John Lloyd Cruz, Bea Alonzo balik-tambalan sa No Goodbyes; MayWard movie, opening salvo ng Star Cinema sa 2021

by PEP Troika
Dec 21, 2020
Tuloy sa 2021 ang gagawing pelikula nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz(left) na ipoprodyus ng ABS-CBN. Nitong 2020 ay naunsiyami ang nakatakda sana nilang shooting sa Florence, Italy dahil sa pandemya. Buwena mano naman ang movie nina Maymay Entrata at Edward Barbers (right).
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

No Goodbyes ang titulo ng reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Star Cinema, na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Ini-reveal ito sa line-up ng 2021 movies ng ABS-CBN sa Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special nitong Disyembre 20, Linggo ng gabi.

Sa Florence, Italy sana kukunan ang bagong romance movie nina Bea at Lloydie, kaso, nagkapandemya.

Huling tambalan nina John Lloyd at Bea ay sa A Second Chance (2015), ang sequel sa iconic movie nilang One More Chance.

Ang buena manong pelikula ng ABS-CBN next year ay ang Princess DayaRees nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Ipalalabas ito sa Enero 1, Biyernes, sa mga piling sinehan sa bansa.

Sa halagang PHP150 ay mag-i-streaming ito worldwide KTX, iWant TFC, IPTV, Cignal Pay-Per-View, at Sky Cable PPV.

Mahigit 1.8M views na ang official trailer ng Princess DayaReese na in-upload noong Disyembre 19, Sabado, sa Facebook page ng ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema), at YouTube channel ng ABS-CBN Star Cinema.

Continue reading below ↓

As of December 21, Monday, 4:00 p.m., naka-1.2M views na ito sa FB, at naka-674K views sa FB.

Mala-The Princess Switch (2018) ang istorya ng nasabing pelikula, na nagtatampok din kina Snooky Serna, Epy Quizon, Pepe Herrera, Chie Filomeno, Alora Sasam, Igi Boy Flores, Neil Coleta, CJ Salonga, at Gold Azeron.

Of course, halaw iyang The Princess Switch sa 1881 novel ni Mark Twain na The Prince and the Pauper.

Kasado na ang iba pang movies ng ABS-CBN para sa 2021 gaya ng Hello Stranger The Movie (Tony Labrusca & JC Alcantara), Love or Money (Coco Martin & Angelica Panganiban), Soul Sistahs (Karla Estrada, Jolina Magdangal & Melai Cantiveros), All-Nighter, Keys to the Heart, at Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan (Joshua Garcia & Angie Ferro).

Coming soon ang yet-untitled films nina Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, Liza Soberano & Enrique Gil, Vice Ganda, at Kim Chiu.

Magbibida ang tandem nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa pelikulang Love Is Color Blind, ganoon din sa Star Cinema series na He’s Into Her.

Continue reading below ↓

Ang isa pang Star Cinema series ay ang Like A Boss ni Raymond Gutierrez.

NOEL FERRER

Nakakabilib na aktibo sa lahat ng platforms ang ABS-CBN kahit na walang franchise. They are really trying to cover the field with their presence as a market leader, at kahanga-hanga iyan.

Hamon iyan sa ibang networks na sumubok ding magpelikula tulad ng GMA Films, pati na ang TV5 na nagkaroon ng MMFF movie na Rosario (2010).

In the end, it’s really not just about making money—but really the commitment to keep the industry alive and dynamic.

This way, hindi mo lang napapalaki ang kita ng network mo kundi pinatataas mo rin ang value at bankability ng iyong stars at content creators. Laban lang!

Gawa nang gawa ng maganda, at laging bigyan ang audience ng magandang alternative. ‘Yan ang commitment to excellence at legacy work, di ba?

GORGY RULA

Parang ito na ang nakikita natin sa 2021. Digital na ang mamamayani sa mga susunod na araw.

Continue reading below ↓

Maiiba na rin siguro ang mga mapapanood natin. Mas mature na material na ang inaasahan sa pagbabalik-tambalan nina Bea at John Lloyd.

Matutuloy rin kaya sila sa Brightlight Productions? May nariinig din kasi akong pag-uusap nina Direk Cathy at dating Congressman Albee Benitez na producer ng Brightlight.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuloy sa 2021 ang gagawing pelikula nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz(left) na ipoprodyus ng ABS-CBN. Nitong 2020 ay naunsiyami ang nakatakda sana nilang shooting sa Florence, Italy dahil sa pandemya. Buwena mano naman ang movie nina Maymay Entrata at Edward Barbers (right).
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results