Rey PJ Abellana pabor sa live-in set-up nina Carla Abellana, Tom Rodriguez

by PEP Troika
Dec 20, 2020
Agree si Rey Pj Abellana (L) sa idea ng live-in o "trial period" bago magpakasal. Batid niyang nagsasama na ang anak na si Carla Abellana at ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez
PHOTO/S: Gorgy Rula (main), @akosimangtomas on Instagram (inset)

GORGY RULA

Hindi inililihim ng magkasintahang Tom Rodriguez, 33, at Carla Abellana, 34, na nagli-live in na sila.

Nitong pandemya, nakikita sa mga post at vlog nilang magkasama sila, at sinasabi rin ni Tom sa ilang interviews.

Nakarating ito sa ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, at umaayon raw siya sa ganitong set-up.

"I agree with living together before marriage. I agree with that, kasi, diyan nate-testing… diyan iyong parang trial period or stage ng isang relasyon kung they are really meant for each other, you know,” pakli ni PJ Abellana nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, December 19, 2020, sa presscon ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

"Iba iyong makakasama mo sa bahay, e. Iba iyong ma-encounter mo diyan, ma-realize mo, makikita mo, at lalabas lahat iyong totoong kulay kung nakasama mo sa bahay.

"Pero iyong girlfriend-boyfriend lang na you live separately, kulang na kulang iyan of knowledge and all of that, affection and all of that, na preparation for marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, agree ako diyan, iyong living together first before getting married,” sabi pa ni PJ.

Matagal na raw silang walang communication ni Carla pero updated daw siya tungkol sa kanyang anak.

"Unfortunately, medyo kulang na kulang kami sa communication ng aking anak na si Carla. For sometime I would hear, I would see sa internet o sa YouTube na may sakit siya and all of that, you know.

"I’ve been trying to get in touch with her, but hindi pa namin napapag-usapan talaga.

"But I heard, she’s back working again. She’s back taping. So I supposed na kung nagti-taping na siya uli, I would say siguro na okay naman siguro ang health niya ngayon,” saad ng aktor.

Hinihintay na lang daw niya na kausapin siya nina Tom at Carla kung kailan na sila magpapakasal.

"Sa edad na lang, e… they are at the very proper age already. They’re not getting younger anymore, and married life is medyo may timing talaga iyan sa edad ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, the older you settle down, the more risk na makakapag-baby pa kayo, something like that, may mga difficulties na iyan,” sabi pa ng 1980s matinee idol.

Pumirma si PJ ng kontrata sa Borracho Films bilang bahagi siya sa pelikulang Mamasapano sa direksyon ni Lawrence Fajardo. Kasama niyang pumirma ang kapatid niyang si Jojo Abellana, L. A. Santos, at Gerald Santos.

Rey PJ Abellana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Desisyon naman iyan ng dalawang taong nagmamahalan.

In the end, compatibility matters.

“Live in” may be a gauge or preview of how it is when you get married, pero ang tanong ko—does it somehow delay or diminish the excitement of tying the knot and going through that sacrament?

Totoo pa rin ba na ang lugi rito ay ang babae?

JERRY OLEA

Ang ex ni Carla na si Geoff Eigenmann, tatlo na ang mga anak sa partner si Maya Flores.

Nagpa-ligate na si Maya para hindi na madagdagan ang kanilang mga supling.

Sa panahon ngayon, mas mahirap mag-alaga at magpalaki ng mga anak. Inamin iyan ni Geoff nang makausap natin sa mediacon ng drama series niya sa Net 25 na Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Ngayong may pandemya, kumonti ang nagpapakasal, pero pakiwari ko’y dumami ang nabubuntis—kasal man o hindi.

Iyong iba nga na nakatakda o nagpaplano nang pakasal, ipinagpaliban muna ang pag-iisang dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag nating husgahan ang mga magka-live in habang laganap ang COVID-19.

Game changer ang coronavirus sa mga aspeto ng ating buhay, at tila binago rin nito ang mga pamantayan ng moralidad at pagpapahalaga.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agree si Rey Pj Abellana (L) sa idea ng live-in o "trial period" bago magpakasal. Batid niyang nagsasama na ang anak na si Carla Abellana at ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez
PHOTO/S: Gorgy Rula (main), @akosimangtomas on Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results