Mindanao, big winner sa 38th FAP Luna Awards; Judy Ann Santos ang best actress

by PEP Troika
Dec 19, 2020
Si Judy Ann Santos ang itinanghal na best actress sa 38th FAP Luna Awars para sa portrayal nito sa pelikulang Mindanao.
PHOTO/S: Screen Grab from Mindanao

JERRY OLEA

Inihayag ng Film Academy of the Philippines (FAP) noong Nobyembre 24, 2020, a ang Mindanao ang aspiring entry ng Pilipinas sa kategoryang International Feature Film ng 93rd Academy Awards o Oscars.

Kaya nang i-announce ang nominees ng 38th FAP Luna Awards noong Disyembre 10, Huwebes ng gabi sa Facebook page at YouTube channel ng FAP, naitanong natin: Llamado ba ang Mindanao sa Luna?

Sa 38th FAP Luna awards nitong Disyembre 18, Biyernes ng gabi, sa UNTV, wagi ang Mindanao sa mga kategoryang best picture, best director (Brillante Mendoza), best actress (Judy Ann Santos), best screenplay (Honeylyn Joy Alipio), best musical score (Teresa Barrozo), at best cinematography (Odyssey Flores).

Ang Mindanao ay humakot din ng awards sa Metro Manila Film Festival 2019.

Ang best actor ng 38th Luna ay si Jansen Magpusao para sa John Denver Trending. Unang napanalunan ito ni Jansen sa 2019 Cinemalaya Film Festival.

Hindi um-attend si Ella Cruz sa awards night ng Cinemalaya 2019 kung saan tinanghal siyang best supporting actress para sa Edward.

Continue reading below ↓

Dumalo si Ella sa Luna, pero ang nanalo...si Meryll Soriano na gumanap bilang ina ni Jansen sa John Denver Trending.

Ang best supporting actor ng Cinemalaya 2019 ay si Ricky Davao para sa Fuccbois. Sa Luna, hindi nominado si Ricky.

Ang best supporting actor ng Luna ay si Soliman Cruz para sa Cinemalaya 2019 film na Iska. Best sound design ang Cleaners (Nicole Amores & RJ Cantos). Best production design ang Edward (Alvin Francisco). Best editing ang Hello, Love, Goodbye (Marya Ignacio).

NOEL FERRER

Bawat award-giving body, kanya-kanyang taste.

Di ba’t dito rin sa PEP Troika, nasabi natin na ang Mindanao ang mag-uuwi ng maraming awards dahil this is the same body na nag-decide na gawing Oscar entry natin ang naturang pelikula?

Basta, masaya ako sa pagkapanalo ni Judy Ann Santos.

Ang malaking tanong pa rin ay ang pagkakasali ng pelikulang Kontradiksyon as nominee para sa one of the year’s best.

Continue reading below ↓

Ang sabi tuloy ng iba, Luna may very well be the DDS choice awards. Agree ba kayo o disagree?

Abangan natin ang FAMAS bukas, Linggo, and I’m sure, ibang-iba ang choices nito. This way, ang hirap nang maka-grand slam sa mga awards unlike before, ‘no?

GORGY RULA

Maganda rin sa isang award-giving body na ipinapaliwanag kung bakit ito ang napili nilang winner.

Nakikita ko lang ito sa mga Manunuri tuwing namamahagi sila ng Gawad Urian. Siguro, kaya ng academy na ipaliwanag kung bakit ito ang napili nilang winners.

Deserved naman ng pelikulang Mindanao ang mga parangal na nakuha nila. Masaya kaming lahat para kay Judy Ann Santos. Ang dami lang umaarko ang kilay sa pagpasok sa mga nominado ang Kontradiksyon na dinirek ni NJel De Mesa, ang direktor ng Luna Awards.

Base sa presentation at pagkakadirek sa katatapos na awarding, lalong nakukuwestiyon ang pagpasok sa Best Picture nominees ng pelikulang iyon.

Continue reading below ↓

Ito pa naman ang unang pa-awards night ng FAP sa ilalim ng bagong director-general na si Vivian Velez.

Pero tapos na nga, at tanggapin na natin ang mga napili nilang winners. Ang susunod sanang maririnig namin sa FAP, kung ano ang mga naitulong nila sa mga nagtatrabaho sa pelikula na nahawa ng COVID-19 sa oras ng trabaho.

Ano ang nagawa nila sa ilan pang nagtatrabaho sa industriya na hindi na makaimik sa tuluy-tuloy na trabaho at hindi pa rin nasusunod ang tamang working hours?

Sana, maramdaman natin kung meron na ba silang naibigay na tulong sa mga nawalan ng trabaho nitong panahon ng pandemya, lalo na ang mga trabahador sa likod ng kamera.

Magkakaroon kaya ng pagkakasundo at pagsasanib ng FAP sa FDCP (Film Development Council of the Philippines), at sa bagong tatag na AKTOR (League of Filipino Actors)?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Judy Ann Santos ang itinanghal na best actress sa 38th FAP Luna Awars para sa portrayal nito sa pelikulang Mindanao.
PHOTO/S: Screen Grab from Mindanao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results