Claudine Barretto on Raymart Santiago: "He stopped giving support for 2 years."

by PEP Troika
Dec 20, 2020
May kinalaman sa child support ang reklamong isinampa ni Claudine Barretto laban sa estranged husband na si Raymart Santiago.
PHOTO/S: @claubarretto / @raymartsantiago Instagram

GORGY RULA

Hindi natuloy ang pagkikita nina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa hearing nila sa Prosecutor’s office ng Marikina.

Ang mga reklamong isinampa ni Claudine laban sa estranged husband ay may kinalaman sa Anti-Violence Against Women and Children at economic abuse.

Dapat ay December 10, 2020 ang hearing, pero hindi raw ito natuloy at inilipat ng December 15.

Pero sabi ni Claudine, hindi siya natuloy dahil inatake na naman raw siya ng sakit niyang urticaria at nagka-rashes daw siya sa buong katawan.

Dumating daw si Raymart at sinumpaan ang isinumiteng counter-affidavit.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine via Zoom sa presscon ng pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told na prinodyus ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.

Nag-guest si Claudine sa pelikulang iyon, at isang araw lang daw siyang nag-shoot doon.

Suporta lang daw ito sa BFF niyang si Atty. Topacio.

Dapat ay dadalo siya roon sa presscon na ginanap sa Emar Suites sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, noong Sabado, December 19, pero may matagal na raw siyang commitment sa Tagaytay kaya nag-join ito via zoom.

Continue reading below ↓

Doon ipinaliwanag ni Claudine yung reklamo niya kay Raymart na may kinalaman sa sustento.

"Gusto ko lang iklaro, kasi, he stopped giving support for two years," panimula ng aktres.

At base sa computation niya, inabot raw ng milyon ang kulang sa sustento ni Raymart.

Pagpapatuloy niya, "So it’s how much na yun? PHP2.6 million, parang ganyan, for the kids."

Iyon daw ang nakasaad sa korte na dapat sundin ni Raymart.

“Hindi ho ako ang nagsabi na magbigay siya ng PHP100,000 kundi po iyong judge namin.

“Kasi, tinitingnan nila iyong background ng mga bata, di ba? He’s supposed to give PHP100,000 a month which is you know very ano naman… tama lang. Kasi, magkano ba siya, eight per taping? Eighty thousand?

"So ano ba iyong mabigay mo iyong dalawang taping mo sa dalawang mga anak mo."

Kasama sa cast ng FPJ's Ang Probinsyano si Raymart, at base ulit sa explanation ni Claudine, nasa "forty thousand" ang binibigay ng aktor buwan-buwan, kasama rito ang "two thousand" na allowance para sa mga bata.

Continue reading below ↓

Ang paliwanag niya, “So okay kami ni Raymart… but I keep on telling him, ‘Mart, can we talk already about this? Kasi, I’m gonna have to file a lawsuit against you again.'

"'Tapos, binibigay niya sa mga bata, tig-two thousand a week… so for their allowance.

"So iyon lumalabas forty thousand ano. Ang layo dun sa one hundred thousand na [usapan]… hindi siya sumusunod.

"Kaya nga siya na-warrant of arrest dati. Hindi siya kasi sumusunod. Hindi niya nirerespeto iyong judge,” sabi pa ni Claudine.

Kung PHP100,000 ang amount na dapat ibigay ni Raymart, at PHP40,000 ang amount na naibibigay niya, lumalabas na nasa PHP1,440,000 ang kulang niya sa loob ng dalawang taon.

Sabi ni Atty. Topacio na legal counsel na rin ni Claudine, hindi lang daw niya matandaan ang eksaktong date, pero magkakaroon raw sila uli ng hearing sa prosecution sa susunod na buwan.

JERRY OLEA

Mahirap dalirutin ang ganitong usapin na nasa korte na. Dalangin natin na maayos ang gusot sa pagitan nina Raymart at Claudine.

Continue reading below ↓

Pitong taon na silang hiwalay matapos ang siyam na taong pagsasama, kung isasama sa bilang ng taon ang kasal nila sa huwes noong 2004. Naghiwalay sila noong 2013.

May dalawa silang anak—Sabina, 16; Santino, 13.

NOEL FERRER

Ang pangit pag-usapan ang pera sa publiko lalo pa’t kaakibat ng ginagawang project. Sa tingin ba natin ay maaayos ito sa pagsasa-media ng concerns or tamang nasa korte na lang ang usapan?

Ed's Note: Bukas ang PEP.ph sa panig ni Raymart.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May kinalaman sa child support ang reklamong isinampa ni Claudine Barretto laban sa estranged husband na si Raymart Santiago.
PHOTO/S: @claubarretto / @raymartsantiago Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results