Magikland star Joshua Eugenio, mala-Daniel Padilla ang charm

by PEP Troika
Dec 18, 2020
Joshua Eugenio (extreme left) with his Magikland co-stars Princess Rabara, Elijah Alejo, and Miggs Cuaderno
PHOTO/S: Courtesy of Brightlight Productions

JERRY OLEA

Lubos ang pag-iingat ng mga dumalo sa preview ng MMFF 2020 entry na Magikland nitong Disyembre 17, Huwebes, sa Cinema ‘76 na kalapit ng LRT station na Santolan sa Aurora Blvd., Quezon City.

Siyempre pa, SOP sa attendees ang thermal scanning, face mask, at face shield. May disinfectant mist sa venue!


Continue reading below ↓

Iyong 60-seater na Cinema 1 ay nagsilbing function room para sa intimate interview. Iyong iba, sa hallway nag-interbyuhan para well-ventilated.

Dalawa ang screening sa 120-seater Cinema 2—3:00 p.m. at 7:00 p.m.

Fifty percent ang allowed sa kuwarto, i. e. 60 katao.

Sa 3:00 pm screening, more or less ay dalawampu (20) ang nanood. Sa 7:00 pm screening, wala pa yatang sampu.


Continue reading below ↓

Pambata ang Magikland, at matutuwa rito ang mahihilig sa mobile games. Kamangha-mangha ang special effects, at tumatak sa akin ang eksena sa ilog ng Minalungao National Park.

Simple lang ang kuwento ng Magikland. Madaling sundan.

Sa apat na bida, pinakakumurot sa puso ko ang Flower Ranger na si Pat (Joshua Eugenio) na batang kalye, walang kapamilya, at sanay na nabu-bully.


Continue reading below ↓

Bumagbag din sa aking damdamin ang tribute sa namayapang Direk Peque Gallaga (isa sa apat na executive producers ng Magikland) pagkatapos ng closing credits.

Kabilang sa nag-cameo sa Magikland sina Adrian Alandy, Jackie Lou Blanco, Paolo Contis, Wilma Doesnt, Mylene Dizon, Gabby Eigenmann, Ryan Eigenmann, Audie Gemora, Cherie Gil, Agot Isidro, Katrina Halili, Jaclyn Jose, Chanel Latorre, Maricel Laxa, Lotlot de Leon, Valeen Montenegro, Rowell Santiago, Rafa Siguion-Reyna, at Noel Trinidad.

Kasama rin sa cast sina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Princess Rabara, Jun Urbano at Bibeth Orteza.

Ang Magikland ay idinirek ni Christian Acuña, at prinodyus ng Brightlight Productions & Gallaga Reyes.

NOEL FERRER

Talagang meant to be ang pelikulang Magikland para sa Metro Manila Film Festival.

Kahapon, nakatanggap ako ng tawag mula kay Direk Carlitos Siguion-Reyna na nag-iisip mag-pull out bilang jury sa taunang festival. Iniisip niyang baka makulayan ng mga tao sa pag-iisip na nasa Magikland ang asawa niyang si Bibeth Orteza, at nag-cameo ang anak na si Rafa.

Continue reading below ↓

Not that Bibeth is vying for any award, pero nakakatuwa lang dahil umiiral pa rin sa premyadong direktor ang delicadeza kahit buo ang tiwala ng pamunuan ng MMFF sa kanyang integridad bilang artist.

Mamaya, mag-uusap muli kami ni Direk Carlitos at ng MMFF Execom representatives and we shall be updating you.

GORGY RULA

Sayang kung sa online lang mapapanood ang Magikland. Mas maa-appreciate ito ng mga manonood sa wide screen.

Pam-Pasko talaga ang pelikula at pambata. Kagila-gilalas ang special effects ng pelikula... hindi tinipid!

Kaya wish pa rin ni dating Congressman Albee Benitez ng Brightlight Productions na mapanood ito sa mga sinehan.

Ang isa pang nakakatuwa, magagaling ang talents ng namayapang Direk Peque Gallaga.

Kabilang si Jamie Zabarte na gumanap na kontrabidang si Mogrodo-or, lalo na ang isa sa mga batang bida na si Joshua Eugenio, na gumanap na Pat Patag.

Taga-Tondo si Joshua na na-discover ni Direk Peque. Sana, mabigyan siya ng chance dahil magaling siyang umarte at nakikita sa kanya ang charm na mala-Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

Itong Magikland ang isa sa inirerekomenda naming panoorin sa Upstream.ph.

Maganda rin itog pagkakataong ma-promote ang theme park na Magikland sa Silay City, Negros Occidental. Sana, maging normal na ang lahat para mabuksan na ito at ma-enjoy ng mga Ilonggo at nasa Kabisayaan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Eugenio (extreme left) with his Magikland co-stars Princess Rabara, Elijah Alejo, and Miggs Cuaderno
PHOTO/S: Courtesy of Brightlight Productions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results