Sinu-sino ang mga hurado ng MMFF 2020?

by PEP Troika
Dec 17, 2020
Alin kaya sa mga MMFF 2020 entries ang hahakot ng awards? Alin ang magiging topgrosser?

NOEL FERRER

PURELY VIRTUAL ang Parade of Stars na magaganap sa December 23, Miyerkules, sa 46th Metro Manila Film Festival.

Iniingatan kasi ang paglaganap at pagtaas ng COVID cases, kaya sa online na lang ito mapapanood at makakasalamuha ng mga artista’t filmmakers ang media at ang fans nila.

At ang isa pang tradisyon na GABI NG PARANGAL ay magiging virtual din.

Ang MMFF Execom ay pinamumunuan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chief Danilo Lim.

Exciting, kasi napagsama-sama ng MMFF Execom ang mga kilala at respetadong pangalan sa industriya para sa Jury ng taong ito.

Bringing a good track record of heading the Jury for the fourth year now is Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles with MTRCB chief Rachel Arenas as vice-chair.

Jury members include award-winning practitioners and respected names in the industry: Ormoc Mayor Richard Gomez, Carlitos Siguion-Reyna, Lualhati Bautista, Jay Durias, and CNN senior anchor Rico Hizon.

Kasama rin si Paolo Villaluna (Directors Guild of the Philippines president), Gary Devilles (Manunuri ng Pelikulang Pilipino president), Corazon Bautista-Cruz (MMDA assistant general manager), at Belinda Enriquez (MMDA consultant).

Continue reading below ↓

With their probity and integrity, we can expect a credible and prestigious roster of MMFF winners to be awarded on December 27 via the virtual Gabi Ng Parangal.

Ano ang masasabi ninyo rito, mga ka-Troika?

GORGY RULA

Hindi ko alam kung mag-i-inhibit ba bilang hurado si Direk Carlitos.

Sa pelikulang Magikland, mahaba-haba ang role ng maybahay niyang si Bibeth Orteza, at may cameo ang anak nilang si Rafa Siguion-Reyna.

Pero may panlaban naman ang pelikulang Magikland, kaya inaasahang magma-magik ito sa MMFF 2020!

Ang mga MMFF 2020 entries na maglalabanan—Magikland, Coming Home, The Missing, Tagpuan, at Isa Pang Bahaghari.

Kasali rin ang Suarez: The Healing Priest, Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim, Pakboys: Takusa, The Boys Foretold By The Stars, at Fan Girl.

JERRY OLEA

Sa pag-uumpisa ng taon, nabalitaan nating tatlong filmfest ang ihu-host ng Quezon City government—ang 1st Summer MMFF (Abril 11-21), ang 8th QCinema sa Oktubre, at ang 46th MMFF.

Continue reading below ↓

Marso 2 inihayag sa Novotel Hotel, Araneta City ang official entries ng Summer MMFF.

Sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ipinalagay niya ang logo ng QC sa logo ng MMFF.

Pinag-usapan ang Parade of Stars mula Welcome Rotunda, babagtas ng Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle.

Inusisa ko pa si Mayor Joy, hindi kaya maapektuhan ang QCinema na naka-sandwich sa Summer MMFF at December MMFF?

Magiliw na tugon ni Mayor Joy, "Hindi naman siguro. Kasi, tingin ko, iba naman ang mga markets ng mga film festival na ito.

"At tingin ko, mas mabu-boost pa nga iyong image ng aming lunsod bilang City of Stars kung marami tayong mga pelikula at film festivals na inihahandog sa taumbayan dito sa Quezon City.

"So, I’m confident na hindi maaapektuhan."

Naglaan talaga ng budget ang QC para sa dalawang MMFF film fest na iho-host nila within the year.

Malamang na mahigitan nila iyong paandar ng previous cities na nag-host ng MMFF?!

Continue reading below ↓

"Susubukan po natin. Siyempre, may kanya-kanya namang gimik ang bawa’t lungsod.

"Pero siyempre, meron tayong brand na pinapangalagaan—ito iyong City of Stars.

"At alam naman natin, lahat halos ng film studios ay nandito sa lungsod ng Quezon. Maging ang mga artista, marami ang nakatira dito.

"So, tingin ko, we have to try our best to give the people beautiful, wonderful festivals!"

Nag-umpisa ang community quarantine sa Metro Manila noong Marso 15.

Isa sa mga unang casualty ang 1st Summer MMFF. Naging virtual via Upstream ang QCinema noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 6.

Kung virtual na rin ang Parade of Stars at Gabi ng Parangal ng MMFF 2020, anu-ano ang gagawin ng QC bilang host city? Abangan!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alin kaya sa mga MMFF 2020 entries ang hahakot ng awards? Alin ang magiging topgrosser?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results