Dennis Padilla, emotional sa accidental meeting nila ng anak na si Julia Barretto

by PEP Troika
Dec 8, 2020
Saloobin ni Dennis Padilla matapos makita ang anak na si Julia Barretto: "Nung lumalakad ako pabalik sa building na, tumulo rin yung luha ko. Kasi, miss ko, e. Pero dahil astig ang hitsura ko, astig ako magsalita, siyempre, hindi ko maparamdam kay Julia."
PHOTO/S: @dennisastig Instagram

GORGY RULA

Napaluha si Dennis Padilla nang magkita sila ng anak na si Julia Barretto noong Linggo, December 6.

Halos isang taon na silang hindi nagkikita ni Julia, at aksidente lang daw ang pagkikita nila noong araw na iyon.

Si Julia, anak ni Dennis sa dating asawang si Marjorie Barreto, ay talent na rin ng Viva Artists Agency kung saan kabilang ang veteran comedian.

Si Dennis ay isa sa mga bida ng Metro Manila Film Festival 2020 entry na Pakboys: Takusa, na iprinodyus ng Viva Films. Bida rin sa pelikula sina Janno Gibbs, Andrew E., at Jerald Napoles.

Kuwento ni Dennis sa panayam namin sa kanya sa DZRH noong Lunes, December 7:

"Dun sa building na kung saan kinukunan kami ng VTR para sa promo ng Pakboys sa Europe, sa U.S., sa Dubai, meron kaming mga greetings as part of the promo para sa OFW.

"Ngayon, nung pagpasok ko sa dressing room… E, nasa third floor kami, 'tapos sa kabila may bahay. Sabi sa akin ni Janno, ‘Pare, halika, labas ka.’

Continue reading below ↓

"Paglabas ko, dumungaw ako sa bintana, si Julia nandun sa baba. Meron silang workshop para sa new movie nila ni Marco Gumabao.

"Sumigaw agad ako, kasi sa third floor ako, mataas ako. Sabi ko, 'Hi, Jul, I miss you anak, ganyan-ganyan…'"

REUNITED WITH JULIA AFTER ONE YEAR

Pinuntahan daw ni Dennis si Julia sa katabing lugar kunsaan may shooting ang aktres at si Marco.

Patuloy ni Dennis: "Anyway, bumaba ako. Tinanong ko sa guwardiya kung sa Viva rin ba yung property dun sa kabila. Sabi niya, 'Opo.'

"Pumunta ako dun. 'Tapos, picture-picture.

"'Tapos, sabi ko sa kanya, 'Jul, okay lang ba video kita, promote mo yung movie namin?'

"Kasi siyempre, di ba, si Julia nag-promote, malaki ang matutulong sa amin."


Continue reading below ↓

Masaya na raw si Dennis na nagkita sila uli ni Julia, pero ang iba niyang mga anak kay Marjorie ay hindi pa raw niya nakakasama ulit nang personal.

Abala raw si Leon sa online class. Si Claudia naman ay pinapadalhan ni Dennis ng message via social media account nito paminsan-minsan.

Kaya napaluha raw si Dennis nang maghiwalay na sila ni Julia.

"Nung lumalakad ako pabalik sa building na, tumulo rin yung luha ko. Kasi miss ko, e.

"Pero dahil astig ang hitsura ko, astig ako magsalita, siyempre hindi ko maparamdam kay Julia. Hindi ko mapakita na may weakness ako na ganun," pakli Dennis.

DENNIS'S SUPPOSED TEAMUP WITH MARJORIE

Abala ngayon ang komedyante sa promo ng MMFF 2020 entry ng Viva Films na Pakboys: Takusa.

Naibahagi rin ni Dennis sa amin na noong una ay na-suggest daw na si Marjorie dapat ang i-partner sa kanya sa pelikula.

Si Janno kasi ay ni-request daw si Angelu de Leon.

Continue reading below ↓

"Noon dapat, parang si Marjorie ang gusto nilang kunin na i-partner sa akin... Ako, okay lang… e, si Marjorie, ayaw.

"Baka masabi sa akin, ‘A, si Dennis ba? Pak-tooot’.

“Sabi sa akin… 'Alam mo, ako si Pakboy, ikaw si Pak-tooot,'” napapangiting biro ni Dennis sa amin.

Si Boss Vic del Rosario daw ang nag-suggest na si Maui Taylor ang i-partner kay Dennis.

Si Nathalie Hart ang partner ni Janno, habang ang forever crush naman ni Andrew E na si Ana Roces ang ka-partner nito.

JERRY OLEA

Dagdag-emote ni Dennis, ang kawalan niya ng financial capability noong kabataan ng kanyang mga anak ang isa raw sa tingin niya ay pagkukulang niya sa mga ito.

"Sana, naging multimillionaire ako nung bata sila. Iyon ang dream ko.

"Kasi, kung naging multimillionaire ako, mas mapu-provide ko sila ng mga mas magarbong pangangailangan.

"Kasi, there was a time nung 2007, talagang wala rin ako gaanong hanapbuhay nun, e, nung naghiwalay kami ni Marjorie.

Continue reading below ↓

"So, parang sabi ko, ‘Sana, kung nagkaroon lang ako ng mas maraming pera, baka mas nakapag-spend ako ng mas maraming time with them.’

"There were times nung maliliit pa sila, mas okay na rin na hindi sila makapag-overnight dito sa bahay.

"Kasi, yung comfort na mabibigay nung bahay nila nung time na yun, mas comfortable talaga kesa dun sa bahay ko. So, okay na rin."

NOEL FERRER

Buti pala, may coincidences na ganito. Kahit sandali lang ay nagkaroon ng pagkakataong magkita at magkamabutihan ang mga mag-anak ngayong panahon ng pagpo-promote ng pelikula para sa MMFF.

Sana, kahit hindi work-related, may kusang aksyon na magbuklod ang nagkawalay na family members... lagpas sa coincidences.

Sana, sa nangyari kina Dennis at Julia, magkaroon sila ng personal na initiative na mapalapit pa bilang mag-ama. Kahit walang camera.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Saloobin ni Dennis Padilla matapos makita ang anak na si Julia Barretto: "Nung lumalakad ako pabalik sa building na, tumulo rin yung luha ko. Kasi, miss ko, e. Pero dahil astig ang hitsura ko, astig ako magsalita, siyempre, hindi ko maparamdam kay Julia."
PHOTO/S: @dennisastig Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results