GMA News TV, inihahanda na ang mga pasiklab at payanig sa 2021

by PEP Troika
Dec 16, 2020
(Clockwise) Julie Anne San Jose will play an online romance novelist in Heartful Cafe; Kelvin Miranda and Mikee Quintos will spice up The Lost Recipe; Kapuso young stars Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, JD Domagoso, and Althea Ablan will bring their energy to FLEX.
PHOTO/S: Courtesy of GMA News TV

JERRY OLEA

Pine-flex na ng GMA News TV ang mga pasiklab at payanig nila sa 2021.

Lit ang weekend comedy-gag-variety show na FLEX, kung saan bida ang Kapuso teen stars na sina Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, JD Domagoso, at Althea Ablan.


(L-R) Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, JD Domagoso, and Althea Ablan

Continue reading below ↓

Iso-showcase ng Gen Z artists every week ang kanilang musical performances, gags, sketches, at talent competitions.

Makikipagkabugan ba ang Flex Squad sa Gold Squad nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Garcia, at Kyle Echarri?!

Magpapakilig sina Julie Anne San Jose at David Licauco sa series na Heartful Café. Gaganap ang Asia’s Pop Diva bilang online romance novelist na si Heart Fulgencio.


Continue reading below ↓

Julie Anne San Jose

Nasa cast din nito sina Zonia Mejia at Jamir Zabarte.

Sari-saring love story ang mapapanood sa Heartful Cafe, ganoon din sa fantasy rom-com series na My Fantastic Pag-ibig (MFP). Makaka-relate ang mga marupok!

Matutunghayan sa MFP ang promising love teams ng GMA-7. May fantastic episode dito ang bagong Kapuso actor na si Royce Cabrera.

Nandiyan din ang fantasy-romance series nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos na The Lost Recipe.


Continue reading below ↓

Mikee Quintos and Kelvin Miranda

Nakipag-partner ang upcoming primetime series ng GMA News TV sa Department of Tourism, Culture and Arts Manila (DTCAM), Intramuros Administration, at Manila City Personnel Office para ma-showcase ng The Lost Recipe ang iba't ibang lugar at attractions sa Maynila tulad ng Kartilya ng Katipunan, Jones Bridge, Intramuros, at Gota de Leche.

GORGY RULA

Pinapalakas lalo ang GMA News TV dahil tinambakan daw ng napakaraming commercial load ang GMA-7. Kaya ang iba ay ilalagay na sa mga programa ng GNTV.

Ang maganda lang diyan, nabibigyan ng pagkakataon ang iba pang Kapuso stars na dati ay suporta lang sa ibang big stars ng GMA-7.

Kaya more and more stars pa ba ang pipirma sa Kapuso network?

Isang Kapamilya actor na nakausap ko kamakailan, parang type niyang maging Kapuso. Tinanong ako kung pwede raw ba siya.

Umalis na pala siya sa dating nagha-handle sa kanya at nasa ibang talent management group na siya. Parang type daw niyang subukang mangibang-bakod.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Good effort iyan on the part of GMA News TV to create good and pioneering content—na sana, tangkilikin ng ating manonood! Good luck and all the best!

But what’s this we heard na isang major personality ang nakatakda nang mag-resign sa isang paborito nating programa sa GMA News TV, at hanggang sa katapusan na lang siya ng taon?

Mami-miss natin siya. Pero naiintindihan din natin kung kailangan niyang pagtuunan ang kanyang personal na buhay dahil sa panahon ng pandemya, natutunan nating i-simplify ang life. Bawas-stress, kumbaga!

Basta, una ninyo itong nabalitaan sa PEP Troika at hihintayin natin ang official announcement soon!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Julie Anne San Jose will play an online romance novelist in Heartful Cafe; Kelvin Miranda and Mikee Quintos will spice up The Lost Recipe; Kapuso young stars Mavy Legaspi, Lexi Gonzales, JD Domagoso, and Althea Ablan will bring their energy to FLEX.
PHOTO/S: Courtesy of GMA News TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results