Janine Gutierrez, Babae at Baril biggest winners at FAMAS Awards

by PEP Troika
Dec 20, 2020
Ngayong gabi, December 20, 2020, naganap ang FAMAS Awards, at itinanghal bilang best actress si Janine Gutierrez para sa kanyang pagganap sa Babae at Baril.
PHOTO/S: Screen Grab from Babae at Baril

JERRY OLEA

Tabla sina Elijah Canlas (Kalel 15) at Kristoffer King+ (Verdict) bilang best actor sa 68th FAMAS Awards nitong Disyembre 20, Linggo ng gabi, na ipinalabas sa iflix at WeTV.

Best actress si Janine Gutierrez (Babae at Baril), best supporting actress si Dolly de Leon (Verdict), at best supporting actor si Ricky Davao (Fuccbois).

Best picture ang EJK documentary na Aswang, best director si Raymund Ribay Gutierrez para sa Verdict, at ang best screenplay ay natamo ni Glenn Barit para sa The Cleaners.

Tabla sa best cinematography sina Alex Arumpac & Tanya Haurylchyk (Aswang) at Tey Clamor (Babae at Baril).

Wagi rin ang Aswang sa best editing (Fatima Bianchi & Anne Fabini).

Nakuha rin ng Babae at Baril ang mga tropeo para sa best production design (Eero Yves Francisco) at best scoring (Immanuel Varona).

Best sound ang For My Alien Friend (Jet Leyco & Brian Gonzales).

Ang lupon ng inampalan ng FAMAS Digital ay kinabilangan nina Raymond Red, Carlitos Siguion-Reyna, Kara Magsanoc-Alikpala, Paolo Villaluna, Sari Lluch Dalena, Baby Ruth Villarama, John Torres, Jon Lazam, Ditsi Carolino, Erwin Romulo, at Pepe Diokno.

Continue reading below ↓

Ang nag-host ng ika-68 Gabi ng FAMAS ay sina Christian Bables at Jasmine Curtis-Smith.

NOEL FERRER

Good choices... pati na ang pagbibigay ng Lifetime Achievement Award sa dapat na susunod na National Artist na si Sir Ricky Lee.

At sa mga parehong nakakamit na ng dalawang tropeyo, literal na mas mabigat ang FAMAS kaysa sa FAP. What do you think?

GORGY RULA

Dapat talaga nating ipagpasalamat na ibinalik sa mga taga-industriya ang FAMAS. Hindi iyong ilang pulis pa ang humahawak nito at ilang grupo na hindi man sa pagmamaliit, hindi ako kumbinsido sa choices nila.

Matitino na ang bumubuo nito ngayon, kaya walang kumuwestiyon.

Kung meron mang nagtaka sa pagkapanalo ni Janine sa Urian, na-justify na ngayon dito sa FAMAS.

Congratulations sa lahat ng nagwagi!

Sayang at hindi na namili ang grupo ng entertainment editors. Kaya wala ngayong Eddys awards ang grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

E, ang PMPC (Philippine Movie Press Club)? Nagre-review na sila para sa Star Awards for Movies. Hanggang Enero 2021 pa ang pagre-review nila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong gabi, December 20, 2020, naganap ang FAMAS Awards, at itinanghal bilang best actress si Janine Gutierrez para sa kanyang pagganap sa Babae at Baril.
PHOTO/S: Screen Grab from Babae at Baril
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results