Elijah Canlas, bigo sa best actor award sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino pero...

by PEP Troika
Dec 13, 2020
Elijah Canlas wins Special Jury Prize at the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino
Hindi man nagwagi sa kategoryang Best Actor sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino ang He Who Is Without Sin actor na si Elijah Canlas, hindi matatawaran ang galing niya sa pag-arte kaya't mayroon pa rin siyang Special Jury Award.
PHOTO/S: PPP4 Facebook

JERRY OLEA

Pinagkalooban ng Special Jury Prize si Elijah Canlas sa awards night ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP4) nitong Disyembre 12, Sabado ng gabi para sa pagganap niya sa pelikulang He Who Is Without Sin.

Ang tumanggap ng award ay ang writer-director ng movie na si Jason Paul Laxamana.

Nasa San Pablo City, Laguna, pa kasi si Elijah sa taping ng Xmaseryeng Paano Ang Pasko? Sa Disyembre 14, Lunes ang last taping day nila roon.

Elijah Canlas wins Special Jury Prize from 4th Pista ng Pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Pinuri ni Direk Jason Paul si Elijah sa pagiging “one hell of an actor. Talagang nirerespeto niya ang craft of acting. Malayo ang mararating niya.”

Kaya may Special Jury Prize si Elijah, ibig sabihin, talo siya sa kategoryang best actor—ang nagwagi ay si Gold Azeron para sa Metamorphosis.

Gold Azeron wins Best Actor award at the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino awards.

Continue reading below ↓

Take note na nag-best actor si Elijah sa Gawad Urian para sa Kalel, 15, at ang mahigpit na nakalaban ni Elijah ay si Gold para sa Metamorphosis (na nagbigay kay Gold ng best actor award sa Cinema One Originals filmfest last year).

Pinagkalooban naman ng Special Jury Prize for Film ang Metamorphosis.

Ibig sabihin, talo ito sa karera ng best picture—ang nagwagi ay ang Cleaners.

Ang direktor ng Cleaners na si Glenn Bayrit ang tinanghal na Best Director.

Pumalakpak agad ang tatlo sa co-nominees ni Direk Glenn nang ihayag na siya ang nagwagi.

Maikli ang acceptance speech ni Direk Glenn. Mas mahaba ang kuda ng host kaugnay sa nasabing kategorya.

Ang Best Actress ay si Hana Kino para sa pelikulang Come On, Irene.

Ang tumanggap ng award niya ay ang co-star at co-nominee na si Nats Sitoy.

Ang dalawa pang kinabog ni Hana sa best actress award ay sina Sarah Chang (Blood Hunters: Rise of the Hybrids) at Hiro Nishiuchi (Kintsugi).

Continue reading below ↓

Ang Best Supporting Actress ay si Gianne Rivera. Tinalo niya si Yayo Aguila (Gawad Urian winner para sa Metamorphosis).

Ang Best Supporting Actor... ehem, ehem, ehem! Si Henyo Ehem para sa The Highest Peak. Ang tumanggap ng award ni Henyo ay ang co-actor na si Dax Alejandro.

May Special Citation ang Ensemble Performance nina Leomar Baloran, Julian Narag, at Carlo Mejia para sa Cleaners.

Nakamit din ng Cleaners ang awards para sa Best Musical Score (Glenn Barit) at Best Production Design (Alvin Francisco).

Natamo ng He Who Is Without Sin ang awards para sa Best Screenplay (Jason Paul Laxamana), Best Cinematography (Emmanuel Liwanag), at Audience Choice Award for Full-Length Films.

Ang Best Sound Design ay ipinagkaloob kay Arbi Barbarona para sa The Highest Peak, at ang Best Editing ay kay Lawrence Fajardo para sa Kintsugi.

Ang Audience Choice Award for Short Films ay nakuha ng Night Shift.

Musical performers sa programa sina Raf Bernardino ("Unstable Heart"), Ice Seguerra ("Kailangan Kita"), Acel ("Kiss You Good Night"), Regine Velasquez ("Kailangan Ko’y Ikaw"), at Joey Ayala & Bayang Barrios with Naliyagan ("Tungo sa Liwanag").

Continue reading below ↓

Nag-streaming ang awards night ng PPP4 sa Facebook page at YouTube channel ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

4th Pista ng Pelikulang Pilipino awards night

GORGY RULA

Congratulations sa lahat na nagwagi, lalo na sa FDCP na nairaos nila itong ngayong taong Pista ng Pelikulang Pilipino kahit online.

Kaya hindi mo ramdam ang piyesta ng mga pelikulang Pilipino sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nitong PPP, balak ni FDCP Chairperson Liza Diño na ituloy pa rin ang FDCP channel at itutuloy pa rin nila ang showing ng ilang mga malalakas na entries sa naturang filmfest.

Magiging venue na rin daw ito ng ilang pelikulang hindi pa nabigyan ng chance na maipalabas sa ilang digital platforms.

NOEL FERRER

True to its monicker na “Sama All,” talagang halu-halo ang mga nakasali sa PPP na parang mga dating kampeon, bagong kampeon, at puwede-pa-kami portion.

All-in kaya may pansalong special jury prize para sa mga hindi nanalo na mahusay rin naman.

At least, nairaos ng FDCP ang PPP kahit may pandemya, pero mas interesado ako sa nakaabot sa PEP Troika na ginawang pagso-sorry diumano ng pinuno nito na si Liza Diño sa naging di pagkakaunawaan ukol sa policies at protocols na ginawa ng Inter-Guild Alliance (IGA).

Sana ay nalinaw na at may delineation na ng roles at kung sino ang may jurisdiction ng pagpapatupad nito dahil Development nga raw ang sakop ng FDCP.

Continue reading below ↓

Kailangan ang paglilinaw dito dahil sa mga nakaabot nang reports sa IGA ukol sa lapses at paglabag ng protocols sa pagtatrabaho ngayong may pandemya.

Mukhang mas urgent itong pagtuunan ng pansin sa ngayon, hindi ba?

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man nagwagi sa kategoryang Best Actor sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino ang He Who Is Without Sin actor na si Elijah Canlas, hindi matatawaran ang galing niya sa pag-arte kaya't mayroon pa rin siyang Special Jury Award.
PHOTO/S: PPP4 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results