Watch Now

Julia Clarete, tinanggal sa TV5 series dahil sa talent fee issue?

by PEP Troika
Dec 17, 2020
Direk Perci Intalan (not in photo), may paliwanag tungkol sa talent fee ni Julia Clarete sa Paano Ang Pasko? May mga eksena pa raw ang aktres hanggang sa Book 2 ng serye sa TV5.
PHOTO/S: Paano Ang Pasko? MV

GORGY RULA

Hindi diretsahang sinagot ni Direk Perci Intalan ang isyung nagpapadagdag ng talent fee si Julia Clarete sa Christmaserye nilang Paano ang Pasko? kaya tinanggal na ang aktres sa cast.

Paglilinaw ni Direk Perci, isa sa mga direktor at producer nitong Christmaserye sa TV5, “May usapan kasi kami for book one.

“Yung napag-usapan kasi naming TF, pakete yun ng book one. So, natural iyan na iba na ang pag-uusapan namin sa book two.

"Pero hindi naman yun major negotiation, may additional days, e."

Kumpirmadong may book two na ang Paano ang Pasko? na magsisimula next year. Kaya papalitan daw nila ang title dahil tapos na ang Pasko.

Dagdag na kuwento ni Direk Perci sa amin, kasama pa rin sa book two si Julia, at marami pang madadagdag na characters kabilang si Bing Loyzaga.

Hindi raw pinalitan ni Bing si Julia.

“Ang usapan namin, tapusin ang book one ng Paano ang Pasko… e, nag-extend kami. Ginawa namin yung book two.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinapos namin yung sequences niya [Julia]. Siyempre, yung additional days, di ba, kailangan naming bayaran.

“Kasi, aalis siya, e. So, kaya na-prioritize namin yung mga eksena niya.

“Inubos namin yung sequences na kailangan siya. Marami kaming nakunan, e.

"Saka si Bing [Loyzaga], talagang papasok yung character. In fact, may mga eksena silang dalawa,” dagdag niyang pahayag.

Bukod kay Bing, madadagdag din daw sa book two sina Miles Ocampo at Karel Marquez.

Nagpapasalamat sina Direk Perci na mae-extend sila at sinikap nilang mas maganda pa ang mapapanood sa book two.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

In fairness, maganda ang feedback ng mga nakakapanood ng Christmaseryeng Paano Ang Pasko?, lalo na ang kaibigan nating si Ogie Narvaez Rodriguez.

Maayos ang pagkakalahad ng kuwento at magagaling ang nga nagsisiganap.

Kay Maricel Laxa ako namamangha. Nami-miss ko siya sa pag-arte at alam ko na kapag tinanggap niya ang isang project, buhos ang kanyang effort dito.

Aabangan ko pa rin ang Book 2 with or without Julia Clarete!

JERRY OLEA

Six weeks lang ang Christmaserye, na nag-umpisa noong Nobyembre 23, Lunes ng 9:00 p.m. sa TV5.

Sa virtual mediacon noong Nobyembre 18, nagbiro si Direk Perci na kung ma-extend ang series ay pwedeng maging Paano Ang Valentine’s Day?, Paano ang Pasko ng Pagkabuhay, and so on and so forth.

Dahil may Book 2 ang series, magiging abala pa rin si Elijah Canlas, kaya ang hirap pagtagpuin ng schedules nila ni Kokoy de Santos para sa shooting ng second season ng Pinoy BL series na Gameboys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abala rin kasi si Kokoy sa Sunday Noontime Live at Stay-In Love with Maris Racal.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Perci Intalan (not in photo), may paliwanag tungkol sa talent fee ni Julia Clarete sa Paano Ang Pasko? May mga eksena pa raw ang aktres hanggang sa Book 2 ng serye sa TV5.
PHOTO/S: Paano Ang Pasko? MV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results