Sylvia Sanchez at Shaira Diaz, parehong iniwan ng amang OFW

by PEP Troika
Dec 15, 2020
Ang mga ama nina Sylvia Sanchez (kaliwa) at Shaira Diaz (kanan) ay parehong seaman at pareho ring iniwan ang kani-kanilang pamilya. Kaya nakaka-relate daw ang dalawang aktres sa kuwento ng kanilang pelikulang Coming Home, na tungkol sa isang OFW na sumama sa ibang babae pero bumalik sa kanyang pamilya nang magkasakit ito.
PHOTO/S: Sylvia Sanchez Instagram / Shaira Diaz Instagram

GORGY RULA

Kuwento ng Overseas Filipino Worker (OFW) ang pelikulang Coming Home, official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 kung saan bida sina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

Ginampanan ni Jinggoy ang role ni Benny Librada, na nagtrabaho sa Qatar at nagkarelasyon doon sa nurse na si Mercy (Ara Arida).

Iniwan ni Benny ang asawa niyang si Salve (Sylvia Sanchez) at ang kanilang mga anak (Edgar Allan Guzman, Martin del Rosario, Vin Abrenica, Shaira Diaz, Jake Ejercito, at Julian Ejercito).

Nagkasakit si Benny, pero hindi siya kayang alagaan ni Mercy. Isinauli ni Mercy si Benny kina Salve.

Maraming ganoong kuwentong nangyayari sa tunay na buhay lalo na sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa. At isa sa nakaka-relate dito ay isa sa mga cast na si Shaira.

Sa mediacon ng pelikula noong Lunes, December 14, inamin ng Kapuso actress na ganoon din ang nangyari sa kanilang pamilya. Pinipigilan lang niyang maging emotional habang ikinukuwento ito.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Sobrang nakaka-relate po ako and… as in parang kuwento talaga ng buhay ko.

"Kasi ang daddy ko, seaman din, 'tapos may nangyari ding ganun. Pwera lang dun sa sinoli, kasi hindi pa isinosoli.

“Kaya medyo naging madali po sa akin dun sa part ng family kung paano yung pakikipag-eksena sa tatay ko diyan kay mommy ko.”

Kung sakaling bumalik ang daddy niya, nakahanda ba siyang tanggapin ito?

“Honestly, kahit huwag po muna,” medyo naaalangang sagot ni Shaira.

“Hindi po ako nag-e-expect. Ayoko pong ipilit kung hindi po talaga pwede. Kasi, nasa tatay ko naman po yun. Siya na po ang bahala.

“Saka siguro kailangan din naming pag-usapan sa mom ko, sa mga kapatid ko.

"Kahit naman po ako ang mag-decide, iko-consider ko rin po ang feeling ng buong pamilya kung katanggap-tanggap pa rin po ba o mapapatawad po ba,” dagdag niyang pahayag.

Marami siyang na-realize sa Coming Home dahil ganito rin daw ang nangyari sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

“Dito ko na-realize na parang... at the end of the day, dapat naman talaga tayong magpatawad.

"Kasi, tatay pa rin natin. Kahit na anong mangyari, tatay mo pa rin siya.

“Hindi pa gaano… pero ewan ko, ha? Dito ko na-realize na, 'Oo nga, tatay ko pa rin siya.'

“Open tayo sa possibilities na baka magbago at baka gusto na talaga niyang bumalik, baka nagsisisi na siya. So, siguro dapat nga tayong magpatawad.

“Yun ang isa sa mga naging realizations talaga na, 'Oo nga, tatay ko pa rin siya.'

“Siguro, time will tell kung healed na, yung sugat, yung pain, mawawala na,” pahayag ni Shaira na pinipigilang maiyak.

JERRY OLEA

Hindi rin nalalayo sa Coming Home ang kuwento ng pamilya ni Sylvia. Hanggang ngayon ay umaasa raw ang nanay ni Sylvia na bumalik sa kanila ang tatay niya.

“Ang tatay ko, seaman, hindi na siya umuwi. Nakita ko until now yung epekto sa aming magkakapatid, pati sa nanay ko,” lahad ni Sylvia.

Continue reading below ↓

“So, yung ginampanan ko na role na Salve ngayon dito sa Coming Home, eto ang nanay ko.

“May sinabi ang nanay ko na eksakto, nasa trailer na sinabi ko na, ‘Kahit gaano kasama ang tatay niyo, wala kayong karapatang maging masama sa tatay niyo dahil tatay niyo pa rin,' yung eksaktong sinabi sa amin ng nanay ko.

“Kitang-kita ko sa mga anak, ako rin yun, alam ko yung pain ng bawat isa. Thankful ako, kasi lahat kami magkakapatid, hinihingi lang namin yung pag-uwi ng tatay namin. Kung kailan, hindi namin alam.

“Pero kung ako ang tatanungin ninyo, kung napatawad na namin ang tatay ko, matagal na po, 1994 pa. Waiting kami na bumalik siya.”

NOEL FERRER

In the tradition of Tanging Yaman, na naging topgrosser at Best Picture noon sa Metro Manila Film Festival 2000, palagi nang may magandang family drama na pumupukaw ng puso ng mga Pinoy.

Kabilang dito ang Inay (1977), Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? (1990), Filipinas (2003), Kung Mawawala Ka Pa (1993), Nasaan Ang Puso (1997), pati na ang Mano Po series, pamilya talaga ang target ng pelikulang Pilipino sa Kapaskuhan.

Continue reading below ↓

Susunod kaya sa kalidad ng mga pelikulang ito ang Coming Home? Harinawa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga ama nina Sylvia Sanchez (kaliwa) at Shaira Diaz (kanan) ay parehong seaman at pareho ring iniwan ang kani-kanilang pamilya. Kaya nakaka-relate daw ang dalawang aktres sa kuwento ng kanilang pelikulang Coming Home, na tungkol sa isang OFW na sumama sa ibang babae pero bumalik sa kanyang pamilya nang magkasakit ito.
PHOTO/S: Sylvia Sanchez Instagram / Shaira Diaz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results