JERRY OLEA
Nagpe-festival ang pesteng bashers ni Alfred Vargas dahil may entry siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020, ang Tagpuan, kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao.
Ginagawan ng sari-saring fake news ang promo ng pelikula. Malamang sa alamang na ma-bash maging ang showbiz press na susuporta sa Tagpuan.
“Oo! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” natawang pag-ayon ni Alfred nang mainterbyu namin sa press preview ng Tagpuan nitong Disyembre 9, Miyerkules ng hapon, sa Sine Pop, Saint Mary Street, Cubao, Quezon City.
Pagpapatuloy ng actor-politician, “Panahon naman ng Pasko, saka turo sa akin ng nanay ko, iyong mga ganyan, hindi na dapat pinapansin ang mga iyan lalo na’t hindi totoo ang sinasabi.
“Iyong fake news, we know how to deal with fake news. Kasi, it is what it is—just fake news.
“Fake news iyon, so ako... Pasko ngayon, 'tapos pandemic. Magkalat na lang tayo ng pagmamahal, saka positivity.
“Iyon lang, di ba? Kasi, iyon ang kailangan ng tao ngayon.”
GORGY RULA
Pagdidiin pa ni Congressman Alfred, nasa atin kung paano natin iha-handle ang mga nababasa natin sa ilang social media accounts. Kung totoo ba ito o fake news lang na ikinakalat.
“In reality, ang daming fake news at may mga taong diyan sila kumikita… in spreading fake news, saka sa paninira sila kumikita at yun ang kabuhayan nila, e,” pahayag niya.
“Kung gusto nilang gawin yun, karapatan nilang gawin yun, e, yun ang style nila. Pero tingnan natin kung ano yung totoo.
“Let us discern what is true at huwag tayo basta-basta maniniwala at kung ano lang… basta pinost lang ni ganyan, akala natin, totoo na at manghuhusga na tayo.
“I think yun ang gusto nating gawin because social media will always be there. Pero kung papa'no natin babasahin, kung papa'no natin titingnan, kung papa'no natin malalaman and kung paano tayo magpapaapekto sa mga balita, yun ang mas importante sa bawat Pilipino.”
Parang unfair na pinagkakakitaan ng ibang mga tao ang mga pasabog na isyu, na hindi pala totoo.
Wala na raw tayong magagawa riyan, sabi ni Alfred. Nasa atin na lang kung alin doon ang totoo at kung ano ang gusto nating paniwalaan.
“Pero para sa akin, ang pinakamataas talaga na uri ng expression is always the truth.
“Lahat tayo, whether kaliwa ka or kanan o ano mang kulay ng ano mo o saang political spectrum ka man, all of us should agree on the truth.
"Ito yung totoo, dapat ganun. Yung katotohanan lang.
“Sa tingin ko, kung umabot sa ganung diskurso natin, mas magiging okay at magiging thorough advantage yung social media,” dagdag niyang pahayag.
At ang isang truth, maganda ang pelikula niyang Tagpuan. Bagay pang-online.
Ang bigat-bigat lang sa dibdib pagkatapos mo panoorin, at sana maging cooperative dito sina Iza Calzado at Shaina Magdayao na i-promote ang naturang pelikula.
Magaling silang pareho, lalo na si Iza na ramdam na ramdam mo ang karakter na ginagampanan niya sa pelikulang ito.
Congratulations kay Congressman Alfred, lalo na kay Direk Mac Alejandre!
NOEL FERRER
Maayos ang pelikulang Tagpuan na to start with ay mula sa panulat ng ating bet for National Artist na si Ricky Lee.
Sana mapanood ito ng maraming tao dahil talaga namang pinaghirapan ng mga taong gumawa nito ang pelikula.
Siyempre, yung bashers ay may kanya-kanyang pinanggagalingan.
I’m sure, alam na ni Congressman Alfred harapin ‘yan, gaya ng patuloy na tanong sa kanya sa kanyang pag-i-inhibit sa usaping franchise ng ABS-CBN noon.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika