Vice Ganda, nanumbalik ang trauma sa putok ng baril; Iza, Judy Ann, Elijah nagpahayag ng galit sa killer cop

by PEP Troika
Dec 21, 2020
Vice Ganda, Judy Ann Santos, Iza Calzado, and Elijah Canlas (L-R) are among the celebrities who are furious over the viral video of Police Staff Sergeant Jonel Nuezca who brutally shot a mother and son in Tarlac.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nanumbalik sa alaala ni Vice Ganda ang madugong trahedyang sinapit ng kanyang ama na nabaril noong 1991.

Noong bata pa si Vice, ang tatay niyang barangay captain sa Tondo, Manila ay pinaslang.

Linggo ng Palaspas noon at naggagayak na ang pamilya ni Vice patungong simbahan nang magkaroon daw ng rambulan sa kanilang lugar.

Naka-istambay lang daw sa labas ng kanilang bahay ang kanyang ama nang bigla na lamang itong barilin ng isang taong nanggugulo noon.

Kilala raw sa kanilang lugar kung sino ang nakapatay sa kanyang ama, pero hanggang ngayon ay hindi pa raw ito nahuli ng mga pulis.

Tweet ni Vice Ganda nitong Disyembre 21, Lunes ng hapon, “Natulala ako matapos ko mapanuod ung video. Bumalik yung trauma ko.

“Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo.

Continue reading below ↓

“Ang bigat ng nararamdaman ko.”

Ang tinutukoy ni Vice na video ay iyong nag-viral na pamamaril ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, 46 sa mag-inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25 noong Disyembre 20, Linggo sa Paniqui, Tarlac.

Sumigaw pa ang batang babae anak ni Joel Nuezca, “My father is a policeman!”

Follow-up tweet ni Vice, “Sana’y wag silang magaya sa Tatay ko na di nabigyan ng hustisya.

"Sana’y wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lng sa tagal ng paghihintay ng katarungan.

"Sana wala ng makaranas ng kasamaang ito.”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ako ma’y hindi makapaniwala. Ang reaksyon ko—ganito na ba ang lipunan natin ngayon?

Inilagay ko sa social media account ko... DO YOU STILL FEEL SAFE HERE?

Tinext ako ng talent kong si Iza Calzado na sa kalagitnaan ng shoot niya ay nagsabing, “Hayop! Hindi gawain ng maayos na tao ‘yun!”

Apektado siya nang todo.

Ang kapamilya nating si Judy Ann Santos ay nag-post sa Instagram, “Justice for Sonya Gregorio and Frank Gregorio #StopTheKillings”


Continue reading below ↓

Maaatim ba ng konsensiya nating manahimik kung may ganitong pangyayari? Paano kung sa atin nangyari ito?

At ilan na kaya ang ganitong kaso na hindi nakunan ng camera?

Ito na ang laganap na culture of violence at impunity na pilit nakapagpamanhid sa iba nating mga kababayan!

Hayyyy.... ito ba ang lipunan na gusto natin? Sabi nga ni Tito Gorgy sa naunang post, “We deserve better!”

JERRY OLEA

Ang Facebook post ni RK Bagatsing, “Demonyo lang, o malakas ang kapit sa demonyo ang may kayang gumawa non.”

Ang Facebook post ng Urian at FAMAS best actor na si Elijah Canlas, “Woke up to the news of what that monster of a cop (Jonel Nuezca) did to Sonya and Frank Gregorio, two innocent lives taken like it was nothing.

“Napakasahol. Halimaw. At oo, kasalanan din ‘to ng boss. Hindi ito ang unang beses na may mangyaring ganitong insidente. Anong dapat at pwedeng gawin para masigurado na ito na ang huli? “Hindi natin ito kalilimutan. Hindi natin ito palalagpasin.”

Continue reading below ↓


GORGY RULA

Bumalik ang galit ng mga tao sa kapulisan, pero huwag nating idamay lahat.

Sa ganitong balita, tama ring muling mag-ingay ang mga nasa showbiz, lalo na ang mga kilalang artistang laging nakamasid sa mga nangyayari sa ating bansa.

Mas binabasa at pinapakinggan sila ng sambayanan.

Sa akin, ipagdadasal ko ang ating Pangulong Rodrigo Duterte na sana ay patuloy pa rin siyang magdasal at mapagtanto kung ano ang mensaheng gustong iparating sa kanya ng Diyos.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Pati ang comedian-talent manager na si Ogie Diaz ay naalarma sa napanood na viral video.

Shoutout ni Ogie nitong Monday morning sa Facebook, “Seguridad at proteksyon dapat ang nararamdaman natin pag nakakakita ng pulis. Hindi takot.”

Dagdag na hanash ni Ogie sa FB, “‘My dad is a policeman!’ sigaw ng batang Inglisera bago binaril ng daddy nito ang mag-ina sa ulo.

“Kumalat na ang video sa messenger. Kung mahina-hina sikmura mo, di mo na panonoorin yung video.

“Malamang, huling hawak na sa braso ni bagets sa daddy niyang pulis, dahil definitely, hindi na mapo-promote ang daddy niya, kasi rehas na ang hahawakan nito.

“Hindi ko alam kung ako lang ang may ganitong feeling: na pag nakakakita ako ng pulis, parang natatakot na ako.

“Hindi dahil me masama akong ginawa, kundi du’n sa kadalasang balitang ‘nanlaban,’ kaya binaril. Paano mo pa maipagtatanggol ang sarili mo kung patay ka na?"

Continue reading below ↓

Umaasa si Ogie na hindi matutulod sa ibang kaso na kahit kitang-kita ang ebidensiya ay mabibigo pa ring makamit ang hustisya para sa malagim na pagpaslang kina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.

Patuloy ni Ogie: “At ang masaklap, natutulog lang yung kaso hanggang sa maabswelto na ang ‘dumepensa lang’ na pulis.

“May mga kaibigan din akong pulis. Nakakaawa yung matitino. Pati sila, nadadamay.

“Sana matapos na ang kultura ng pagpatay nang walang kalaban-laban, lalo na sa mga inosente.

“Sana maibalik ang totoong imahe ng pulis na ‘to serve and to protect.’

“Nakakalungkot na talaga itong mga nangyayari sa bansa natin. “Hindi ba pwedeng 2022 muna bago 2021?”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Judy Ann Santos, Iza Calzado, and Elijah Canlas (L-R) are among the celebrities who are furious over the viral video of Police Staff Sergeant Jonel Nuezca who brutally shot a mother and son in Tarlac.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results