Luis Manzano nilinaw na engagement photoshoot ang naganap sa Amanpulo at hindi prenup shoot

by PEP Troika
Dec 13, 2020
Luis Manzano and Jessy Mendiola during their engagement photoshoot in Amanpulo.
Katuwiran ni Luiz Manzano kung bakit sila nag-photoshoot sa Amanpulo, "We wanted to do a photoshoot to enjoy the moment, to celebrate the moment." Ang moment na sinabi ni Luis ay ang engagement nila ni Jessy na nangyari na noon pang October.
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram

JERRY OLEA

Nag-Facebook Live si Luis “Lucky” Manzano nitong Disyembre 13, Linggo ng hapon at pinasalamatan ang mga nagko-congratulate sa kanila ng fiancée na si Jessy Mediola.

Inamin ni Luis na noong Oktubre pa siya nag-propose kay HowHow (term of endearment nila ni Jessy sa isa’t isa).

“Gusto naming i-clarify, ha, kasi, ang dami ring nagtatanong,” pagkamot ng ulo ni Luis habang nasa dressing room ng I Can See Your Voice.

“Nagtataka kasi sila kung bakit bihis na bihis kami sa beach, kung surprise ba daw yung engagement.

“Sabi namin sa TV Patrol kagabi, yung engagement happened noong October. OK, October pa iyon.

“So, it was our engagement photoshoot, yung nangyari...”

So, hindi pa iyon prenup photoshoot?!

Pagpapatuloy ni Luis, “So, yung ginawa namin sa Amanpulo, kaya nagtataka ang mga tao, ‘Grabe! Bakit sila bihis na bihis?! Ahh, ano ‘yan, surprise?’

“It was our announcement, iyon yung engagement photoshoot. Pero yung engagement itself e nangyari noong October pa...

Continue reading below ↓

“So, iyon ang kuwento, OK? Kasi, may mga nagtataka, ‘Grabe, bakit naman ganoon sila kabihis na bihis sa beach? Surprise ba ‘yon? Halatang planado!’

“Iyon nga iyon, di ba? Engagement pictorial... So, it was our way of celebrating the engagement, at the same time, para ma-share sa maraming tao, OK?

“Gets? Gets nyo na kung bakit kami nakabihis? Gets nyo na kung bakit may mga pictures, OK? Ginawa talaga namin iyon as our engagement photoshoot.

“Malinaw ba? Malinaw ba ang pagkaka-explain ko?”

Inulit ni Luis ang paliwanag dahil marami sa viewers ng FB Live niya ang kao-online pa lang.

“Hindi siya surprise. Hindi lahat-lahat iyon. We want to capture moments, ahmm, para mabalikan sa engagement, which happened October,” salaysay pa ni Luis.

“So, yung pinaka-engagement, noong October nangyari... Pero we wanted to do a photoshoot to enjoy the moment, to celebrate the moment. At para may ma-share kami sa lahat ng followers.”

Continue reading below ↓

Kabilang pa sa mga hanash sa nasabing photoshoot kaya nag-explain si Luis,

“‘Mukha namang halata ang lahat. Mukhang naka-set up.’

“'Tapos, si HowHow e may pictorial sa Manila Diamond kung saan suot niya ang singsing. ‘O, bakit suot niya ang singsing, dati pa?’

“So, ibig kong sabihin, gusto kong iklaro lahat ng mga tanong—bakit kami nakabihis sa beach, bakit sobrang pictorial ang dating, bakit hawak ni HowHow ang singsing sa Manila Diamond Studio?

“Dahil nga noong October pa nangyari yung engagement. In-announce lang namin nitong December 12.

“Pero kumbaga, matagal nang nangyari. So, sana, malinaw iyon.”

NOEL FERRER

We wish Luis and Jessy the best.

Hindi ba’t nung huli nating makausap si Ate Vi ay sabi niyang BASTA, MALAPIT NA! —yung ganap nina Luis at Jessy.

Hindi naman na ako nagulat tungkol dito, dahil napabalita na dating ikakasal na si Luis with Kris Aquinio as nnang.

Paumanhin kung inakala nating may engagement yun, pero ngayon, hangad natin na ang next news ay they lived happily ever after na ni Jessy Mendiola.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sinasabi naman nila sa ilang kaibigan na hindi raw muna nila in-announce agad dahil ayaw nilang sumabay sa mga kaganapan.

Pinapalipas lang daw muna nila at isinabay na nila ang announcement sa bakasyon nila sa Amanpulo.

May dalang make-up artist si Jessy para may mag-ayos sa kanila roon.

Siyempre, dapat memorable din sa kanila ang engagement at isasama iyan tiyak sa wedding nila.

Ang nakakatuwa lang, bukod kina Luis at Jessy, ang isa pa sa kinu-congratulate ay si Congresswoman Vilma Santos-Recto na kinililig din at excited sa magiging apo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katuwiran ni Luiz Manzano kung bakit sila nag-photoshoot sa Amanpulo, "We wanted to do a photoshoot to enjoy the moment, to celebrate the moment." Ang moment na sinabi ni Luis ay ang engagement nila ni Jessy na nangyari na noon pang October.
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results