Direk Lore Reyes, may buwelta sa reklamo ni Robin Padilla kaugnay ng MMFF 2020; Robin, kumambiyo

by PEP Troika
Dec 10, 2020
Direk Lore Reyes (kaliwa) sa naunang pahayag ni Robin Padilla (kanan) tungkol sa proseso ng pagpili sa 10 entries ng MMFF 2020: "Sana, kung nanggagaling sa bunganga ng taong nakagawa ng matinong pelikula, maniniwala ako."
PHOTO/S: Brightlight Productions / Instagram

JERRY OLEA

Nobyembre 30, Lunes, Araw ni Bonifacio, nang maghimutok si Robin Padilla sa Facebook at Instagram kaugnay sa sistema ng pagpili sa sampung (10) official entries ng 46th Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Ahhm, ang reaction ko lang diyan... Sana, kung nanggagaling sa bunganga ng taong nakagawa ng matinong pelikula, maniniwala ako,” bulalas ni Direk Lore Reyes sa virtual mediacon ng Magikland nitong Disyembre 9, Miyerkules ng hapon.

Executive producer si Direk Lore ng MMFF 2020 official entry na Magikland, kung saan bida ang mga batang artista na sina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Princess Aliyah Rabara, at Joshua Eugenio.


Continue reading below ↓

Magikland lead stars (from left) Elijah Alejo, Princess Aliyah Rabara, Miggs Cuaderno, and Joshua Eugenio.

Dagdag ni Direk Lore, “Not from Robin Padilla, excuse me!”

Ang nagtanong kaugnay sa pagkadismaya ni Robin sa screening committee ng MMFF 2020 ay ang entertainment editor ng Bulgar na si Janiz Navida.

Nag-follow up question ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Matapos kasing iendorso ni Pangulong Duterte ang MMFF 2020, kumambiyo si Robin at nag-post sa IG at FB ng suporta sa nasabing filmfest noong Disyembre 4, Biyernes.

Sabi ni Robin, “Kapag nagsalita na ang Pinakapinuno ng mga pinuno ibig sabihin yun na ang mangyayari at magaganap.

“Katulad ng salmo ng Pangulo! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino! Mabuhay ang talentong Pilipino.

“In shaa Allah ay matupad lahat ang mithiin ng ating Pangulo at ito na ngang MMFF ang maging umpisa ng pag ikot pataas ng industriyang pelikulang pilipino.”


Continue reading below ↓

Kakambiyo rin ba si Direk Lore sa pasaring kay Robin, or does his statement stand?

Mahinahong tugon ni Direk Lore, “Ahmm... of course, I welcome Robin’s support, ‘no? Maraming salamat, Robinhood, ano... na sinusuportahan mo iyong Metro Manila Film Fest.

“Ano naman ako, e, nagre-react lang ako sa... doon na lang, period na, baka kung ano pa ang masabi ko.”

Si Direk Lore ay katuwang ng namayapang si Peque Gallaga sa pagdidirek ng mahigit dalawampung (20) pelikula kabilang ang Once Upon A Time (1987), Kid, Huwag Kang Susuko (1987), Hiwaga sa Balete Drive (1988), Tiyanak (1988), Isang Araw, Walang Diyos (1989), Abandonada (1989), Shake, Rattle & Roll II (1990), Shake, Rattle & Roll III (1991), Aswang (1992), Dugo ng Panday (1993), Darna: Ang Pagbabalik (1994)...

Batang X (1995), Baby Love (1995), Magic Temple (1996), Magic Kingdom: Alamat ng Damortis (1997), Halik ng Bampira (1997), Diliryo (1997), Gangland (1998), Puso ng Pasko (1998), Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999), Sa Piling ng Aswang (1999), Sonata (2013), T’yanak (2014), at iba pa.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang Magikland na idinirek nina Christian Acuña, Direk Lore Reyes, at ang yumaong Peque Gallaga ang may pinakamataas na punto sa first round ng script submission.


Director Christian Acuña and the late Peque Gallaga

Ito na lang ang natira sa mga unang submission, at kitang-kita mo na pinulido ito sa pagkakagawa.

Continue reading below ↓

Kasama rin si Robin Padilla sa mahaba at makulay na tradisyon ng MMFF kaya imbes na magkahati-hati pa, suportahan na lang natin ang pagbabago ng platform ng Metro Manila Film Festival.

GORGY RULA

True, Sir Noel! Sa panahon ngayon, hindi na dapat magkawatak-watak pa! Hindi kasi matigil-tigil ang mga sinasabi ng iba.

Noong mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto ang madalas kasali sa MMFF, ang daming sinasabi. Ngayong wala silang pelikulang kalahok, may ganoon pa ring hanash.

Damned (or is it dumb?) if you do, damned if you don’t, 'ika nga.

Dito mo nga maipagkakapuri ang MMFF at MMDA na kahit mahirap, walang sinehan, takot pa rin ang karamihan sa pandemyang ito, ginagawan ng paraan na magkaroon pa rin tayo ng entertainment sa panahon ng Kapaskuhan.

Kaya dapat aralin na ang pag-upload ng Upstream.ph para mapanood natin ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon.

Itong Magikland ang isa sa gusto kong panoorin sa filmfest.

Continue reading below ↓

Ayaw sabihin ni dating Congressman Albee Benitez kung magkano na ang nagastos niya, pero ang tantiya niya ay halos nasa P200M na.

Kaya naisip din daw niyang umatras na lang sa MMFF dahil mahirap talagang bawiin sa online.

Pinakiusapan lang daw siya ng taga-MMFF na huwag umatras dahil umatras na ang tatlong iba pang unang napili. Kaya itinuloy na rin niya.

Kaya kapag maganda ang resulta nito sa filmfest, inaasahan nilang maipalabas pa rin ito sa mga sinehan. Mas maa-appreciate daw kasi ang Magikland kapag nasa widescreen.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Lore Reyes (kaliwa) sa naunang pahayag ni Robin Padilla (kanan) tungkol sa proseso ng pagpili sa 10 entries ng MMFF 2020: "Sana, kung nanggagaling sa bunganga ng taong nakagawa ng matinong pelikula, maniniwala ako."
PHOTO/S: Brightlight Productions / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results