Online shows na may bayad, kinakagat ba ng Pinoy audience?

by PEP Troika
Dec 15, 2020
Sold out ang online concert ni Alden Richards (kaliwa) na Alden's Reality; lumikha naman ng ingay ang maseselang eksena nina Enzo Pineda at Elijah Canlas (kanan) sa 4th PPP entry na He Is Without Sin.

JERRY OLEA

Rumaratsada na ba ang online shows na may bayad?

Ayon kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño-Seguerra, umabot na sa 10,221 ang subscribers ng FDCP Channel.

Sa nasabing website ipinalabas ang 170 films (short at full feature) ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13. Sa Pilipinas lamang ipinalabas ang mga pelikula dahil may international copyrights ang ibang entries.

Nakakuha ng Audience Choice Award ang He Who Is Without Sin, kung saan may pa-Bolivia si Enzo Pineda sa CR scene nila ni Elijah Canlas.

Kalat na kalat sa socmed ang 28-second video clip kung saan sinabihan ni Enzo si Elijah, “Sabi ko, makapal ba yung b*lbol mo? Tingnan mo yung sa akin... ang kapal!”


Continue reading below ↓

P599 ang premium pass para mapanood ang lahat ng entries ng PPP4: Sama All. Merong promo bundles, at discounts para sa students and senior citizens.

Sold-out ang 10th anniversary celebration ni Alden Richards via Alden's Reality: The Virtual Reality Concert (AR). Napanood ito sa tatlong timeslots noong December 8 at 9.

Top trending topic ang hashtag na #AldensReality sa Twitter Philippines. Take note na mahal ang tiket sa nasabing virtual concert na napanood worldwide—P999 (general admission) at P1,200 (VIP).


Continue reading below ↓

Apat na pelikula na ng ABS-CBN ang inihatid ng CineXpress powered by SKY Pay Per View (PPV):

Oktubre 30-Nobyembre 12, U-Turn nina Kim Chiu, Tony Labrusca, at JM de Guzman.

Nobyembre 13-26, My Lockdown Romance nina Jameson Blake at Joao Constancia.

Nobyembre 27-Disyembre 10, Boyette: Not A Girl Yet nina Zaijian Jaranilla at Iñigo Pascual.

Disyembre 11-31, Four Sisters Before the Wedding nina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Gillian Vicencio, at Belle Mariano.


Continue reading below ↓

High definition at commercial-free ang movie na mapapanood sa halagang P150, with 48-hour access upon purchase.

Subscribers with SKYcable, SKY Fiber with HD Cable TV, and SKY Fiber with All-In Box subscription can avail of this pay-per-view offer.

Ipinalabas din ang ang mga pelikula ng ABS-CBN sa KTX—na naghandog ng New Normal (Jed Madela); Tayo Hanggang Dulo (JaMill)' 20k20 (K Brosas); Hello Stranger: Finale Fancon; Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience; The House Arrest Of Us; prelims at coronation night ng Miss Earth 2020; ang mga pagtatanghal ng PETA na Care Divas, 1896, Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto, at iba pa.

P499 iyong online concert ni Daniel na Apollo noong Oktubre 11. P499 din ang tiket sa 13-episode digi-movie ng KathNiel na The House Arrest of Us, na nagsimulang mag-streaming noong Oktubre 24. May 5% discount para sa mga early bird sa pagbili ng tiket.

Continue reading below ↓

Parehong P750 ang tiket sa KTX streaming ng Aegis na Aegis: A Story of Us (Disyembre 4-6) at Ogie and the Hurados (Disyembre 11-13).

GORGY RULA

Nairaraos naman kahit paano, at hindi mo akalaing na-sold out ang virtual concert ni Alden.

Parang nabitin pa ang fans, at sinasabi ng iba na sana ay may partisipasyon si Maine Mendoza.

Ang susunod na aabangan natin ngayon ay ang sa MMFF 2020 na mapapanood sa upstream.ph.

Sana, ma-handle nila ito nang maayos lalo na kung dumadami ang bumibili ng tickets. Dinig ko kasi, namamakyaw na raw ang ilang producers. May gimmick pa ang iba gaya ng may extra gift sa ilang tickets na nabibili.

Abangan na lang natin kung ano pa ang mga gagawin ng Upstream para mapadali at mas maraming magpapa-book sa sampung pelikulang kalahok sa MMFF 2020!

NOEL FERRER

Excited din ako sa market ng reliable performers na sina Mitch Valdes at Mel Villena sa kanilang December 26 and 27 offering ng Mitch & Mel Online.

Continue reading below ↓

Three episodes ito for the price of one (meaning, P600 only) for the Holiday Special of their successful series na may live meet-and-greet pa!

All they have to do is to access Ticket2Me and reserve tickets now.


Ganitong online platform din ang Upstream na magse-service ng taunang Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Sampung malalaking pelikula na nasa tradisyon na ng pinaka-established at popular filmfest ng bansa, kaya sana kayanin ng lahat ang bagong mode of distribution at consumption ng mga tao.

Nagsimula na ang advance selling ng MMFF tickets sa Pilipinas, at sa foreign audience naman ay magsisimula sa December 18.

Sana ay tangkilikin ito ng maraming tao, at maraming pelikulang lokal ang mamayani at manatili sa playlist ng mga Pinoy!!!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sold out ang online concert ni Alden Richards (kaliwa) na Alden's Reality; lumikha naman ng ingay ang maseselang eksena nina Enzo Pineda at Elijah Canlas (kanan) sa 4th PPP entry na He Is Without Sin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results