Paolo Contis hindi na magugulat kung pasukin din ng mga anak na babae ang showbiz

by PEP Troika
Dec 12, 2020
Summer Contis, Paolo Contis, Xonia Contis, Xalene Contis
Kung pasukin daw ng mga anak na babae ni Paolo Contis na sina Summer (dulong kaliwa), Xonia (pangalawa mula kanan), at Xalene (dulong kanan) ang showbiz, malaking edge daw na maituturing na nasa showbiz na ang kanilang ama.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Natutuwa si Paolo Contis na ikinuwento sa aming alam na alam na raw ng anak niyang si Summer na kapag galing sa trabaho ang papa niya, hindi ito puwedeng lumapit dahil alam na nito magku-quarantine muna si Paolo nang ilang araw.

Dumating si Paolo mula sa bansang Denmark noong Martes, December 8 mula sa sampung araw na shooting sa Faroe Island para sa para sa pelikulang A Faroe Way Land kasama si Yen Santos.

“Nung dumating ako nung Martes... Wednesday, na-quarantine muna kami sa hotel hangga’t hindi pa nakalabas yung results from the airport.

"Kasi, pag-land namin sa Pilipinas, merong test yun. 'Tapos, ideretso kami ng hotel kung saan approved ng DOH [Department of Health]. Dun kami puwede mag-stay.

“After a day, kung saan lumabas yung results, puwede na kaming umuwi.

"Pero eto, naka-quarantine uli ako sa bahay just to make sure. Kasi, nagpa-test uli ako kaninang umaga. Para sure na sure, 'ika nga,” kuwento ni Paolo nang nakapanayam namin sa DZRH nung Biyernes, December 11.

Continue reading below ↓

Pero alam na alam na raw ni Summer na hindi pa siya puwedeng lapitan o halikan.

“Hanggang pinto lang siya, e. Pero araw-araw ko naman silang nakakausap.

“Sobrang cute niya. Alam niyang hindi niya ako puwedeng i-kiss. So, nag-flying kiss lang siya sa akin. Matalino si Summer, e,” pakli ni Paolo.

Nakatuwaan na ng netizens ang mga vlog nilang mag-ama at sabi ni Paolo, abangan daw ang mga nakarerserba nilang vlog na ilalabas nila isa sa mga araw na ito.

Kaya hindi na magugulat si Paolo sakaling papasukin ni Summer ang pag-aartista dahil nakuha nito ang pagiging komedyante ng Kapuso actor.

Ang dalawa pa niyang anak na sina Xonia at Xalene ay napakaganda rin at puwedeng-puwede ring mag-artista.

“Kung ano ang gusto nila. Siyempre, malaking edge iyon na mag-showbiz sila, yung tatay nila, nasa showbiz.

“Malaking bagay iyon. May mga bagay na silang hindi na kailangang pagdaanan. May mga bagay na puwedeng protektahan sila before whatever, kasi, meron nang inside people to support them,” saad ni Paolo.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ang producer ng Through Night and Day ay producer din ng A Faroe Way Land.

Co-producer diyan si Paolo, kaya hopefully ay kukunin ng Netflix ang movie.

Happy si Paolo na nakapag-shoot sila sa ibang bansa kahit mahirap ang safety protocols na pinapatupad.

“Masaya ako na nakalipad kami at safe kaming nakauwi. Kasi, gusto naman namin na ang ibang producers at ibang artista, medyo kumalma na.

"Kaya naman, e. Basta maingat tayo, kaya naman.”

Sulit na sulit daw kasi ang ganda ng Faroe Island na sana raw ay mapanood sa widescreen.

Iyon daw ang gusto ng producer na ang mga pelikulang pinu-produce nila, may mapapanood na mga magagandang lugar gaya ng Denmark, at itong Iceland sa Through Night and Day.

“Kami ni Lucky [producer], naniniwala kami na sa mga kuwento ng pelikula, somehow nagawa na iyan lahat. Pero it’s how you tell the story na kakaiba, di ba?”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Masaya ako at naa-affirm ng audience ang mga ginagawang magandang pelikula sa Netflix. Good luck sa bagong pelikulang ito ni Paolo.

Pero teka, may ilang producers natin ang naghahanap na ng ibang streaming at online distributors than Netflix dahil sumusobrang baba raw ang offer sa ibang local films.

Hindi ka makakapaniwala, pero P150K raw ang bigayan nila sa producers?

Parang lugi naman ang filmmakers natin doon, di ba?

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung pasukin daw ng mga anak na babae ni Paolo Contis na sina Summer (dulong kaliwa), Xonia (pangalawa mula kanan), at Xalene (dulong kanan) ang showbiz, malaking edge daw na maituturing na nasa showbiz na ang kanilang ama.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results