Newbie Keann Johnson, heterosexual pero posibleng ma-in love sa kapwa lalake

by PEP Troika
Dec 18, 2020
The Boy Foretold by the Stars lead actor Keann Johnson on having male admirers: “For people who confess to me… it depends din talaga who I see. It’s not because they approached me na I’ll just say yes then. Of course, I want to see if they’re my type as well."
PHOTO/S: @thekeanneffect Instagram

GORGY RULA

Walang pretensiyon.

Naging totoo ang baguhang aktor na si Keann Johnson sa sinabi niyang posible siyang ma-in love sa kapwa lalake.

Sa nakaraang virtual mediacon ng MMFF 2020 entry na The Boy Foretold by the Stars, diretsong tinanong ko si Keann kung ano ang sexual orientation niya.

“In all honesty, I am heterosexual,” pakli ni Keann.

“But I always say I’m open to the fact that, for example, that I eventually do find someone… the guy that attractive… I won’t, because of the fact na maybe I could be homosexual...

“Ayun po. That’s my standpoint as of now,” dagdag niyang pahayag.

Nakakaintriga ang sagot ni Keann, kaya sinundan ko ng tanong kung posibleng ma-fall o ma-in love siya sa kapwa lalaki.

“Yes po, there is,” diretso niyang sagot sa akin.

Inamin ni Keann na may mga nanliligaw sa kanya, pero mas naka-focus daw siya sa kanyang sinimulang showbiz career.

Continue reading below ↓

“For people who confess to me… it depends din talaga who I see.

"It’s not because they approached me na I’ll just say yes then. Of course, I want to see if they’re my type as well.

"If they have the same personality that I have, and I’m interested in them in other ways. Kasi siyempre, kasi kung hindi ko gusto yung tao, bakit ko pipilitin, di ba?

"Pero, you know, I appreciated the fact that they see something in me that they want to make me part of their life,” pahayag ni Keann.

Ipinakikilala si Keann sa The Boy Foretold by the Stars na idinirek ni Dolly Dulu. Isa sa mga producers ng pelikula ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Okay lang daw kay Keann na sa isang BL movie siya i-introduce, at mayroon din siyang BL series.

Sa totoo lang, mukhang isa ang The Boy Foretold by the Stars sa magiging surprise hit sa MMFF 2020 bilang usung-uso ang mga BL series sa online.

Continue reading below ↓


NOEL FERRER

Pwede! May chance.

Hintayin natin ang susunod na magaganap kay Keann Johnson na, in fairness, maayos magsalita at mag-project ng sarili!!!

JERRY OLEA

Nag-back out man si Vice Ganda (Praybeyt Benjamin 3) sa MMFF 2020, andiyan naman si Adrian Lindayag na katambal ni Keann sa The Boy Foretold by the Stars.

Continue reading below ↓

Out and proud si Adrian, na ang galing-galing bilang isa sa tatlong anak ni Ian Veneracion sa Oh, My Dad! ng TV5.

Kapwa baguhan sina Adrian at Keann, kaya kailangang magpakasipag ang publicists ng The Boy Foretold By The Stars upang hikayatin ang fans magbayad ng P250 para panoorin ang pelikula.

Meron bang tell-tale signs sa sandamakmak na Pinoy BL series at Pinoy movies na libreng mapapanood sa iba’t ibang channel sa YouTube?

O, William Tell! Only time will tell kung mas klik ang nasabing movie sa ibang platform, halimbawa’y sa Netflix, o iWant TFC.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Boy Foretold by the Stars lead actor Keann Johnson on having male admirers: “For people who confess to me… it depends din talaga who I see. It’s not because they approached me na I’ll just say yes then. Of course, I want to see if they’re my type as well."
PHOTO/S: @thekeanneffect Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results