Jinggoy Estrada on leading lady Sylvia Sanchez: "Napakagaling...pero napakalukaret"

by PEP Troika
Dec 19, 2020
Puring-puri ni Jinggoy Estrada si Sylvia Sanchez, ang leading lady niya sa Coming Home, ang comeback film niya after seven years na magpahinga siya sa paggawa ng movies.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Maganda ang chemistry nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez sa Metro Manila Film Festival 2020 official entry na Coming Home.

"Si Sylvia, matagal ko nang kilala iyon. Si Sylvia, napakagaling na artista pero napakalukaret,” napangiting sambit ni Jinggoy matapos ang press preview ng pelikula nitong Disyembre 18, 2020, Biyernes, sa Cinema ‘76, Luna Mencias St., Brgy. Addition Hills, San Juan, Metro Manila.

Pagpapatuloy ng actor-politician, “Sa lahat ng mga naging leading ladies ko, iyon ang pinaka... pinakaloko-loko! Hahahaha!

“Kami, we never had a dull moment sa set, e. Si Sylvia, wala kaming ginawa doon kundi magtawanan, magkuwentuhan, et cetera, et cetera.

“There were moments na pagdating sa eksena, iyon talagang heavy drama, 'tapos... bigla akong magpapatawa. Hahahaha!

"Minsan, gumaganti siya sa akin. Kapag ako naman iyong may eksena na heavy drama, bigla siyang magpapatawa.”

Puring-puri ni Jinggoy ang leading lady niya sa comeback film after seven years na magpahinga siya sa paggawa ng movies.

Continue reading below ↓

“Magaling na artista!” bulalas ni Jinggoy.

“No doubt about it. No questions, no questions about her acting ability. I hope she becomes best actress.”

E, siya, umaasam ba na maging best actor sa MMFF 2020?

“Bahala na. Ako, hindi ko naman iniisip. Bonus na lang iyon kung saka-sakali,” saad ni Jinggoy.

“Basta ako, sana... ma-acknowledge iyong ganda ng pelikula. Kahit first, second, third best picture. Masaya na kami roon.”

NOEL FERRER

Kakaibang family drama ito na maaaring maka-identify ang mga kababayan nating OFW.

Oo nga pala, puwede nang bumili at magpa-reserve ng advance tickets para sa mga MMFF entries via Upstream and GMovies kahit ang mga nasa abroad.

Sana nga, masuportahan ng OFWs ang Coming Home at iba pang entries ng MMFF 2020.

GORGY RULA

Malaking bagay iyong may magandang samahan sa set ng isang pelikulang sinu-shoot. Iyong walang nag-a-attitude na artista at nagkakasundo lahat. Magaan ang trabaho.

Iyan nga ang magandang samahan sa Coming Home, na ang laging biro ni Jinggoy kay Sylvia, isang lechon lang daw ang katapat.

Continue reading below ↓

Mabuti at binawasan ni Direk Adolf Alix Jr. ng ilang eksena ang pelikula dahil medyo napahaba na ito.

Nabanggit din sa amin ni Ara Arida kahapon na open na ang reservation ng tickets sa ibang bansa.

Inaasahan nilang susuportahan ito ng mga kababayan nating OFW na nagtatrabaho sa iba’t ibang sulok ng mundo.

JERRY OLEA

Gumanap bilang mga anak nina Jinggoy at Sylvia sa Coming Home sina Jake Ejercito, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, Martin del Rosario, Shaira Diaz, at Julian Estrada.

Coming Home cast

Continue reading below ↓

Si Ara Arida ay gumanap bilang mistress ni Jinggoy.

“Ara is okay for a beginner. Kasi, I think, this is her first full-length movie,” tugon ng actor-politician.

“And she’s ok. Ako, matagal na rin ako sa industriya, siguro, more than thirty years na. Pero I find her very good.”

Kumustang katrabaho ang anak na si Julian (in photo) at half-brother na si Jake Ejercito?

Jinggoy Estrada, Julian Estrada

Continue reading below ↓

Napangiti si Jinggoy, “Sina Julian at Jake, meron silang mga... kumbaga, what can I call this... ‘opening day jitters.’

“Siyempre, mga bago. Pero na-o-overcome naman nila. Sabi ko, 'You just have self-confidence in yourself.'

"Sabi ko, ‘Kayong dalawa, ang guguwapo ninyo. Wala kayong dapat ikaba. Kung ganyan lang ang mukha ko noong teenager ako, diyos ko!’

"E, panay na ang kumpiyansa sa katawan ko! Hahahahaha.”

Kumusta siya these past months during pandemic?

“Tumaba,” mabilis na sagot ni Jinggoy.

Ano ang pinagkaabalahan niya?

“Every night akong nagla-live sa aking Facebook page. Tumutulong sa tao. Nagpapalaro ako ng games para lang mapasaya ang ating mga kababayan.

“Every 8:00 o’clock, every night, except Sundays.”

Nae-enjoy niya?

“Oo. Unang-una, marami akong viewers. Pangalawa, nag-e-enjoy akong tumulong. Pangatlo, masaya iyong games namin.”

Ang Coming Home ay mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa. Nasa cast din ng movie sina Geneva Cruz, Luis Hontiveros, Samantha Lopez, Almira Muhlach, Alvin Anson, at Smokey Manaloto.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Puring-puri ni Jinggoy Estrada si Sylvia Sanchez, ang leading lady niya sa Coming Home, ang comeback film niya after seven years na magpahinga siya sa paggawa ng movies.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results