging ang Agimat ng Agila nina Bong Revilla at Sanya. Alin ba sa dalawang ito ang mauunang ipalabas?

Sa Marso 2021 pa eere ang First Yaya sa Kapuso Network.

Nabalitaan naming mabilis na naging palagay ang loob ni Sanya kay Gabby. Humanga naman si Gabby sa pagiging professional ni Sanya. Mutual ang kanilang admiration.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Maselan ang temang tatalakayin ng Legal Wives kaya maingat sila sa bawat episode na ipalalabas nila.

Hindi pa gaanong natatalakay ang ganitong kuwento sa isang drama series. Kaya maganda at naisip ito ng GMA-7.

Maganda pa ang line-up ng cast at bagay na bagay si Dennis sa role.

Interesting din ang tatalakayin ng First Yaya dahil dadalhin ng kuwentong ito sa buhay sa palasyo ng pangulo ng bansa. Thankful ang buong production staff ng First Yaya dahil bago ang pandemya, nabigyan pa sila ng chance na maikot ang Malacañang.

Dito raw sa seryeng ito, makikita kung ano ang iba't ibang anggulo ng buhay at pamamalakad sa Malacañang, mula sa pag-set ng kubyertos hanggang sa isinusuot ng mga staff sa loob ng palasyo. Sana, maihahatid ito lahat ng First Yaya.

NOEL FERRER

Sa paggawa ng bagong content, malaking kunsiderasyon talaga ang paglikha ng trabaho sa mga kasamahan natin sa industriya. Maganda rin iyan para may bagong papanoorin ang ating mga kababayan.

Continue reading below ↓

Pero mahalaga rin ang pagsunod sa health protocols upang hindi maisangkalan ang kalusugan ng mga artista, production, at crew.

Teka, marami tayong naririnig na side kuwento tungkol sa mga taping, pero wala pang pormal na nagsasampa ng complaints.

Saan kaya sila dudulog? Sa kani-kanyang network ba o sa guild na dapat nangangalaga sa kanila? Magandang alamin iyan!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angat ang ganda nina (L-R in left photo) Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali na gaganap bilang mga asawa ni Dennis Trillo sa Legal Wives. Gabby Concepcion at Sanya Lopez, nagkasundo agad sa taping ng First Yaya (right photo).
PHOTO/S: GMA Network Legal Wives / First Yaya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results